CHAPTER 5

1.2K 12 10
                                    

Matapos ang kasal ay dumiretso na sina Slater at Tin sa bahay na iniregalo sa kanila ng mga magulang ni Slater bilang wedding gift. Nauna nang umakyat si Tin sa kwarto dahil gusto na rin niyang maligo at magpahinga samantalang si Slater ay naiwan muna sa min bar sa ibaba at nagmuni-muni.

Matapos maligo ni Tin ay nagpatuyo lang siya ng buhok saka nahiga na rin pagkatapos para matulog. Ilang minuto na siyang nakapikit pero hindi siya makatulog.

Tin (sa isip): Bat ganun? Pagod na pagod ako pero hindi naman ako makatulog? (Bumiling siya) Namamahay lang siguro ako. (Nakarinig siya ng mga yabag palapit sa kwarto kaya bigla siyang kinabahan) Kahit pa sabihing honeymoon namin ngayon, so what? Hindi naman kami nagmamahalan kaya hindi pwede! (Nang marinig niya ang pagpihit ng pinto ay pumikit siya at nagkunwaring natutulog na) Pikit ka lang Tin para isipin niyang natutulog ka na at nang hindi na mang-istorbo.

Nakiramdam siya.

Nang datnan ni Slater na natutulog na si Tin ay napangiti siya.

Slater (sa isip): Ang aga naman palang matulog ng babaeng to, ni hindi man lang ako hinintay. Bakit ka naman niya hihintayin? (tanong ng isang bahagi ng isip niya na hindi naman niya nasagot)

Tinungo na lang niya ang kinaroroonan ng maleta niya at kumuha ng briefs at boxer shorts.

Habang naliligo...

Biglang naalala ni Slater na honeymoon nga pala nila ni Tin sa gabing iyon. Hindi siya grade 1 para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng bagong kasal sa honeymoon. Ipinilig niya ang ulo at nilakasan ang shower.

Slater (sa isip): Haist! Hindi tama yang iniisip mo, Slater! Hindi papayag si Tin-Tin lalo pa sa ganyang sitwasyon!

Kulang na lang kasi ay isumpa siya ng babae dahil sa nangyari. Ramdam niyang ayaw ng babae sa mga nangyayari, lalo na sa kanya. Kanina ngang kasal nila ay hindi siya nito masyadong kinikibo. At kung kinibo man siya nito kanina ay marahil nahihiya lang itong bastusin siya sa harap ng mga bisita, lalo na ng mga magulang at kaibigan nila.

Pero kahit anong pag-divert ang gawin niya ay parang tuksong pinipilit ng isang bahagi ng isip niya na honeymoon nila at hindi masama kung may mangyari man sa kanila lalo pa't kasal na sila.

Slater (pilit pa ng pilyong bahagi ng isip niya): Tuksuhin mo kaya? Malay mo bumigay! Hehe... Eh kung ayaw talaga? (tanong naman ng mabait na bahagi ng isip niya) Edi pilitin mo hanggang sa pumayag! (sagot ng kabila) Hindi pwede yun! Paano kung ayaw talaga? Edi lalo siyang nagalit? (katwiran naman ng isa) Ah basta, ang honeymoon ay honeymoon! Ikaw rin! Bwahahahaha!!! >:)

Matapos maligo ay naupo muna siya sa kama at pinagmasdan ang babae na tamang-tama ay nakapaharap sa kanya. Nagawi ang tingin niya sa mga mata nitong nakapikit, bumaba sa napakatangos pala nitong ilong, at huminto sa bahagyang nakabukas na mga labi nito. Napalunok siya.

Slater's naughty mind: Hoy Slater, titingnan mo na lang ba? Kanina nga hindi mo rin nahalikan yang mga yan eh, sa cheeks lang niya siya nagpahalik. Wala namang bayad ang paghalik eh, ayan na oh! Pagkakataon mo na! Ang bagal mo naman! Tsk tsk tsk!!! (Kumontra agad si mabait na isip) Grabe ka, tulog na yung tao oh... (Sagot naman agad si naughty mind) Yun na nga tulog na! Kiss lang naman eh, hindi magigising yan.

Sa huli ay nanaig ang pilyong bahagi ng isip niya, unti-unting bumaba ang mga labi niya sa mga labi nito.

Nagulat si Tin nang maramdaman niyang may mga labing humalik sa mga labi niya. Sa sobrang pagkabigla sa nangyari ay hindi kaagad siya nakahuma. Nang magmulat siya ay ang pagkalapit-lapit na nakapikit na mga mata ni Slater ang namulatan niya.

Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ng kaibigang si Jean: Basta friend, huwag na huwag kang papa-kabog sa lalaking yun ha? Kapag pinilit kang mag-you know, sigaw ka agad ng rape!

Sumingit naman ang sinabi ni Marjie: (Natawa) Gaga! Sino namang maniniwala na rape nga yun eh, kasal naman na sila?

Nang gumalaw-galaw ang mga labi nito ay saka siya natauhan. Buong lakas na itinulak niya ang lalaki na ikinahulog nito sa sahig. Ang walang-hiya, naka-boxer lang pala at hindi naka-T shirt! Pero hindi na niya pinansin iyon.

Tin (pasigaw): Walang hiya ka! Anong ginagawa mo ha? Bastos! Bastos! Bastooooos! (Pinaghahampas at pinagsasabunot si Slater)

Slater: Aray! Aray! Ano ba? (Pilit inaalis ang nakasabunot na kamay ni Tin sa buhok niya) Sumosobra ka na Tin-Tin ah! Tama na! Ouch! Ouch! Bitiwan mo buhok ko! I swear hindi ako pumapatol sa babae kaya tumigil ka dyan! Araaaay!

Nang mapagod si Tin ay isang malakas na hampas pa sa braso ng lalaki ang ginawa niya bago nanghihinang umupo sa kama.

Tin (gigil na gigil): Bwisit ka! Hindi ka lang pala talaga mayabang, bastos ka pa! Basta ka na lang nanghahalik! Bwisiiiiiiiiiiit!!!

Nagtaka pa siya nang bigla na lang humalakhak nang pagkalakas-lakas ang lalaki habang hinihimas-himas pa ang anit.

Slater (tumatawa): Grabe ka, Tin-Tin. Yun lang pala ang gusto mo, pinahirapan mo pa ko!

Tin (takang-taka): Anong ibig mong sabihin?

Lumapit sa kanya ang lalaki saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

Slater: Tin-Tin, pahalik ha?

Napatanga si Tin nang halikan na naman ulit siya ni Slater. Saglit lang iyon.

Nang matapos ang halik…

Slater (ngumiti): Hep! Wag ka na mag-react, nagpaalam naman na muna ako bago kita kiniss. (Nahiga na ito) Goodnight Tin-Tin!

LOVEBUG (ON HOLD)Where stories live. Discover now