CHAPTER 15

1.6K 13 20
                                    

Nang makabalik sa tinutuluyang hotel ang dalawa ay dire-diretsong pumasok si Tin sa banyo at pabagsak na isinara ang pinto.

Slater: Tin-Tin are you okay?

Hindi siya sumagot. Naiinis siya sa sarili niya.

Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? Ayaw niya ng ganitong pakiramdam.

Slater: (Kumatok) Tin-Tin please, open the door! Kausapin mo 'ko.

Tin: Mamaya na, pwede ba!

Slater: No! I want you to talk to me now! Bakit ka ba nagkakaganyan?

Tin: Mamaya na nga! Tumahimik ka muna dyan, pwede?

Slater: Ayoko! Kausapin mo muna ako!

Tin: Utang na loob, Slater! Hindi ako makapag-concentrate dahil sa kakatalak mo! Hayaan mo muna akong makawiwi. Istorbo!

Nang makalabas ng banyo si Tin ay kaagad siyang sinalubong ni Slater.

Slater: Ngayon, pwede mo na bang sabihin sa 'kin kung ano ang ibig sabihin ng inasta mo kanina? Bakit hindi mo ako kinakausap kaninang pauwi? Aminin mo na, nagseselos ka no?

Tin: Hindi nga ako nagseselos, ang kulit!

Slater: Okay! Eh bakit ka nga nagkakaganyan kung hindi ka pala nagseselos?

Tin: Ewan ko! Naiinis ako sa'yo!

Slater: Huh? Bakit?

Tin: Basta!

Slater: Bakit nga?

Tin: Argh! (Napakamot sa ulo) Kasi ayoko lang yung harap-harapan mo akong binabastos!

Slater: Wait! Kelan naman kita binastos?

Tin: Kanina! Hindi ba pambabastos yung ipinapakita mo pa sa'kin yung pakikipag-flirt mo sa Gail na yun?

Slater: Hey hey... Hindi ako flirt no, nice lang talaga ako.

Tin: Whatever! Basta ayoko ng ganun. Kahit pa sinabi ko sa'yo noon na okay lang ang makipag-date tayo sa iba, ilagay mo naman sa lugar.

Slater: (Natigilan, pagkatapos ay napabuntong-hininga) Okay. Sorry na. (Inakbayan si Tin) Okay na tayo?

Nakayukong nagkibit-balikat lang siya.

Slater: Tin-Tin naman...

Tin: Oo na, sige na!

Slater: Ay ano ba yan, hindi sincere! (Kunway nagtatampo)

Tin: Okay na nga tayo. Okay?

Slater: Gusto ko sabihin mo yun na nakatingin ka sa'kin.

Tin: Demanding ka naman masyado! Oo na nga, okay---

Nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang mga mata nila kaya parehas silang natigilan. Pakiramdam ni Tin ay huminto sa pag-ikot ang mundo at bigla ay parang mabibingi siya sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Napansin niyang napalunok si Slater.

Slater: (Halos pabulong) Tin...

Tin: (Halos pabulong din) S-Slater?

Slater: Hmm... Nasabi ko na ba sa'yong... (Hinaplos ang mukha ni Tin) ang ganda-ganda mo?

Tin: (Napapikit sa ginawa ni Slater) Hindi pa.

Slater: Open your eyes. (Nang magmulat si Tin ay ngumiti si Slater) There you are! Do you know that you have the most beautiful eyes that I've ever seen? (Kinintalan nito ng halik ang mga mata ni Tin)

Tin: Hindi.

Slater: Do you also know how much do I love this nose? (Ang ilong naman ni Tin ang hinalikan matapos iyong pisilin)

Tin: Slater...

Slater: And those lips, will you believe me if I tell you na tino-torture ako ng mga yan?

Tin: B-Bakit naman?

Slater: Because no matter how much I'd love to taste them, I'm afraid you wouldn't let me.

Hindi alam ni Tin kung ano ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Basta ang sigurado niya, gusto niya ang tinatakbo ng pangyayari sa pagitan nila ni Slater.

Tin: How would you know if you won't even try?

Nang sabihin iyon ni Tin ay walang pag-aalinlangang hinawakan ni Slater ang baba niya saka sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya.

Sa una ay parang tinatantiya pa nito kung ano ang magiging reaksiyon niya, pero nang tumugon siya ay naging mapusok ang paraan ng paghalik nito. Ikinawit niya ang mga kamay sa ulo nito dahil pakiramdam niya ay biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Nang parehong halos mapugto na ang hininga nila ay sandali silang naghiwalay.

Nagkatitigan sila, pagkatapos ay masuyong hinaplos ni Slater ang mga labi niya na ginantihan naman niya ng pagngiti. Parang naging reassurance para sa lalaki ang pagngiti niyang iyon kaya naman muli nitong kinumuyos ng halik ang mga labi niya --- this time, it is sweeter and hotter. Binuhat siya nito at inihiga sa kama nang hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Kinuha nito ang isang kamay niya at itinapat iyon sa dibdib nito. Tulad niya ay sobrang lakas ng pintig ng puso nito.

Slater: (Medyo hinihingal) Can you hear it? Ikaw pa lang ang nakagawa niyan.

Tin: (Napangiti) I’m glad.

Nakangiting muli siya nitong hinalikan at nag-umpisang maglikot ang mga kamay nito. The next thing they knew, they were both naked and were uttering each other's name.

Slater: Are you okay?

Tumango si Tin.

Slater: Are you sure? Walang masakit?

Tin: Medyo lang...

Slater: (Mabilis na hinalikan sa labi si Tin) I'm sorry. Don't worry, I'll be gentle next time.

Tin: (Kunwa’y inirapan si Slater) Wala nang next time no!

Slater: (Lumabi) Uy, bad ka!

Nakangiting isiniksik na lang ni Tin ang sarili kay Slater. Bago pa nila namalayan ay parehas na silang hinila ng antok.

Napangiti si Slater nang kinabukasan, pagmulat niya ay ang magandang mukha ni Tin ang namulatan niya. Nakaunan ang ulo nito sa kanya habang magkayakap sila. Ipinadaan niya ang hintuturo sa nakapikit na mga mata nito, pababa sa ilong, hanggang sa humantong iyon sa mga labi nito. Dahil doon ay nagising ito.

Slater: Good morning, baby!

Tin: 'Morning... (Naalala marahil nito ang nangyari nang nagdaang gabi, bigla itong namula)

Slater: (Laughs) My blushing wife.

Tin: (Nagtalukbong sa ilalim ng comforter na gamit nila) Shut up, Sla--- Oh my gulay!

Slater: Bakit? Anong nangyari? (Sumilip din sa ilalim ng kumot saka natawa nang malakas)

Tin: (Lalong na-conscious) Argh! Slahtuuuuur labas ka nga muna! (Pilit pinapalabas mula sa comforter ang asawa)

Slater: Bakit ba eh nakita ko naman na lahat yan?

Tin: Ahh basta! Sige na, please...

Slater: Ang sungit mo naman! Don't tell me naglilihi ka na agad? (Laughs)

LOVEBUG (ON HOLD)Where stories live. Discover now