Chapter 1.1.2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay..." Akala ko aarte pa, e.

Naupo siya sa katapat na upuan at nagsalin ng kanin sa plato. OMG, ang bango niya! Nanunuot sa ilong ko ang masculine scent niya. Gan'un na ba talaga ang mga bading ngayon? Amoy lalaki pa rin?

"Will you please stop staring!" Oops! Napapatanga ba talaga ako sa kanya?!

"Sorry..." Napangiwi ako sabay nagpeace sign. Sorry naman, ang gwapo kasi!

"Aren't you to going to school?" Bahagya pa niyang sinulyapan ang suot ko pa ring long sleeve niya. Nakita kong napasulyap din siya sa boobs ko.

"Naka-bra na ako, kaya 'di mo na makikita 'to." Ngumisi ako at nag-blush naman ang loko. May lalaki palang nagba-blush? Ooops... Bading nga pala. "Magkaklase ba kayo ni Cary? Ang dami ng absent ng gaga! tsk, tsk!"

"When is he coming back?" tanong pa niya habang nagsisimula na ring kumain.

"Sabi niya next week pa raw. Baligtad din ang utak n'un! Kung kailan may pasok tsaka pa naisipang sumama sa boyfriend niya. Ang landi kasi!" Nagsimula na rin akong kumain. Kailangan kong magpakabuso dahil sa dami nang kumakain sa school canteen, paniguradong alas tres na naman ang lunch ko!

Hindi naman na siya kumibo sa aking sinabi. Kahit yata pagkain niya ay nakaka-attract. Nakakahinayang talaga!

"Will you please stop staring! You're making me uncomfortable!" sigaw pa niya na nakapagpagulat sa akin. Ang sungit naman talaga!

"Sorry naman! Ang gwapo mo kasi. Nakakapanghinayang ka talaga!"

"What? Bakit naman nakakapanghinayang?" Kumunot ulit ang kanyang noo at parang galit na naman ang ekspresyon ng mukha.

"Alam mo, okay lang talaga. Hindi ako madaldal! Wala akong pagsasabihan, promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko. "Cross my heart, hope to die!"

Mariin niyang itinikom ang kanyang bibig at masamang tumitig sa akin. Mukha talagang galit.

"I am not gay! How many times do I have to tell you that?!"

"Uy, girl, relax! Relax ka lang! High blood naman nito!" Ang sungit talaga! "Fine! Kung ayaw mo umamin, okay lang talaga!"

"You're pissing me off," galit pang sabi niya at agad nang uminom ng tubig.

"Uy, ubusin mo muna pagkain mo! Sige, hindi na!"

"I'm leaving!" masungit na aniya at sa kwarto muna ulit nagtuloy!

Ang sensitive naman! Hmp!

Hindi naman siya nagtagal sa loob ng kwarto at lumabas rin naman kaagad. Nag-toothbrush siguro. Walang paalam siyang umalis at padabog pang isinarado ang pinto! Aish! Denial queen pa kasi! As if naman ipagkakalat ko secret niya!

Tyrone

Where the hell did she get the idea that I am gay?! She's getting on my nerves! At kahit na gutom na gutom ako ay nawalan ako nang gana! Aish! I couldn't imagine na kailangan kong pagtiyagaan makasama ang babaeng 'yun! Maybe I should just go home? I missed my Mom.

Pagpasok sa school ay tila sinuswerteng nakita ko si Mommy na naghihintay malapit sa classroom. Nang matanaw niya ako ay agad na lumapad ang kanyang ngiti.

"Mom!"

"Tyrone!" Nakalabi pang lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap. "I missed you, Sweetheart. Please, come home with me," sumamo pa niya.

"I missed you too, Mom." Mataman ko siyang tinitigan sa mukha. My Mom is really beautiful. No doubt my Dad was so in love with her. Young looking pa rin siya, like my Dad. Hindi nga kami mapagkakamalang mag-aama dahil mga bata pa talaga sila tingnan. Gan'un nga yata ang nagagawa ng love sa tao. Though I can't relate to it dahil hindi ko masabing na-inlove na ako sa buong buhay ko.

"Then go home. Hindi naman na galit ang Daddy mo sa'yo."

"Look, Mom, I'm okay. Alam ko namang hindi na galit si Dad. But for now, I just want to be alone."

"Ang sabi ni Kirsten wala ka raw sa condo mo?" Oh yeah, my nosy sister. Halos isang taon lang ang tanda ko sa kanya. She's nice and sweet too, medyo nakakainis lang talaga ang pagiging clingy niya and yeah, my Dad adores her.

"I am staying with a friend, Mom. And, don't bother asking. Basta okay lang talaga ako. Promise!"

"Okay, fine. Pero sa bahay ka mag-dinner? At isama mo na lang ang kaibigan mo."

"Some other day, Mom. May gimik kami mamaya, e." She hated it kapag nagpapaumaga ako sa late night out.

She just deeply sighed. I knew she was disappointed... Sorry, Mom.

"Fine. Basta one of these days, sa bahay ka mag-dinner, huh." Pinisil niya ang aking pisngi kasabay nang matamis na ngiti. Yeah, proud Mama's Boy ako. For hell I care! My Mom was just simply one of the best.

"Okay, Mom. Promise." Matamis pa akong ngumiti sabay marahang tumango.

"I need to go, Sweetheart. Text mo naman ako kapag may time ka, hmm?"

"Of course, Mom. Take care, okay?"

"You too, Sweetheart." Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang umalis. Natanawan ko si Raul hindi kalayuan sa kinakatayuan ko. Over protective pa rin talaga si Dad pagdating kay Mom. Hindi ko naman siya masisi dahil well, mayaman talaga ang family namin. Sooner, me and Kirsten will be the only inheritors of Greene's empire.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon