Spirit of Elpis

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sinong 'she'?" nagtataka kong tanong sa mala-multong babae na hanggang ngayon, ay nakangiti pa rin.

Tinignan niya lang ako. Napaatras ako nang sa ibang lugar na naman kami nakatayo. Nahihilo na ako dito!

"They're talking about her..." tinuro niya ang babaeng nakapatong sa mga basag na piraso ng salamin. Nakahiga siya at nakapikit ang kanyang mga mata.

Di ko maaninag ang mukha ng babae dahil sa dilim kaya lumapit ako.

"Thea." hinawakan ng babae ang braso ko para pigilan ako.

Ngunit hindi ako nakinig sa kanya at patuloy na lumapit sa demigod na natutulog. Anong ginagawa niya dito sa underworld?

May naririnig akong boses ng mga babae pero binalewala ko nalang ito.

"She was the previous elysian oracle... I believe another demigod killed her... Kaye perhaps?" tanong niya.

Tumango ako. Yun nga ang nangyari. Kinain na ng kasamaan ang Kaye na 'yun kaya pinatay niya ang elysian oracle.

Hmm...

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babae na tila natutulog.

TAMA BA 'TONG NAKIKITA KO?!

Hinipo ko ang pisngi niya... ang bata-bata niyang tignan. Siguro ka edad lang kami.

Hindi ganito ang hitsura niya nang huli ko siyang makita.

Imposible. Napailing ako.

"What you are seeing is real. We are in the underworld Thea.. at ito ang nagaganap ngayon..." nabasa ng magandang multo ang reaksyon ko.

"P-pero paano siya naging oracle? Bakit.. bakit siya..?" naramdaman ko ang malamig na balat niya. Hindi naapektuhan ang katawan niya sa matinding init dito sa Underworld.

Napaatras ako nang buksan niya ang mga mata niya.

"That... I cannot tell. I am only here to show you this. To give you a glimpse of what will happen." narinig kong sabi niya.

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Siya nga.. siya at ang babae sa litrato ay iisa.

"L-lola?" nanlambot ang tuhod ko.

Kumunot ang noo niya. "sino ka?"

Dumaan ang tatlong segundo at nasa flower fields na ako. Gumaan bigla ang pakiramdam ko.

Ibang-iba na ang atmosphere...

"Ibalik mo'ko! Marami pa akong mga tanong para sa kanya!" Hindi ko alam kung bakit pero nang makita ko siya... gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang ikamusta. Gusto ko siyang ibalik sa mortal realms.

May bahagi sa'kin na gustong bumalik at isigaw sa harap niya na apo niya ako... na anak niya ang mama ko...

Pumitas ng bulaklak ang babae. "Tinutulungan ko lang kayo.. I am doing the best that I can..." aniya at inabot sa'kin ang bulaklak.

Tinanggap ko ito saka siya tinignan. "Bakit mo kami tinutulungan? Sino ka ba?"

Nginitian niya lang ako. "When Pandora opened the box, she released the evil spirits to plague mankind. To cause sufferings and pain..." napatingin siya sa malayo.

Nagbuntong-hininga siya at ibinalik ang kanyang mga mata sa'kin. "and I... was the only one left."

"Hope." bulong ko.

Ngumiti na naman siya.. pero may halo na itong lungkot. "I have been watching you demigods. I was released into this world once more when the third prophecy was given."

Unti-unti siyang naglalaho...

"I am Elpis. I am hope... and you are too. Always remember that within you lies my spirit. The world will turn upside down. Yet I will remain. For I see in you, demigods, the strength of a thousand men..."

Bumangon ako at kinusot-kusot ang mga mata ko. Natagpuan ko ang bulaklak na ibinigay ni Elpis sa kamay ko.

Lumabas ako.

"Kara..." tinawag ko si Kara na nakaupo sa kusina. Nag humm lang siya bilang sagot.

"May kilala ka bang mga goddesses na nagngangalang... Alecto.. Tisiphone.. and Megaera?" bumaba ang mga mata niya sa bulaklak na hawak-hawak ko.

Nag abot ang kilay niya. "You mean the Erinyes? the deities of vengeance?"

Napanganga ako. PAANO NAMIN MATATALO YANG MGA GODDESSES NA YAN EH EXPERTS NAMAN PALA SILA. PUTANGINA NAMAN OH.

Mahihirapan talaga kami sa digmaang 'to.

"Thea? san mo narinig yan?" usisa ni Cesia.

"Ganito kasi 'yun..." at sinimulan ko nang ikuwento sa kanila ang maikling tour ko sa Underworld...

...na hindi ko gaanong na enjoy.


Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon