Bitch School Festival 4

4.4K 181 69
                                    


"Pards nandito tayo para mag enjoy, cheer up" sabi sa kanya ni Tekla sabay pisil ng bahagya sa magkabilang pisngi nya.

Natawa sya ng mapakla dito sabay sabing "Pards paano ko magagawang mag enjoy kung ganito yung nararandaman ko?" Walang ganang sabi nya, saka muling napasulyap sa stage kung saan naroroon si Cassidy. Katatapos lang nito mag speech at ngayon nga'y pababa na ito.

Gusto na nyang umuwi kanina pa pero hindi nagpapalabas ang mga gwardya kaya heto sya nagmumukmok sa isang sulok kasama si Andrei at Tekla.

"Meron akong nagustuhang advice ng isang priest noong minsang nagsimba ako, share ko lang" seryosong sabi ni Andrei na nakaupo sa gawing kanan nya, napapagitnaan sya nito at ni Althea. "Kwento ng pari, may isang batang sagana sa ibat ibang klase ng laruan. Yung silid ng bata ay halos mapuno na sa dami ng kanyang laruan ngunit magka ganoon man umaangal pa din itong bata sa kanyang mga magulang at sinasabing 'mom, dad I'm bored' Ang paliwanag ng pari, tayong mga tao ay likas na hindi marunong makuntento at masiyahan kaya hindi tayo nagiging masaya. Patuloy nating hinahangad ang mga bagay na wala sa atin kaya hindi natin nakikita ang mga blessings na mayroon tayo. Ang punto ko masyado kang nasasaktan ngayon kasi nakatutok lang ang mga mata at isip mo kay Cassidy na syang wala sa buhay mo ngayon" Saglit itong tumigil sa sinasabi at masuyong hinawakan sya sa kamay at inilapit ng bahagya ang muka sa muka niya. "Bakit hindi mo subukang tumingin sa paligid mo at tumingin ka sa harapan mo. Nakikita mo ba ako? Isa ako sa mga blessings ni God para sayo Georgina, nandito ako handang umalalay sayo" Parang nahipnotismong napatitig sya sa gwapong muka nito pero nagulat sya ng bigla nabuwal ito mula sa kinauupuan.

"Ay!" Gulat na sabay nilang sambit ni Andrei.

"Pards ako, nandito lang ako palaging nakaalalay sayo. Kaya wag ka ng malungkot kasi ma-swerte ka talaga dahil biniyayaan ka ng dyos ng isang bestfriend na hindi ka iiwan kailanman" nakangiting turan ni Tekla sa kanya na hinawakan sya sa magkabilang balikat, tinabig nito si Andrei kaya nabuwal ang huli.

"Salamat pards" napangiti ng malapad na sabi nya. True she's still lucky to have a friend na nakakausap nya sa mga ganitong panahon.

"Bakit mo ko tinabig Althea?!" May bahid ng inis na tanong ni Andrei kay Tekla habang pinupunasan ng panyo ang kamay nitong naitukod sa sahig.

"Nakaharang ka kasi" Naka ismid na tugon naman ni Tekla dito.

"Anong nakaharang nag uusap kami ni Georgina. Ang sabihin mo bastos ka!" Medyo tumaas ang tinig na sabi ni Andrei na naging dahilan para mapatingin sa kanila ang mga taong malapit sa pwesto nila.

"Bastos nakahubad, maayos akong nakadamit Andrei" nangiinis na tugon ni Tekla dito. Naaaliw na pinanood lang nya ang dalawa bigla nakalimutan nya si Cassidy.

"Gusto mo bang makatikim ng sapak sakin?" Maangas na sabi ni Andrei na tinupi pa ang dulo ng mangas ng suot nitong damit.

"Sige ba, yun eh kung matatamaan mo ko" sabi naman ni Tekla na tumayo pa sa harapan ni Andrei.

Napataas ang isang kilay na hinagod niya ng tingin ang medyo mapayat na katawan ni Andrei at ang gown na suot ni Tekla. Seryoso ba ang dalawang toh? Isip isip niya.

"Photograph by Ed Sheeran sayaw tayo Georgina!" Biglang baling sa kanya ni Andrei na ikinagulat nya tinalikuran nito si Althea. LoL!

"Gago yung partner mo ang isayaw mo hindi si Georgina! Nasaan na ba yung partner mo?!" Sabi ni Tekla na nag salubong ang kilay

My Sweet Bitch Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon