"Not even closer. Jeez, get over it, guys! We're not an item, okay?"

"Oh-kay..." Si Dad na nahuli kong kumindat pa kay Mommy. "Dito na kayo magpalipas nang gabi. Mukhang ang lakas ng ulan."

"Oo nga naman, Ty. Tutal wala naman yata kayong pasok bukas, 'di ba?"

"Naku! Hindi na po," mabilis na tanggi pa ni Jordan. "Nakakahiya po. Wala man lang akong dalang damit." Kung may dala palang damit ay willing siyang mag-stay? Ibang klase.

"That won't be a problem, Ate Jordan." Si Kirsten. "I think I have something in my closet that will fit you."

"Oo nga naman, Jordan." Si Mommy. "Kahit ako mapapahiram din kita."

"Hmm..." Binalingan ko siya habang nakataas ang aking kilay. It was all over her face. Papayag siya.

"Sige po. Mapilit kayo, e." Kinagat niya ang kanyang habang pinipigilan ulit mangiti nang maluwag.

"Hindi man lang nagpakipot," mahinang naibulong ko na lang sabay paikot sa mga mata.

"Tyrone..." Pasimple naman akong siniko ni Manang Norma sa tagiliran.

"W-what?" kumunot ako at sumimangot.

"Ikaw ang pakipot." Iyon lang ang sabi niya bago muling pumunta sa kusina.

"Come, Ate Jordan, hanap tayo ng damit mo!" Si Kirsten na noon na rin tumayo at agad na hinila si Jordan sa kamay.

"S-sige," nahihiya pang sabi niya. "Iwan muna po namin kayo." Tumingin siya sa akin pero umiling lang ako sa kanya.

"Feel at home, Jordan." Si Mommy.

Si Dad naman ay ngumiti lang din at nakipagngitian kay Mom. Nang bumaling sila nang tingin sa akin ay parang nahuhulaan ko na ang ibig nilang ipakahulugan doon.

Unbelievable.

Jordan

Hanggang ngayon ay hindi pa rin magsink-in sa akin na anak ng multi-billionaire na si Sebastian Greene si Tyrone! OMG. Ngayon ko higit na naiintindihan kung bakit ayaw niyang ipaalam na bading siya! Kawawa naman pala si Ty. Sikat na sikat ang Daddy niya. At kasiraan talaga kung malalaman nang iba na bading siya. Haist... My poor Tyrone. Kung may magagawa lang ako.

Paakyat na kami nang magandang kapatid ni Tyrone na si Kirsten sa second floor ng mansion nila habang inaabala ko pa rin ang sarili ko sa pagmamasid. Nang lumingon si Kirsten sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa kanyang ganda. Hindi naman kataka-takang gan'un kaganda si Kirsten dahil ang gwapo at hot ni Sebastian Greene! Tangna! Hindi ako makamove-on! Pati ang mommy niya na si Tita Ady ay parang dyosa rin sa ganda. Talagang bagay na bagay sila! Parang lahi yata sila ng mga magagandang nilalang! Wish ko lang malahian din ako! Sayang talaga si Tyrone!

Dinala ako ni Kirsten sa kwarto niya na sobrang bonggacious sa ganda! Combination of sky blue and pink ang mga colors ng room niya. Babaeng-babae talaga. Parang Barbie house lang. May sobrang laking bed siya sa sentro, may study room, may parang mini sala rin na malapit sa veranda. Kumpleto rin sa entertainment appliances at may pagkalaki-laking flat t.v. na nakadikit sa wall. Nang pasukin naman namin ang comfort room, gosh... parang isang kwarto rin sa laki! May bathtub siya na mukha na yatang swimming pool sa laki, Jacuzzi at oval shower na may glass wall at door. At 'di pa pala d'un natapos ang tour namin dahil may isa pang pinto kaming pinasukan at iyon pala ay ang super laking dressing room na punung-puno nang iba't-ibang klaseng damit. Juskoo! Parang artista lang talaga. Pangarap ko ring magkaroon nang ganito, pero mukhang hanggang pangarap lang talaga 'yun. Not unless pikutin ko si Tyrone at puwersahin ko siyang maging lalaki. Ang sama ko lang!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now