Bitch Dinner With Her Family

8.5K 246 21
                                    

*SPG ALERT*

Tahimik lang sya sa buong byahe nila ni Cassidy papuntang Maxim, isang sikat na restaurant na paboritong puntahan ng mga parents nila. Specialty ng restaurant na iyon ang mga grilled foods na sobrang sarap. Mula ng makabalik sya sa poder ng mga magulang nya ngayon pa lang sya ulit makakakain sa Maxim kaya excited na sya!

Kumusta naman ang magandang driver nya, eto tahimik na nag mamaneho napagod na yatang kausapin sya. Paanong hindi mapapagod eh daig pa nito kumausap sa pipi. Hehe Well ayaw muna nyang kausapin ito, inis siya sa pagtawag ng Zoila na yun ng babe dito. And duh kailangan ko muna maka get over sa mga kahihiyang nangyari sa akin today!

Nakagat niya ang lower lips ng maalala ang mga nangyari, especially yung sa harap ng mga investors. Ughh erase erase ayoko na maalala yun nakakahiya talaga!

"We're here" sabi ng magandang driver nya pagkaparada nito sa parking ng Maxim. Lalabas na sana sya pero pinigilan siya nito at mabilis itong lumabas saka umikot sa gawi niya para pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. Napabuga na lang sya ng hangin dahil sa kilig. Sheeet! Bago lumabas ng sasakyan mataray na itinaas muna niya ang isang kilay saka pinasadahan ito ng tingin, habang ito naman ay nakangiti lang sa kanya. Halatang proud ito sa ginagawa.

"Masyado kang maganda miss hindi bagay sayo ang maging driver ko lalo na ang pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan" pa-effect na saad nya. Sa ganda naman talaga nito mas bagay dito ang pagsilbihan kaysa ang magsilbi.

"Sabi ko naman sayo diba patutunayan ko sayong gusto kita! Kaysa mag reklamo ka bakit di ka nalang kiligin dyan" nanunuksong tugon naman nito. Kung alam mo lang sobra na po akong kinikilig! Kaya tama na!

"Duh Sanderson hindi inuutos ang kiligin kusa yung nararandaman!" Mataray at naka irap nyang sabi dito. Good Georgina keep it up! Hindi kalang pala si Georgina the gorgeous bitch ikaw din pala si Georgina the great pretender!

"Georgina pinagbuksan lang kita ng pinto ang dami mo ng sinabi, himbes na magpasalamat ka na lang" napasimangot ng tugon nito. Napikon na yata. Hihi!

"Salamat po miss beautiful" sabi nya sabay talikod dito para hindi nito makita ang pagngiti niya.

"Your welcome sweetheart" nakangiti na ulit na tugon nito saka sumabay sa paglalakad nya.

"Kotse ni daddy yun ah" sabi nya na napahinto sa paglalakad papasok ng restaurant. Tiningnan din ni Cassidy ang tinutukoy nya at saka sila nagkatinginang dalawa bago nagmamadaling pumasok na sa loob ng restaurant.

"Mom! Dad! This is a surprise!" Bati nya sa mga magulang na agad yumakap at humalik sa mga ito.

"I invited your parents to surprised you iha" maluwang ang ngiting sabi ng daddy ni Cassidy.

"Aww thank you Tito your so sweet!" Sabi nya na lumapit at humalik din dito, gayundin sa tita Isabel nya. Nakangiti ding yumakap at humalik si Cassidy sa magulang nito at sa mga magulang nya.

"Sige na maupo na kayo para makapag order na tayo" sabi ng mommy ni Cassidy. Maagap namang pinaghila siya ni Cassidy ng upuan at inalalayang maupo. Muli para siyang kinikiliti sa kilig at kung di lang sya magaling magtago ng nararandaman mahahalata nito iyon. Na huwag sanang mangyari ayokong malaman nyang baliw pa din ako sa kanya hanggang ngayon. Isip isip niya.

Nang tumingin siya sa mga magulang at magulang ni Cassidy nahuli niya ang makahulugang pagpapalitan ng mga  ito ng tingin at ngiti. Nahihiya nalang syang napasulyap kay Cassidy at napakunot noo sya ng makitang nakangiti lang ito. Bakit parang ang saya ng isang toh?! Anong meron?

My Sweet Bitch Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon