Chapter 22: Little Bro

Start from the beginning
                                    

"Matagal na ako tumigil" sabi ni Charlotte. "Mamili ka, sumama ka sa amin o masasaktan yang kasama mong bata?" tanong nung babae. "Wag dito, masyado madami tao dito" sabi ni Charlotte. "Oh you are going to fight us?" landi nung lalake.

"Miggy listen to me, I want you to go back to the hotel. Run as fast as you can okay?" lambing ni Charlotte. "No" madiin na sagot ng batang lalake saka tinitigan ng masama yung dalawang kalaban.

"Miggy please" makaawa ni Charlotte. "No" sigaw ng bata saka bumitaw sa kamay ng dalaga. Humakbang na paharap yung lalake, nung hahawakan niya si Charlotte e dumadaan lang kamay niya. "Projection magic" bigkas ng babaeng kasama niya kaya lingon sila ng lingon sa buong paligid.

Sa isang eskinita hingal si Charlotte habang si Miggy nalito ng matindi. Napaluhod sila ng sabay, "Ate we have to run" sabi ng bata. "Wait lang, I am tired...nag iwan ako ng projection pero I am sure by now alam na nila at hinahanap na tayo" sabi ni Charlotte. "Ate anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Miggy. "Napagod ako...I had to transport us away then leave a projection magic" bulong ng dalaga na hinihingal.

Tumayo si Miggy saka naplingon sa paligid, "Ate" bulong niya nang makita na yung kalaban na lalake. "Tignan mo Charlotte, kung sana noon ka pa sumanib sa amin e hindi ka nagkakaganyan"

"Hindi ka nila naturuan ng tama. Look at you" sabi nung lalake habang palapit. Humarang si Miggy para itago si Charlotte kaya natawa yung lalake. "Bata, tumabi tabi ka, baka masaktan ka" sabi niya.

"Matanda go away. Kung ayaw mo sasaktan kita kahit sinabi ng lola ko masama ang nananakit" sagot ni Miggy. "Hahahaha at ano naman kaya ang magagawa mo sa akin?" tanong nung lalake.

"Kaya kita ikill" sagot ni Miggy at lalong natawa yung lalake. "Miggy please don't" sabi ni Charlotte. "Miggy...pano mo ako ikill?" tanong nung lalake. "E di tutusukin kita sa heart mo kasi sabi ni lolo important ang  heart. Pag nagstop yung heart sa pag beat mamatay yung tao" sagot ng bata.

"Hahahahaha...aaaghhhh" bigkas nung lalake saka napaluhod. Hinaplos niya puso niya, si Charlotte napatingin pero wala naman siyang nakitang kakaiba. Inabot nung lalake likod niya saka hinila yung bakal na sumaksak sa likod niya.

"Hindi ko hinit heart mo kasi naawa ako sa iyo pero pag hindi ka mag go away papatayin kita" bigkas ni Miggy kaya habang hawak nung lalake yung bakal tinignan niya si Charlotte saka tinignan si Miggy.

"Miggy please stop it" sabi ni Charlotte. Nakarinig ng sumasayad na bakal yung lalake kaya napalingon siya. Nakita niya yung tatlong pirasong bakal na matutulis pagapang sa semento. Tinignan niya si Miggy na nanginginig kaya hindi siya makapaniwala.

"Ikaw gumagawa non?" tanong niya pero napasigaw siya pagkat sumaksak yung isa sa likod ng kanyang tuhod. Yung isa naman sumaksak sa kanyang pwet at yung pangatlo bumaon sa likod ng kanyang balikat.

Napasigaw siya ng sobrang lakas, sumulpot yung babaeng kasama niya at agad siya napatigil pagkat yung lalake nakaturo sa batang lalake. "Malakas yung bata" sigaw niya kaya hindi makapaniwala kasama niya.

"Ate umalis nalang kayo kasi ayaw kita saktan" sabi ni Miggy. "You cannot let them go now Miggy, they already saw you" bulong ni Charlotte gamit isipan niya. "E pano na ate?" sagot ng bata. "Wala nang choice, kaya ko na ata" sagot ni Charlotte na tumayo saka nag inat.

Namimilipit parin sa sakit yung lalake, "Bumabaon sila, make him stop" sigaw niya. "Sino? Yung bata talaga?" tanong nung babae. "Yung bata!" hiyaw nung lalake pero humarap na si Charlotte don sa babae.

"I will not let you harm him" sabi ng dalaga. "Kalimutan mo na yan, yung bata ang kukunin natin" sigaw nung lalake na napapikit pagkat lalong pumapasok yung mga bakal sa katawan niya.

MASKARAWhere stories live. Discover now