PTP - 28

489 35 36
                                    

Piper's

"Noona, hindi mo ko iiwan diba? Walang magbabago diba?" Habang sinasabi nya ang mga salitang iyon ay nararamdaman ko rin ang paghinga nya dahil sobrang lapit nya na talaga sakin. Hindi ko alam kung sasagot ba ako kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o may isasagot pa ba ako? Pinikit ko na lamang ang mga mata ko para masabi nyang tulog na ako.

Naramdaman ko na inalis nya na ang pag-alis ng yakap nya. Nakahinga naman ako ng maayos dahil dun, Halos hindi na kasi ako makahinga dahil sa sobrang kilig. Takte ka, kim taehyung. Ano bang ginagawa mo sakin? Balak mo ba akong patayin ha? Ilang minuto pa at naramdaman ko ang pag-upo nya.

"Alam kong gising ka pa noona hahaha." Sambit nya. Huli na agad. Napakagaling ko kasing magpanggap eh no.

Wala na akong nagawa kundi imulat nalang ang mga mata ko at umupo na rin katabi nya. Tinignan ko sya at nakatulala lang sya. "Hoy, anong iniisip mo dyan? Ako na naman ba? Ikaw ha." Biro ko sa kanya.

"Hindi ka naman nawala sa isip ko. Lagi naman ikaw ang iniisip ko, noona." Wika nya sabay tingin pa sakin at sinamahan nya pa talaga ng ngiti ha. Nako, kim taehyung. Ipapakulong na talaga kita dahil jan sa killer smile mo gago.

"Ewan ko sa'yo! Dapat sa mga mais na katulad mo at natutulog na. Anong oras na oh? Tulog na tayo." Sambit ko nalang. Ganyan talaga mga galawan kapag ayaw mong ipakita yung kilig mo eh. Mais daw pero kinilig naman.

"Sige, tulog na tayo pero sagutin mo muna yung tanong ko."

Ewan ko pero kinabahan ako nung sinabi nya yan. Napakaseryoso kasi ng mukha nya tapos dumagdag pa yung seryoso nyang boses. Napalunok muna ako ng laway ko bago magsalita. "Hmm, ano yun? Para makatulog na."

Tumayo sya at may kinuha sa maliit na cabinet ko. Hawak nya na ang isang papel na nakaroll pa.. Malayo palang, alam ko na agad kung ano ang papel na iyon. Dali dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nya at sinubukang agawin ang papel  na yun pero masyadong mabilis ang kamay nya kaya naitaas nya yun. "Akin na yan please." Sabi ko sa kanya ngunit hindi sya nakinig daahil binuksan nya pa iyon.

"Gustong gusto talaga nilang makita ako no? May pa missing missing pang nalalaman tangna hahahaha ang effort naman." Sabi nya kaya napaatras nalang ako. Wala na, nakita nya na.

"Noona, kaya ka ba meron nito dahil gusto mong maibalik ako sa kanila at makuha mmo yung 500,000?" Tanong nya. Hindi man lang ako makatingin sa mga mata nya dahil ramdam ko na ang pagkagalit nya pati na rin ang pagkalungkot. "Sagutin mo ko, ipagpapalit mo ba ako sa pera?!"

Sobrang lakas ng boses nya. Ngayon nya lang ako sinigawan ng ganto. Ramdam na ramdam ko ang pagkagalit nya. Hindi ko alam ang gagawin ko nor sasabihin ko sa kanya. Mas Lalo akong nagulat dahil mahigpit nyang hinawakan ang braso ko. "SAGUTIN MO AKO."

"Taehyung ano ba! Nasasaktan ako. Bitaw nga" Sigaw ko sa kanya. Unti unti naming lumuwag ang kapit nya sakin. Tinignan ko sya at nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Umiiyak sya... at ako ang may kasalanan nun.

"Lahat nalang ba kayo iiwan ako? Lahat nalang ba ipagpapalit ako sa tanginang mga pera na yan? Akala ko iba ka noona.. Akala ko—"

Hindi ko na sya pinatapos dahil agad ko syang niyakap. Hindi ko kayang nakikitang ganto ang mahal ko.

"Hindi ako aalis. Hindi ka iiwan ni noona. Andito lang ako..promise"  Bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap nya rin sakin. Para syang batang umiiyak ngayon.

"Kung ano ang sinabi mo, yun ang paniniwalaan ko. May tiwala ako sa'yo noona. Salamat."

No. Hindi ko deserve yang thank you mo dahil sa pagsisinungaling ko.

piper the pauper || taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon