Chapter 3.1.3

Magsimula sa umpisa
                                    

Pansin ko ay pare-parehas silang mahilig kumain ng rice. Karaniwan si Chance lang ang parang medyo mahina at paburger-burger lang siya.

"Hey, you!" Nagulat pa ako nang biglang may dumagil sa akin. 'Yung malanding Tarah!

"Hey, you ka rin!" Umismid ako at hindi ko feel ang kalandian niya!

"Stop flirting with Tyrone!" Aba't ang lakas pala nang tagas ng babaeng 'to, e!

"I am not flirting with him!" Shit! Mapapalaban ba ako ng englishan dito?!

"Oh, c'mon!" Iiling-iling pa siyang ngumisi. "Akala mo ba hindi ko nakikita ang malalagkit mong tingin sa kanya?! Ilusyonada ka masyado! Hindi ang tipo mo ang magugustuhan ni Ty, okay?!" masungit pa niyang sabi. Ang lakas din pala nang tama ng babaeng 'to, e!

"Para po sana sa information ninyo, 'no? Wala sa atin ang mata-typan ni Ty dahil ba—" Oh shit! I almost forgot! 'Di nga pala siya public!

"What?!" Kumunot pa siya na parang naguguluhan.

"Wala. Managinip ka na lang na magugustuhan ka niya dahil sure akong hindi mangyayari 'yun!" inis na sagot ko pa at nagpipigil pa ako nang lagay na 'to. Ayoko lang mawalan ng trabaho at kahit papaano maganda rin ang sahod ko sa canteen na 'to! At siyempre pa, sa susunod na semester ay dito na rin ako papasok. Kung papalarin.

"Just don't go near him. Believe me, you don't know what I am capable of doing." Sarcastic lang siyang ngumiti sabay umirap nang pagkatalim-talim sa akin. Aish! Sarap patulan! Pasalamat siya at nandito kami sa loob ng school nila pero kung nasa labas lang kami ay sasapakin ko talaga siya sa mukha! Hmp!

Tyrone

I decided na hindi na muna sumama sa gimik ng barkada ngayong araw dahil plan ko sanang umuwi muna at doon mag-dinner kina Mommy. I missed my Mom. Hindi rin kasi ako nakapunta sa invitation niyang dinner last week sa dami ng project ko sa school. Yeah, it's been two straight weeks na hindi ako umuuwi ng bahay at kahit sa condo unit ko. Nagpa-plano akong bumalik na ulit sa unit ko pero hindi ko naman magawang iwan si Jordan mag-isa sa condo unit ni Cary. At kahit pa hindi ko siya pinagkakakausap lately, a part of me is telling that she was my responsibility.

"Tyrone!" Huh? Pagbaling ko nang tingin sa aking likuran ay nakita kong humahangos na palapit si Jordan. Jeez... 'Di rin marunong makaramdam ang isang 'to, e. Iniiwasan na nga kausap pa nang kausap!

"What?" Kumunot ako at nagpamukhang hindi interesado.

"Wait—" Hihingal-hingal pa siyang kumapit sa braso ko habang naghahabol nang hininga! "A-ang bilis mo maglakad! P-pinagod mo ako!"

"Who told you to run after me anyway?" Nagtaas ako ng kilay at sumimangot.

"'Wag ka na magalit, please?" Sumamo pa niya at nag-puppy eyes pa. "Peace na tayo, sige na?"

Napatitig ako sa mukha niya na halos mabasa ng pawis marahil nga ay dahil sa paghabol sa akin.

"Magpunas ka nga ng pawis mo! Parang hindi ka babae!" Inilabas ko ang panyo mula sa aking bulsa at iniabot iyon sa kanya.

"T-thank y-you..." Naghahabol pa rin siya nang hininga at pinunasan na nga ang mukha niya gamit ang panyo ko.

"Tangna, Ty... Ang bango naman ng panyo mo! Ganitung-ganito rin ang amoy mo kapag lumalabas ka ng banyo. Nakakaadik!"

"Aish... Pervert." Kakaiba talaga ang pagka-blunt niya.

"Tss... Sama naman nito! E, sa nababanguhan naman talaga ako! Mamahalin 'to for sure! 'Di ko siguro afford 'tong perfume mo." Inamuy-amoy ulit niya ang panyo ko bago punasan din ang bandang leeg niya. Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanyang makinis na leeg habang ginagawa iyon. Who would have thought na galing siya sa mahirap na pamilya? She's flawless.

"You can always dream, Jordan. You can always dream," sarcastic na sabi ko bago tinabig siya para makaraan palapit sa kotse.

"Uy, pasabay naman, oh!" Ang kapal talaga ng mukha! Ginawa pa akong service, a!

"I am going to my parent's house. Your's is out of the way," walang ganang sagot ko at agad na pinatunog ang kotse.

"E, 'di sama na lang ako!" Bigla na lang nakipag-unahan pa siya sa pagsakay at hindi na ako hinintay na makapagsalita! Unbelievable!

"What do you think you're doing?" Kinatok ko pa siya sa salamin ng kotse at ngiting-ngiti pa niyang ibinaba ang tinted window.

"Sasama ako sa'yo! Wala naman akong work sa bar ngayon! Sakay na!" Aba't?!

"Hey! Hey!" Ugh! What the hell?! "Get the fuck out of my car!" malakas pang sigaw ko habang kinakatok ang bintana ng kotse. God, she's so annoying!

Matagal-tagal din akong kumakatok sa salamin ng kotse pero dedma lang talaga siya. The nerve of this girl! Ugh!

At kahit na inis na inis ay sumakay na rin ako sa kotse na ginagawang service ng babaeng 'to!

"Let's go!" pa-cute pang sabi niya at may papikit-pikit pang nalalaman!

"Don't act cute, you're not cute!" panunuplado ko pa.

"Sus! Deny ka pa! Ikaw lang ang nagsabing hindi ako cute!" Ngumuso siya at umirap.

"I don't know what you've been taking lately, but it's so obvious that it's taking toll on your brain!"

"Aish! Masyadong mabilis ang English mo, 'di ko carry humabol!" Umirap siya at humalukipkip. Lakas nang tama ng babaeng 'to!

"Ano kaya ang hitsura ng parents mo? Excited na akong makilala sila!" pumapalakpak pang sabi niya. Kung 'di ko pa alam ay dadayo lang siya nang kain.

"Magsing yaman siguro kayo ni Cary, 'no? Iyon nga lang wala na yatang mansion si Insan at ibinenta na kaya nagko-condo na lang siya."

Hindi na ako nagkomento pa sa huling sinabi niya. I'm glad na hindi talaga niya ako kilala and for that ay mapapasaya niya ako sa mga reactions niya later. I can't wait 'til she saw my Dad.

I did not waste time at agad ko na ring pinaandar ang kotse ko.

********

Tabi-Tabi lang po, pa-plug lang po.  Sa mga gusto lang magbasa COMPLETED na, daan lang po kayo sa Profile ko, madami naman na po ako naipost noon.

POV STYLE

Loving Sebastian Grey

One True Love (Revised Version lang po ito ng OTL kong posted din dito - Mas maayos naman na siguro ng kaunti ang grammar LOL)

Married To You

Falling Slowly

And I Love You So (Isa sa fave kong sinulat)

The rest po ng mga posted stories ko THIRD PERSON POV or AUTHOR's POV po.  Kung trip lang try nyo po ang NO ORDINARY LOVE, proud din ako sa sinulat ko na yun.  Actually, lahat naman pinaghirapan ko kaya loves ko lahat. 

Yun lang po.  Salamat sa support CBTG.  :)

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon