Bitch Heartbreak

7.3K 237 16
                                    




This is so cruel! Sobra naman ang paghihiganting ito Cassidy ang sama mo!

"Hayup ka Cassidy!" Mahina pero madiing sabi nya saka akmang babalik sa loob ng bar pero muli pinigilan siya ni Tekla. Galit na winaksi niya ang kamay nitong pumipigil sa kanya.

"Huwag mo akong pigilan pards! Sasapakin ko ang hayup na Cassidy na yun! Ang sama nya! Ang sama sama nya!" Hiyaw niya dito.

"Ano ba ang kinagagalit mo pards?" Kalmadong tanong nito.

"Putang ina pards nakikinig ka ba kanina? Hindi mo ba narinig na gusto akong paibigin ng hayup na yun at wasakin sa huli! Putang ina nya! Hayup sya!" Galit na galit na sabi nya sabay bigwas sa puno na mabilis naagapan nito at saka siya malakas na sinapok. "Aray! Gago ka Tekla bakit mo ako sinapok?!" Galit na tanong nya.

"Hindi yan masakit kumpara sa kung tumama yung suntok mo sa punong ito" nakataas ang kilay na sabi nito.

"At wala yang sakit na yan kumpara sa sakit na nararandaman ko dito pards!" Madramang sabi nya na tinuro pa ang tapat ng puso.

"Ang drama mo" tugon nito na walang ano mang bahid ng emosyon sa muka na kinainis niya. Pakiramdam nya walang pakialam sa kanya ang kausap. Kaibigan pa naman nya ito.

"Umalis ka sa harapan ko ngayon din Althea baka ikaw ang mapagbuntunan ko ng galit!" Seryosong sabi nya dito.

"Nagagalit ka dahil hindi ito ang reaksyong inaasahan mo mula sa akin, tama?" Tanong nito na hindi niya sinagot bagkus pinukol niya ito ng matalim na tingin. Natural naman na dapat magpakita ito ng concern sa kanya kahit pabalat bunga lang hindi ba?

"Bakit pards, eto na ba yung part na katulad ng drama sa tv na dapat aaluhin kita at mag iiyakan tayong dalawa dahil nalaman mong pinaiibig ka lang at pinaasa sa huli?" Sabi uli nito.

"Tang ina mo pards anong pinagsasabi mo dyan! Kaibigan kita at halos kapatid na ang turing ko sayo dapat lang na aluhin mo ko sa sitwasyon ko ngayon gago!" Galit at pahiyaw na sabi nya dito.

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayong pinagsamantalahan ako hindi ba pinagtawanan mo ko nun at himbes na magalit ka sa nagsamantala sakin ibinigay mo pa ako sa kanya" kaswal na sabi nito.

"So anong ibig sabihin nito Althea Lazaro pinaghihigantihan mo din ako sa ginawa ko sayo?Sige mag higanti na kayong lahat sakin! Lahat kayong mga sinaktan ko maghiganti na kayo ngayun na!" Parang baliw na hiyaw niya kaya naman talagang pinag tinginan sila ngayun ng mga ilang naroroon.

Mabilis namang inawat siya ni Tekla at hinawakan pa sa magkabilang balikat "Ano ba Georgina makinig ka! Hindi kita pinaghihigantihan pards pinaalala ko lang sayo" napataas ng kilay na sabi nito.

"Althea Lazaro pinagtawanan kita dahil nakakatawa ka! Saan ka nakakita ng rapist na ni rape?!" Napataas din ng kilay na sabi nya dito saka asar na inismiran ito.

"Georgina Mayer saan ka din nakakita ng obsess na pinaiibig ng kina o-obesessan nya?" Nanunuyang sabi naman nito. "Ano galit ka? Ano yung kinagagalit mo yung kaalamang pinaiibig ka ng iniibig mo? Tatalab pa ba sayo yun eh patay na patay ka na nga sa kanya, dalawang kembot na nga lang baliw na ang labas mo!" Sabi nito saka humagalpak ng tawa.

"Gago!" Hiyaw nya saka akmang dadambahin ito ng nagtatakbo ang hayup. Hinabol naman niya ito.

"Ano gising ka na pards nakakasuka yung drama mo kanina parang baduy na palabas lang sa tv pwee!" Sabi nito habang tumatakbo.

"Sige insultuhin mo pa ako pag nahuli kita nipples mo lang ang walang black eye! Mabuti pa huminto ka at harapin mo ko!" Sabi nya saka binilisan pa ang pagtakbo.

"Ayoko nga!" May ilang minuto silang naghahabulang dalawa bago humihingal at pawisang huminto. Nanghihinang napatalungko siya ng upo habang ito namay nakasandal sa lilim ng puno. Pinilit niyang tumayo at mabagal na lumakad palapit dito.

My Sweet Bitch Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon