Chapter 2: No for an Answer

58 1 0
                                    

Chapter two
No for an Answer

Nangmakauwi kami ng araw na yun ay di pa rin matangal sa isip ko yung lalaking nakita ko. Weekend ngayon at nandito si Yesha sa bahay dahil wala daw ang kanyang parents at siya lang mag isa.

"Balita ko nakauwi na daw sina Thea last week." Aniya habang pinapapak ang Cheetos.

Kumunot ang noo ko.

"Akala ko ngayon ang dating nila?" sabi ko.

"Ewan. Napaaga daw eh. Nag post si Thea ah? You should check it."

Binuksan ko ang phone ko at nakita ko ang post ni Thea.

Therize Alea Perigo
Manila. Finally :)

Nagscroll pa ako pababa at may nakita akong post ng isa sa mga kaibigan ni Enzo may kasama siyang ibang babae. Nakaakbay siya sa babae. Parang dati lang ako yung inaakbayan niya.

Is he happy? It's been a year but why he cheated is still a question to me. Up until now I'm still stuck here. Bakit kaya niya nagawa yun? I asked him why before pero di niya sinagot.

Masaya naman kami. Nagsawa kaya siya? When i broke up with him his last words were 'I'm sorry'. Napagtanto ko na lahat nag babago. The only constant in this world is change. The only thing i need is his reason. Even if it is not true i will accept it. I just need a reason from him to complete the missing piece. So I can move on.

"Frezia Elise!" Napatalon ako sa lakas ng sigaw ni Yesha.

She grabbed the phone out of my hand at tiningnan niya yun.

"Yesha. Give back my phone!" ani ko at kinuha ito sa kanya.

Nanliit ang kanyang mata. I know what she's thinking.

"Jeez Felise! He's not worth it! Hindi ka pa rin nakaka-move on kay Enzo? It's been what? A year? And you're still stuck in here habang siya ang dami nang naging babae! Wake up Felise!" she said frustratedly.

"I just need his reason Yesh, just one reason."

"Why? Baka pwede pa? baka maayos pa? c'mon Felise." Aniya at nagtaas ng kilay.

No. Kahit anong ibigay niya sakin na rason hindi ko siya babalikan. I need it for myself.

"No Yesh, para sa ikatatahimik ko. So i can finally move on."
Ngumuso ako. May kumatok sa pinto at nakita ko si kuya Pumasok.

"Felise, aalis ako. I'm going to Kian's birthday party. Please tell mom and dad pag uwi nila. I might go home late." Aniya at hinalikan ako sa noo.

"Okay kuya. Take care."

Lumabas siya ng kwarto. Nilingon ko si Yesha at naabutan ko siyang nakatitig kay kuya.

"What? Si Carlos ang crush ko." She said defensively.

"Wala naman akong sinasabi ah?" ani ko

Inirapan niya na lang ako. We spent the rest of the day watching movies. Umuwi lang siya ng gumabi na at nagpasundo na sa driver nila.

"Good morning mom. Where's kuya?" I asked and kissed her cheeks.

"Good morning too sweetie. Umalis na ang kuya mo. Ang tagal mo daw kasi, alam mo naman yun ayaw ma late." She chuckled. "Have your breakfast first anak."

Tumango ako at pumuntang dining table. I'm wearing a navy blue cropped top and high waist white pants. Acquaintance ngayon kaya okay lang naman siguro ma-late. kahit halos araw-araw naman talaga akong late. I tie my straight hair into a bun bago kumain. Saktong pagkatapos ko kumain ay dumating na si Manong Rene.

Loving the PainWhere stories live. Discover now