Chapter 6: Defeat

29 0 0
                                    

Chapter 6
Defeat

Ngayon ang eleksyon at nandito sa staff room ang lahat ng tumakbo para sa student council. Lahat ay kabado gayunpaman ay nagawa pang mag huramentado ng ibang mga babae dahil sa presensya ni Gray.

Sinulyapan ko si Gray na nagmu-music habang nilalaro ang ballpen sa table. He seems so relax. Hindi ko alam kung alam niyang maraming naghuhuramentadong babae sakanya o nagbubulag-bulagan lang siya.

Pinilit kong hindi siya tingnan kaso parang may sariling utak ang mga mata ko at dumapo Nanaman sakanya ang aking paningin. Damn!

Nang nagkatinginan kami ay nagtaas agad ako ng kilay para hindi halatang tiningnan ko siya.

"Alam mo bang masamang magnakaw ng tingin, hmm?" He said.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Sinabi niya pa yun sa harap ng maraming tao! Nakakainis! Yung ibang babae nga sobra makatitig kala mo hinuhubaran na siya tapos ako pa napuna niya?!

"Excuses. Mr. Feelingero. Di kita tinitingnan." sabi ko at nag iwas na lang nang tingin.

He laughed. Fuck you Gray!

"Hmm. Okay sabi mo eh." aniya

After the election ay pinalabas kami ng staff room. Agad akong lumabas dahil sa kahihiyan ko kanina. Ayokong makita siya. Magulo ang paligid at nagbubulungan dahil sa usapang eleksyon. maynaririnig akong ako ang ibinoto o di kaya si Gray.

Dahil sa tagal namin sa staff room ay nakaramdam ako ng uhaw at gutom kaya dumiretso ako sa canteen. Habang tinatahak ko ang corridors ay may nakita akong pinagkakagulohan ng ibang mga estudyante. I suddenly feel curious. Pero gutom na talaga ako kaya dumiretso na lang ako. Tingin ko ay may issue nanaman.

Napailing na lang ako. People would always judge you even when they don't know the real story. Then they conclude. We must never judge a one sided story.

"Isa pong hardanaian salad and lemonade ate." sabi ko at naglabas ng pera.

Hindi ako nakakapag jogging and exercise this past few days because I was busy with the election. That's why I have to limit my food.

"grabe no? Bakit kaya biglang nag drop out si Denise?" nagulat ako sa narinig ko kaya nilingon ko sila.

"Baka may issue. Balita ko kasi naghiwalay sila nung boyfriend niya." ani ng isang babae.

"uhh. Excuse me. You mean Denise Hernandez?" I confirmed.

"Uhh. Opo." ani ng freshman na babae.

"Bakit daw?" tanong ko.

I didn't see it coming. Ang alam ko ay tumakbo syang student council secretary. Drop out? For what reason? Mabait at matalino si Denise kaya tingin ko impossibleng pinatalsik siya sa eskwelahan. I think she voluntarily drop out of school. But the question is why?

"Wala daw pong sinabi eh."

"Ahh. Ganun ba. Sige salamat." sabi ko at kinuha ang pagakain na nakalahad sa harap ko.

Umupo ako sa isang table sa sulok ng canteen. Denise is a nice person sayang dahil nagsisimula pa lang kami maging close ay umalis na siya. Tiningnan ko ang pagkain sa harap ko. Now I've lost my appetite.

Mamaya na malalaman ang resulta ng eleksyon kaya't halong kaba at lungkot ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga pagkain sa harap ko dahil nawalan talaga ako ng gana.

"Maraming taong nagugutom miss."

Napairap ako. Boses pa lang alam ko na kung sino ito. Wala ba talaga siyang magawa sa buhay?

Loving the PainWhere stories live. Discover now