PTP - 10

1.5K 129 74
                                    

Piper's

"hoy tete! matagal pa ba yan?" Tanong ko sa kanya.

Nandito kami sa may banko, kukuha daw sya ng pera. naks naman! ang yaman talaga. buti pa yung mayayaman no? kapag ubos na yung pera nila, pwede silang pumunta sa mga banko para kumuha.

eh samantalang kaming mahihirap, kailangan pang magpakahirap para makakuha ng pera. hay.

Naglakad na sya papalapit sakin at yung mukha nya, parang hindi mapinta.

"oh bakit? nakakuha ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango sya pero parang ang tamlay tamlay. Anong nangyayari dito?

"pero 15,000 nalang yung natira. kinuha siguro nil"

"15,000?!!! NILA'LANG MO LANG ANG GANUN KALAKING PERA?! JUSME TAEHYUNG!"

Hindi ko mapigilang hindi sumigaw dahil sa gulat ko. Seriously?15,000 yun mga bes!

"kulang pa yun! sobrang kulang pa para sa pagbili ng mga gamit ko" sambit nya at nagpout.

Inakbayan ko naman sya tsaka tinaas baba yung kilay ko. "marami kang mabibili nyan! trust me! ukay ukay lang sapat na" sabi ko.

"ukay ukay?" Tanong nya.

"mga mura bilihin dun! dali, tara!" Aya ko sa kanya pero napataas lang yung kilay nya.

"hmm, what if sa Mall muna tayo? Yung mga mura lang dun bibilhin ko! Then kapag may natira sa ukoy ukoy na tayo ehheeh" sambit nya.

"Anong ukoy ukoy? ukay ukay kasi! tsk, sige na nga. tara na nang matapos na" sabi ko naman tsaka nauna nang maglakad.

Huminto sya dun sa may sakayan pero hinila ko lang sya. Nagtaka naman sya nun. "mas makakatipid kapag naglakad. Malapit lang mall dito." Sabi ko naman.

Napangiti lang sya nun tsaka sumunod na sakin. Patalon talon pa sya habang naglalakad then may hinuhum pang kanta. Di ko kilala ang alien na to.

Hanggang sa makarating na kami dito sa mall. Hindi ako pumupunta dito kaya namangha ako sa loob. Sobrang laki. Siguro nung last na nakapunta ako dito bata pa ako? Wala eh. Mahirap kami. Ano namang gagawin ng isang dukha dito diba? Tutunganga sa mga taong ginagasta ang pera nila sa kung ano ano? Psh. Magtratrabaho nalang ako kung ganun.

"aish. wala bang elevator dito?" Tanong ni taehyung. Napashrug nalang ako ng balikat ko kasi hindi ko naman alam. Malay ko ba kung may elevator dito or wala.

"hagdan nalang tayo. arte m" bago ko pa man matapos sasabihin ko ay hinila nya na ako papunta dun sa parang hagdan pero umaandar. jusme ano to?

"tara" hinila nya na ako pero umiling ako. Natatakot ako punyeta! Paano kung maipit yung mga paa ko jan? Paano kung mahulog ako? Paano kung mamatay ako? Edi mababawasan ang mga dyosa?

"huwag kang matakot noona. hindi ka neto kakainin hahaha" sabi nya at patuloy pa rin sa paghila sakin pero pinipigilan ko.

"A-ah. A-ayun oh! M-may hagdan.. d-dun nalang tayo please?" Pagmamakaawa ko pero tumawa lang sya then umiling.

"mas matatagalan tayo noona. Sabi mo maguukoy ukoy pa tayo diba?"'tanong nya.

piper the pauper || taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon