CHAPTER 8

1K 11 5
                                    

Slater (kinakausap ang sarili): Saan kaya nagpunta ang babaeng yun?

Pasado alas-dos na ng hapon pero wala pa ito. Nagluto pa naman siya ng lunch bilang peace offering dito. Kahit gusto niyang i-text o tawagan ito ay hindi pwede.

Slater: Bakit ba naman kasi hindi ko man lang naalalang kunin ang number niya? At siya naman, hindi man lang nagkusang ibigay! Haist!

Halos 30 minutes pa ang lumipas nang marinig niyang bumukas ang pinto. Tamang-tama namang nasa sala siya at nanonood ng TV.

Slater (tumayo para salubungin si Tin): Saan ka nanggaling?

Hindi siya pinansin ng babae. Sa halip ay nilampasan siya nito at dumiretso sa kwarto. Sumunod siya.

Slater: Tara, kain tayo. Nagluto ako ng lunch.

Tin: Kumain na'ko.

Slater: Edi kumain ka na lang ulit. Halika na.

Hinawakan ang kamay ni Tin pero parang napasong binawi agad iyon ng babae.

Tin: Ayoko, busog ako!

Slater: (Sighed) Tin-Tin naman eh, huwag ka nang magalit. Nagbibiro lang naman ako kanina eh.

Tin: Whatever, Slater! Eh sa ayoko ngang kumain eh! (Kumuha ng damit pampalit) Baka gusto mong lumabas muna at magbibihis ako?

Slater: Hindi ako lalabas hanggat hindi mo sinasabing sasaluhan mo ako. (Nahiga ito sa kama) Ganyan ka, hinintay pa naman kita tapos hindi mo rin pala ako sasaluhan! Pag nagka-ulcer ako, kasalanan mo! (Pumikit ito)

Tin (nafu-frustrate na): Argh! Sige na, sasaluhan na kita. (Hinila patayo si Slater saka itinulak palabas ng pinto) Labas na, dali!

Slater (half-smiling): Sinabi mo yan ah! Sige, bihis ka na. Antayin kita dito. Pag 5 minutes di ka pa lumabas, papasok ulit ako.

Padabog na nagbihis na siya.

Tin: Ang kulit talaga ng unggoy na yun!

Tin: Masarap ba to? (Ang tinutukoy ay ang beef steak na niluto ni Slater)

Slater (proud na proud): Of course! Niluto ko yan eh. 

Tinikman iyon ni Tin at nagustuhan niya. Buti pa si Slater, kalalaking tao pero ang sarap magluto. Napasimangot tuloy siya.

Slater (napangiwi): Hindi masarap?

Tin: Okay lang, pwede na.

Slater: Yun lang? (Tinikman nito ang niluto) Masarap eh.

Tin (hindi mapigil ang matawa sa pagkakangiwi ng lalaki): (Ang cute ting---) Oo na, masarap na masarap! Masaya ka na?

Slater: That's my girl! (Ngumiti nang pagkatamis-tamis)

Tin (napakunot ng noo): Huh?

Slater (natigilan): Ahm... I mean, masarap talaga yan kasi specialty ko yan!

Tin: Kanino mo ba natutunan to?

Slater (nawala ang sigla): Someone taught me. Hmm... Kain na tayo.

Kumain na nga sila. Nakapagtatakang kahit kumain na siya ay naparami pa rin ang kain niya. Matapos kumain ay nag-burp siya nang malakas na ikinatawa ni Slater.

Slater: Aminin mo, masarap talaga no? (Laughs)

Pulang-pula siya dahil na rin sa pagkapahiya.

Tin (umirap): Shut up!

Dahil kinabukasan ay may pasok na naman, ginugol nina Tin at Slater ang natitirang oras para sa araw na iyon sa paglilinis at pag-aayos ng mga gamit sa bagong bahay nila.

LOVEBUG (ON HOLD)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant