CHAPTER 14

911 13 6
                                    

Slater: (Maluwang ang pagkakangiti) Hulaan mo kung ano ang pasalubong ko sa'yo.

Tin: (Na-excite, nag-isip) Hmm... I can't think of anything. Ano ba yun?

Pa-suspense na may kinuha mula sa loob ng suot na coat si Slater at ipinakita iyon kay Tin.

Slater: Trip for two to Hong Kong courtesy of mom and dad!

Tin: Really? Wow! Anong pambobola na naman ang ginawa mo at naisipan nila yan? (Of course nagbibiro lang siya)

Slater: Wala no! Pahabol na wedding gift daw nila aside dito sa bahay at dun sa nighties. (Laughs)

Tin: (Namula nang maalala na naman yung tungkol sa nighties) Ang generous talaga nila. (Smiles) Wait lang, magte-thank you ako.

Idinial niya ang numero sa bahay ng mag-asawa. Idinikit naman ni Slater ang tenga sa auditibong nakalapat din sa tenga ni Tin upang makinig sa usapan ng dalawa.

Slater's Mom: Hello?

Tin: Hello Mommy, si Tin po ito.

Slater's Mom: O, Tin-Tin, napatawag ka?

Tin: Magte-thank you lang po sana ako dun sa tickets. Sobrang thank you po talaga!

Slater's Mom: Naku anak, hindi thank you ang hinihintay namin ng daddy nyo.

Tin: Po? (Nagkatinginan sila ni Slater) Eh ano po? Sabihin nyo lang Mommy.

Slater's Mom: Ang gusto lang namin pagbalik nyo eh may apo na kami. (Laughs)

Tin: M-mommy talaga!

Slater: (Malakas na pagkakasabi) Sure Mom! Magdo-double time kami nitong baby ko!

Siniko niya ang asawa.

Makalipas ang isang linggo ay lumipad ang mag-asawang Tin at Slater papuntang Hong Kong. Pagka-check in na pagka-check in sa hotel na tutuluyan ay ginugol nila ang natitirang oras para sa araw na iyon para magpahinga at mag-ipon ng lakas. Nang mga sumunod na araw ay wala silang ibang ginawa kundi ang mamasyal, mag-picture taking, at mamili ng mga pasalubong.

Isang araw, habang abala sa pangunguha ng litrato si Slater at nakaupo sa isang bench sa di kalayuan si Tin ay napansin niya na panay ang tingin ng isang magandang babae sa asawa niya. Nang mapatingin si Slater dito ay nginitian ito ng babae. Hindi na sana siya magre-react kung hindi lang niya nakita ang magaling na asawa na gumanti ng ngiti na sinabayan pa nito ng pagkaway. Dahil doon ay lumapit ang babae dito. Kunot-noong tumayo siya at umali-aligid sa dalawa.

Girl: Are you a Filipino?

Slater: Yup, ikaw rin?

Girl: Oo. I'm Gail.

Nainis si Tin nang kahit na makita na siya ni Slater ay parang hindi pa rin siya nito napansin. Tumikhim siya pero deadma lang ito at sa halip ay buong tamis na ngumiti pa sa babae.

Slater: Nice name! Slater here. (Nagkamay ang dalawa) Do you live here?

Gail: Nope! Namamasyal lang. I bet ikaw rin?

Slater: Yeah. Ang totoo niyan eh babalik na rin ako ng Manila bukas.

Gail: I see... Anong oras ba ang flight mo?

Slater: Around 10 am.

Gail: Great! (Smiles) Hmm... Where's your next stop? If you want---

Nang ma-sense ni Tin ang nais ipahiwatig ng babae ay walang pagda-dalawang-isip na sumabad na siya sa usapan ng dalawa. Niyapos niya si Slater at matamis na ngumiti.

Tin: Sorry babe to keep you waiting. Nainip ka ba?

Nagtatakang tumingin sa kanya ang lalaki. Pasimpleng inirapan niya ito saka bumaling sa babae.

Tin: Excuse me, Miss. Hmm... Do you need anything from my hubby? (Diniinan pa niya ang pagkakasabi sa salitang "hubby")

Nakatanga lang ang babae.

Tin: Ano, Miss? (Ulit niya) May kailangan ka ba sa asawa ko?

Gail: W-Wala. Pasensya na. I just thought...

Tin: Ahh... Gets ko na! Oh sige ha, we have to go. Marami pa kaming pupuntahan eh. Let's go, babe!

Slater: Sige Gail, pasensya ka na sa misis ko ha, naglilihi kasi.

Dahil sa sinabi ay palihim na hinampas ni Tin si Slater sa tagiliran.

Gail: It's okay. (Waves) See you when I see you!

Gigil na gigil na hinila na ni Tin si Slater palayo sa babae. Halos kaladkarin na niya ang asawa kaya naman halos madapa na ito. Nang masigurong malayo na sila kay Gail ay binitiwan na niya ito. Nang mapalingon siya sa asawa ay makahulugan ang ngiting iginawad nito sa kanya?

Tin: (Pabalang) What?

Slater: Wala lang. Bakit ba?

Tin: Ewan ko sa'yo! (Nagmartsa papalayo kay Slater)

Slater: Hey hey hey! Where are you going?

Tin: Shut up!

Hindi pa rin mabura-bura ang ngiting hinabol siya nito. Nang maabutan siya nito ay hinawakan nito ang kamay niya. Babawiin sana niya iyon pero mahigpit ang pagkakahawak nito.

Tin: Bitiwan mo nga ako!

Slater: Ayoko nga! Tin-Tin ah... May hindi ka sinasabi sa 'kin.

Tin: Wala no! Ano naman ang sasabihin ko?

Slater: Ang haba ng nguso mo eh. Nagseselos ka no?

Tin: (Defensive agad) Duh! Bakit naman ako magseselos? Dream on, Slater!

Slater: Okay fine! (Laughs) Saan mo pa gustong pumunta?

Tin: (Nawalan na ng ganang mamasyal) Sa hotel. Gusto ko nang magpahinga.

LOVEBUG (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon