Drunk Bitch

6.9K 218 34
                                    

*SPG ALERT*

"Nakakainis ka!" Nakapangalumbaba at nakasimangot na sabi nya kay Cassidy na nasa kabilang side ng mesa. Ayaw na siya nitong katabi dahil pilit niyang nilalagay sa bulsa nito ang binalot niyang menudo at sisig.

Hindi nya alam kung lasing naba sya pero gusto nya talagang ipamulsa yung ulam na yun. Malinaw pa naman ang isip nya at natatawa din sya sa kalokohan nya, kaya sa palagay nya di pa naman sya lasing.

"Kung gusto mo talagang iuwi yang ulam na yan sweetheart humingi kana lang ng paper bag sa kaibigan mo, hindi yung ilalagay mo yan sa bulsa ko" salubong ang kilay na sabi nito sa kanya.

Cheee! Inirapan lang niya ito saka bumaling kay Tekla at pinagmasdan ang bulsa ng jacket nito. Napatingin naman si Tekla sa kanya na kumunot din ang noo saka biglang tumayo't lumipat ng upuan.

"Saan ka pupunta pards?" Tanong nya na tinugon nito ng pag raise ng middle finger.

"Fuck you ka din pards!" Hiyaw nya dito.

"Tikang?" Sambit ng isang malambing na tinig sa pangalan nya. Bago pa niya malingon ang malambing na tinig na iyon, muntik ng mabuwal ang kinauupuan niyang upuan ng may dalawang babaeng sabay na yumakap sa kanya.

Amoy baby cologne sabi nya sa isip.

"Angel, Melody?" Bigkas niya sa pangalan ng dalawa. Gulat siyang makita ang dalawang ito dito nawala sa isip nya na kaibigan nga din pala ng dalawa ang tropa nila Tiborcio.

"Tikang grabe namis ka namin!" Sabi ni Angel na pinaghahalikan ang kaliwang pisngi niya, hindi naman nagpatalo si Melody na humalik naman sa kanan nyang pisngi.

Napangiti sya "Namis ko din kayo" Ngiting ngiting sabi nya na nauwi sa ngiwi ng masalubong ng kanyang mata ang nanlilisik na mga mata ni Cassidy. Patay kang bata ka!

Naitulak niyang bigla si Angel at Melody. "Aray Tikang bakit mo ako tinulak?" Si Angel na bagyang sumubsob sa mesa.

"Makatulak ka naman Tikang!" Si Melody na muntik ng sumaldak sa lupa.

"Pa..Pasensya na hin..hindi ko sinasadya!" Tarantang sabi nya saka siya napatayo, mailap ang matang pasulyap sulyap siya sa nanlilisik na mga mata ng kasintahan. Nanay ko po!

"Tikaaang!"

"Teklaaa!"

Hiyaw ng dalawang babaeng bagong dating... putik sila Rhea at Cindy! Hindi pa nga siya nakaka get over sa pagdating ni Melody at Angel eto naman ngayon si Rhea na binigyan siya ng makabaling butong yakap, ganoon din si Cindy kay Tekla. Tangina ano toh reunion?!

"Hoy Rhea kami ang nauna kay Tikang!" Nakapamewang na sabi ni Angel kay Rhea.

"Ohh.. may dalawang garapata pala dito hindi ko napansin" Maarteng sabi naman ni Rhea na binitiwan na sya at hinagod ng tingin si Melody at Angel mula ulo hanggang paa.

"Oy pokpok hindi kami mga garapata hah!" Nanggagalaiting sabi naman ni Melody na hinagod ng tingin ang suot ni Rhea na kinapos sa tela.

"Tangina mo hindi ako pokpok! Lumayo ka sa mga garapatang iyan Tikang baka magka skin disease ka!" Namumula sa galit na sabi ni Rhea sabay hila sa kanya sa tabi nito.

"Pokpok FYI hindi mo pag aari si Tikang wala kang karapatang palayuin sya samin!" Sabi naman ni Angel sabay hila din sa kanya sa tabi nito. Napipi at natulala naman siyang nagpapalipat lipat ang tingin sa tatlo, habang ang mga taong nanonood naman sa kanila himbes na umawat ay nag chi-cheer at nagpupustahan pa.

"Ang gwapa mo pards!" Hiyaw ni Tekla na tuwang tuwa.

"Ayusin mo schedule ng mga yan Georgina, isang pang breakfast, lunch at dinner. Si couz snack na lang!" Nang aasar na hiyaw naman ni Tiffany, halatang ginagalit lang nito ang pinsan. Laking tulong hanep! Pagkarinig niya sa sinabi ni Tiffany pasimpleng nilingon nya si Cassidy. Nakita nya ang mapanganib na mga titig nito tapos biglang ngumisi ng mapansing nakatingin siya dito. Tssk!

My Sweet Bitch Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon