CHAPTER 12

1K 11 5
                                    

Two months ang lumipas na parang naging routine na nina Slater at Tin ang magbangayan. At dahil pareho nilang ayaw magpatalo ay laging silang dalawa rin ang naghahati sa consequences sa paglabag nila sa second rule na kailangan nilang maging nice sa isa't isa.

Natapos na rin ang graduation nila. Ngayon ay nagtatrabaho na si Slater sa company ng daddy niya samantalang si Tin ay sa bahay lang. Hindi naman sa ayaw niyang magtrabaho, siyempre gusto rin niya. Pinag-iisipan pa lang muna niya kung saan siya mag-aaply.

Slater: (Galing sa trabaho) I'm home!

Hindi nag-react si Tin dahil busy sa binabasang libro. Nagpunta sa harap niya si Slater.

Slater: I said I'm home!

Tin: (Sandaling tinapunan ng tingin si Slater) Oh hi! (Ibinalik ulit ang atensyon sa binabasa)

Slater: (Naupo sa tabi ni Tin) Hay! Sakit ng ulo ko.

Tin: (Nasa libro pa rin ang atensyon) May Biogesic dun sa medicine kit.

Slater: Hmm... What's for dinner?

Tin: (Nagbabasa pa rin) Magpa-deliver na lang tayo.

Slater: Na naman? Kailan mo ba ako ipagluluto ha?

Tin: Hindi nga ako masarap magluto di ba?

Slater: I never said that. Halika, magluto tayo dun.

Hinawakan nito ang kamay niya pero iniiwas niya.

Tin: A-yo-ko.

Inis na tumayo si Slater saka inagaw ang libro mula sa kanya.

Slater: Nakakainsulto ka na Tin-Tin ah! Sino ba kausap mo? Ako o ito?

Tin: Natural ikaw! Kinakausap ba yan? Tsk! Akin na yan, nagbabasa ang tao eh.

Slater: No!

Tin: Akin na sabi eh.

Pinag-agawan ng dalawa ang libro hanggang sa matapakan ni Tin ang paa ni Slater. Dahil dun ay na-out of balance siya na kaagad naman naalalayan ng lalaki. Pareho silang bumagsak sa sahig. Dahil sobrang magkalapit ang mga mukha nila, halos magdikit na ang mga labi nila.

Tin (sa isip): Oh my gulay! Bakit kapag ang lapit-lapit niya bigla na lang lumalakas ang kabog ng dibdib ko? Hindi to pwede!

Titig na titig lang sa kanya si Slater. Bumuka ang bibig nito na tila may gustong sabihin pero sa huli ay sumara ulit. Napansin niyang parang hahalikan siya nito.

Tin (sa isip): Bawal yan, Tin! Lumayo ka sa kanya, now na!

Hinawakan ni Slater ang mukha niya saka unti-unting inilapit dito.

Tin (sa isip): Ano ba, Tin?! Lumayo ka na! Nooo! Waaaaaaah!!!

Parang napasong bigla silang humiwalay sa isa't isa nang marinig nilang may nagsalita.

Slater's Mom (nangingiti): Oh my! I'm sorry we didn't know.

Tin (pulang-pula): Naku, wala pong ibang ibig sabihin to Mommy! Na-out of balance lang po kami pareho.

Slater's Mom (nanunukso): Don't be too defensive hija. Wala namang masama, mag-asawa naman kayo.

Slater: M-mom!

Slater's Dad: (Natawa) Grabe ka anak, kakaiba ka dumiskarte!

Slater: Dad!

Tin: Tito naman.

Slater's Dad: Tito? Ganyan ka pala ma-tense anak? (Laughs)

Slater: (Tumikhim) Tama na yan Dad, nahihiya na ang asawa ko.

Inakbayan siya nito. Palihim niyang kinurot sa likod ang lalaki.

Slater (pabulong): Aray, Tin-Tin!

Hindi niya ito pinansin. Sa halip ay pasimpleng lumayo saka nakangiting binalingan ang parents ni Slater.

Tin: Mabuti naman po at nadalaw kayo?

Slater's Mom: Wala naman, na-miss kasi namin kayo. (Bineso si Tin) Pwede ba kaming maki-dinner?

Tin (napatanga): Po?

Slater: Of course, Mommy! Pwedeng-pwede!

Slater's Mom: Great! Gusto ko kasing matikman ang luto ng manugang ko eh. What did you cook for dinner hija?

Makahulugan ang tinging iginawad ni Slater sa kanya na para bang sinasabing: Patay ka diyan, Tin-Tin!

Tin (napangiwi): Ah, eh... K-kasi po Mommy, ang totoo po niyan---

Slater: Ang totoo niyan Mommy, magluluto pa lang kami. (Lumapit kay Tin saka siya inakbayan) Tara babe, magluto na tayo para makakain na rin sina Mommy.

Tin: Sandali lang po ah, maupo po muna kayo.

Slater's Dad: Sige.

Slater (pabulong): O, edi sa pagluluto rin ang bagsak mo? (Tawa)

Habang nagdi-dinner.

Slater's Dad: Wala pa ba?

Slater's Mom: Uy Dad, mamaya na lang yan. Kumakain pa tayo eh. Saka nakakahiya dito kay Tin-Tin.

Slater & Tin (nagtataka): Ang alin po?

Slater's Dad: Sorry Mommy, nabanggit ko na eh. (Wink) So, wala pa nga?

Slater & Tin: Ang alin nga po?

Slater's Dad: Ang ano...

Slater & Tin: Ang...?

Slater's Mom (nahihiya pa): Ang apo daw namin.

Biglang nasamid si Tin.

Slater's parents: Oh, okay ka lang hija?

Tin: O-okay lang po. (Nyay! Ano ba to? T_T)

Slater: Okay ka lang talaga babe? (Kinabig palapit si Tin)

Tumango lang si Tin kahit ang totoo ay parang gusto na niyang lumubog na lang sa kinauupuan niya. Si Slater naman ay lihim na napapangiwi.

Slater's Dad: Pasensya na kayo kung padalus-dalos kami sa pagtatanong ah? Naiinip na kasi kami sa inyo eh. Ang tagal bago nyo kami bigyan ng apo! (Laughs)

Slater's Mom: Dad!

Slater's Dad: Tingnan nyo ang mommy nyo, nagmamalinis pa. (Tawa ulit) Eh mas atat pa to sa'kin eh. Asan na pala yung binili mo para sa manugang natin?

Slater's Mom (nahiya bigla): N-nasa sala. Mamaya ko na ibibigay.

Slater's Dad: Basta mga anak, double time ha? Sabik na sabik na kami sa mga apo.

Slater: (Sinakyan na lang ang sinasabi ng ama) Ilan ba gusto nyo?

Slater's Dad: Enough to make a basketball theme.

Tin (sa isip): Huwat?! Grabe naman! O_o

Slater's Mom: Huwag nyo kalimutan ang muse ha! (Smiles)

Slater: No problem! (Smiles) Babe, narinig mo yun ah?

Hinalikan siya nito sa cheeks. Palihim na tinapakan ni Tin ang paa ni Slater. Napa-aray tuloy ito.

Matapos mag-dinner ay umalis na rin ang mga magulang ni Slater. Bago umalis ang mga ito ay iniabot nga ng ina nito ang sinasabi ng mga ito kanina kay Tin.

Nang nasa kwarto na si Tin ay saka niya inusisa kung ano iyon.

Nang matuklasan niya kung ano iyon...

Tin: Oh my gulay!

LOVEBUG (ON HOLD)Where stories live. Discover now