Chapter 7: My secretary

31 0 0
                                    

Chapter 7
My secretary

"Secretary, my water?" aniya.

Guess what? I can't believe na nagpapaalipin ako sakanya! I'm here bringing his bag, books, jacket and stuffs habang siya wala man lang dala! Look at this bastard! Heartless bastard! Demonyo! Lord, pwede niyo na siya kunin. Kaya lang baka kahit si Lord ayaw sakanya.

It's been two weeks since the election. Nang tinawag niya ako bilang secretary niya ay wala akong nagawa dahil lahat ay itinulak ako. Oo. Lahat! I tried to reject the position but guess what? Wala na daw akong magagawa dahil utos ng el presidente. Damn him!

Inabot ko sakanya ang tubig. Sana pala nilagyan ko yun ng lason ng mamatay na siya! Kakainis! Nandito na kami ngayon sa SC room. Pinaglakad niya ako sa init! Ang mahal kaya magpaderma.

"Sige na ikuha mo na ako ng lunch." utos niya at itinapon sakin ang kanyang wallet.

Gosh! I'm losing my patience! Inhale. Exhale. Calm down Felise. Calm down. Wag ka magagalit. Wag ka magagalit, Felise. Napapikit ako.

"WALA KA BANG PAA?! You go get it yourself! Pagod nako!" damn! Hindi ko napigilan. I tried okay? Pero sobra na talaga siya! dalawang linggo niya na ginagawa sakin to.

"Woah?! Inuutusan mo ba ako?" nagtaas siya ng kilay at tinuro ang sarili niya.

He's using his power. The Heartless bastard! Matalim ko siyang tiningnan. He smiled. Damn! Kahit naiinis ako sakanya ay di ko pa rin maiwasan puriin ang kagwapohan niya. Those eyes and the smile? Anyone could fall for him. But definitely not me. Inirapan ko na lang siya. Iniwan ko na ang bag ko at kinuha ko ang wallet niya.

Lumabas ako ng Student Council room at naglakad papuntang cafeteria which is nasa kabilang building pa. It feels like i'm walking in a desert. Tumutulo na ang pawis ko at medyo naninikip ang dib dib ko. Siguro dahil sa init at pagod. Medyo hinihingal ako kaya umupo muna ako sa gazebo na malapit sa cafeteria para magpahinga.

"Are you Okay?"

Napalingon ako at tumango na lang. Umupo si Ivan sa tabi ako at marahan na hinagod ang likod ko. Napatingin ako sakanya. Agad niyang tinanggal ang kamay niya sa likod ko na parang napaso siya.

"Y-yep. I'm okay. Mainit lang." sabi ko at nagiwas ng tingin.

"You seem tired. Kumain kana ba? I can get your lunch." he offered.

Umiling ako

"Hindi na. Inutusan kasi ako ni Gray na kumuha ng lunch niya."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Yeah! Inuutusan niya ako.

"Sasamahan na lang kita." aniya at tumayo at naglahad ng kamay.

Wala na akong nagawa. Mapilit siya eh. Tumayo ako at sabay kaming naglakad papuntang Cafeteria.

"So may meeting daw mamaya?"

Tumango ako. Nagpatawag ng meeting ang aming el presidente para maplano daw ang mga gagawin na activities and events for the school year. What are his plans? Fun? Tss.

"Yes. 4:30 daw after class."

"Hmm. How's being a secretary?" tanong niya.

Jusko po! Kung alam mo lang.

"Its worse more than you can imagine." I said truly. Totoo naman.

Ng marating namin ang cafeteria ay napakadaming tao. Punong-puno ito. Well, lunch kasi ngayon while they were enjoying their lunch here I am kinukuhaan ng pagkain ang el presidente. That bastard! Bakit kasi nandito siya sa pilipinas? He could have just stayed abroad. Ugh!

Loving the PainWhere stories live. Discover now