KINABUKASAN PAG TAPOS NG BREAK-UP
• Titignan mo ang cellphone mo. Wala na ang text niya.
• Babasahin mo ang mga huling mensahe niya sayo.
• Umpisa palang ng araw parang ayaw mo nang tumayo sa kinahihigaan mo.
• Wala nang magsasabi sayo na kumain ka na.
• Wala nang magsasabi sayo na mag ingat ka.
• Wala nang magagalit sayo kapag humindi ka.
• Ang tahimik ng paligid.
• Titignan mo ang picture frame mo. Kayong dalawa ang nakalagay.
• Hahalikan mo ang litrato niya. Hindi ka handa sa nangyari.
• Medyo maluluha ka. Dahil hindi mo pa talaga tanggap. Naalala mong nadala ka lang ng iyong galit. Kaya nangyari iyon.
• Hiniling mo na sana bumalik ang oras na tinaasan mo ang iyong pride.
• Hiniling mo na sana lumaban pa siya. Para hanggang ngayon kayo paring dalawa.
• Susubukan mong i miscall ang phone niya. Kapag nagring ibababa mo agad.
• Nag paparinig ka sa GM. Pero sa kanya mo lang talaga i sesend.
• Hindi mo alam kung saan kapupunta. Hindi ka makakain.
• Ang lungkot ng paligid. Walang sensyales na magiging masaya ka.
• Daig mo pa ang may hangover sa lahat ng bagay.
• Lahat ng Love songs nanakakalungkot. Nakakarelateka na.
“ Pero kapag dumating yungtime na tanggap mo na lahat ng nangyari sa inyo, na hindi na muli magiging kayo.. isang araw ipagpapasalamat mo na kahit hindi pala siya ang nakalaan sayo, atleast naging parte siya ng buhay mo. Kahit na nagkasakitan pa kayo. "
" Music comforts me. It tells me it's okay to feel sad or scared or alone. "
" Kadalasan, hindi sapat lang na sabihing mahalaga sa’yo ang isang tao. Dapat pinapakita mo. Dapat pinaparamdam mo. Dapat pinapatunayan mo. Dahil sa oras na maniwala na siya sa mga sinasabi mo, darating yung panahong di na sasapat ang lahat ng salitang alam mo sa dictionary at kailangan mo na ding kumilos at umaksyon. Hangga’t nandyan pa, ipakita mo na. Kasi kung di mo pa sisimulan ngayon baka mamaya huli na. "
YOU ARE READING
Quotes :))
RandomLove quotes, friendship quotes, inspirational quotes...Lahat Lahat na. Hahaha. Sna magustuhan nyo ^_< VOTE tska COMMENT po kayo kung nagustuhan nyo. Thanks ^_^
