Chapter 7: My secretary

Start from the beginning
                                    

"Oh my gosh! Look at that kasama niya si Ivan!"

"Oh my soo hot talaga ni Ivan."

"Two timer! last time daw si Gray ang kasama niya at sinuboan pa siya."

Can't they tone down their voice? Are they not aware that I can hear them buzzing around? Mga cancer ng lipunan! Napairap na lang ako.

"Felise!" nakita ko si Yesha at Thea na kinakawayan ako. sinenyasan nila akong pumunta dun.

Kinawayan ko din sila pero umiling ako. Its rude to leave Ivan here alone. Sinamahan niya na nga ako eh.

"Go ahead. Ako na ang bibili." Ivan said.

"Wag na samahan na kita." I insisted.

"Really Felise. Magpahinga ka muna. Kaya ko na to." He has this assuring smile. Kaya wala akong nagawa kundi pumunta na lang sa lamesa nila Yesha at Thea.

"I miss you!" salubong nilang dalawa at niyakap ako.

minsan ko lang sila makasama. Bukod sa magkaiba na kami ng seksyon ay busy pa ako sa student council.

"I miss you too guys." I smiled.

"Girrrrrl! Oh my god! Felise! You are with Ivan? The hot basketball player?!" nagha-hyperventilate na si Yesha ngayon.

Inirapan siya ni Thea. She looks pissed. Oh well, ganyan talaga si Yesha. Laging baliw sa mga gwapo.

"My cousin is hotter than him" she said.

"Of course Thea but Ivan is hot too. Haba talaga ng hair mo girrrl!" sigaw nanaman ni Yesha.

"So hows being a secretary huh?" nang-iintrigang tanong ni Thea.

"Its a hell." much worse than hell actually. "He's so bossy too."

"Well, kung si Gray lang din naman ang pag sisilbihan ko okay lang sakin. It will be my pleasure actually." Yesha smirked.

Haays! Kung alam mo lang. He's a heartless bastard.

"Hi Yesha, Thea." Ivan greeted them.

"Hi Ivan!" nagngising aso si Yesha samantala si Thea ay nagiwas ng tingin.

"Uh, sige una na kami ni Ivan." sabi ko at tumayo na.

Binigyan ako ng makahulugan na ngiti ni Yesha kaya inilingan ko siya. She's so malicious. It's definitely not what she's thinking. Lumabas kami ni Ivan ng cafeteria na may dalang pagkain.

"Thank you nga pala." I smiled at him.

Ang bait niya. I remember how I rejected him during the acquaintance party. Now I feel guilty. Mabait na gwapo pa. No wonder why girls are crazy over him. Eh si Gray? Gwapo nga demonyo naman.

"You're always welcome. I hope nakapagpahinga kana?" He chuckled.

"Of course. I can even run right now. Well thats an exaggeration." I said.

He laughed. Well he's a gentleman too. He's an ideal guy for me. His dimples were showing everytime he smiles.

"I'm happy you were. Kanina kasi parang pagod na pagod ka." ngumuso siya.

Oh well, sino bang hindi mapapagod kung paglakarin ka sa gitna ng araw. Napatingin ako sa relo ko at halos mapamura ako ng makita ko ang oras. Its almost 1 o'clock. Yung lunch niya!

"Oh my gosh! Its almost 1 o'clock. We have to hurry."

Hingal na hingal kami ng marating namin ang SC room. Tinakbo kasi namin mula sa annex building papuntang Main building. Binuksan ni Ivan ang pinto at bungad samin ang busangot ma mukha ni Gray.

"After you." sabi ni Ivan at inilahad ang pinto.

Nginitian ko siya at kinuha ang pagkain para maibigay kay Gray. His jaw clenched and anger is very evident in his eyes. Halos matunaw ako sa mga titig niyang nag aapoy.

"It's almost 1 o'clock. What took you so long?" may diin sa boses niya at sinulyapan si Ivan na nasa likod ko.

"kasi- uhmm... Y-yung pila mahaba." I don't even know why I'm stuttering. Hell?! usually nakikipagbangayan ako sakanya but this is different. He's dangerous right now.

"Hmm really? yung pila yung mahaba? O yung landian niyo?" aniya na halos irapan ako.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Landian? Tingin nya nakikipaglandian ako? Nakasalubong ko lang kaya si Ivan sa daan and I don't think may mali doon.

nilingon ko si Ivan at tinanguan para ipahayag na pwede na siya mauna. Nakakahiya naman kung sa harap pa niya kami magaaway.

"Nakasalubong ko si Ivan habang papunta ako ng Cafeteria. Sinamahan niya lang ako. He's just being kind Gray. Next time kung ayaw mong nale-late yung lunch mo go get it yourself." Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Siya na nga yung naguutos tapos siya pa tong galit? I get it na late kami pero... What the hell?! Naglalandian? Really?

"Yes! I rather get it myself than starve to death because my great secretary is flirting with other men!" Aniya at sinulyapan ang lunch na bigay ko. "Forget it. I'm not hungry anymore."

Nilagpasan niya ako at lumabas ng SC room. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili kong sumabog. Pumunta na din sa klase ko. That bastard! How dare him accuse me of flirting?! Hindi ako kagaya niya no?

Sa buong tatlong klase ko ay di ako nakinig. Lutang lang akong nakaupo sa upuan ko. Nilalaro ko ang ballpen ko at Nagdadasal ng pagtunog ng bell.

"Okay class dismissed." halos mapatalon ako sa tuwa ng marinig ang sinabi ni sir. Olarte.

Dalidali akong lumabas ng klase. Gusto ko na umuwi! Ayoko umattend ng meeting. Bahala siya! Kaso halos mapaupo ako ng mabangga ako sa pader. Damn!

"Where do you think you're going?" sabi ng pader.

Wait? Nagsasalita yung pader?! Napatingala ako at nakita ko ang gwapong pader. Err... Este si Gray. Ano ginagawa niya sa labas ng room ko? Paano ako makakatakas neto?! Kainis naman oh!

"What are you d-doing here?" I asked.

"Making sure my secretary will be doing her job and not flirting with other man." aniya at naunang maglakad.

Psshh! Just look at this guy! Mind him I'm doing my job well! Nangmarating namin ang SC room ay plastado na ang lahat ng student council officers.

"Goodafternoon pres." everyone greeted.

He just nodded and sit at the middle chair. Ang iba ay nagtilian at kinikilig. Psh! They should be profesional. Naiintindihan ko naman na sobrang gwapo at mala diyos itong si Gray pero matuto silang lumugar. Mga malalandi!

"So let's start."

Uupo na sana ako sa bakanteng upuan katabi si Gray nang makita ko si Ivan na nahihirapan sa printer. Tumayo ako para tulungan siya.

"Ms. Hernandez where are you going? Were starting." tawag ni Gray pero di ko siya pinansin. Shut up president.

"Ivan, anong problema?" tanong ko.

"Nagloloko yung printer eh. Ayaw mag print." sabi niya.

"Try natin i-unplug muna etong-"

"I believe na kaya na ni mr. Ferrer yan." napatalon kami ni Ivan ng marinig ang malalim na boses ni Gray.

"I'm trying to help. Gray." what is his problem now?

"You are my secretary. Dapat lagi kang nasa tabi ko. You are not supposed to help him. You are supposed to help me. Now sit beside me, Ms. Hernandez."

I'm speechless.

Loving the PainWhere stories live. Discover now