NINETEEN

14 0 0
                                    

"I just hope makapunta kayo sa bahay-bakasyunan namin kapag may time," yaya nito sa amin.

Nagkatinginan kami saglit ni Madison at umiiling ito sa akin.

"Okay. We'll try" sagot ko naman na ipinanlambot ni Madison.

"Aasahan ko 'yan. Ito ang adress ng bahay namin in case gusto niyo pumunta. But let me know first para mapaghandaan ko," sabi nito sabay abot sa isang papel. Kinuha ko iyon at tiningnan ang address.

Madilim sa dinadaanan namin at halos alas-dose na ng madaling araw pero kapwa wala pa rin kaming tulog ni Dry. Nasa byahe na kami papunta sa Tagaytay na sinabi kong lugar sa kanya. Kabababa lang ng phone niya at lumingon siya saglit sa akin bago itinuon ang pansin sa kalsada.

"You were right. According to Cruz, Monique put an address on her general information data when she enrolled in your school," pagkonpirma nito sa akin.

"Then all we need to do is to cover that area that I've told you. Naalala ko pang may sinabi siyang lumang bahay na may kabayo sa gate. It's her horse, I think."

Tumango si Dry at hindi na sumagot. Bumilis ang takbo ng sasakyan lalo na at konti lang ang bumabyahe ng mga oras na ito. Hinawakan ko ang sarili kong mga kamay na nanginginig sa sobrang kaba. Nanlalamig na rin ako at hindi mapakali. Hindi ko alam kung ano ang aabutan namin o kung aabot pa kami na buhay si Ian.

Naramdaman kong hinawakan ni Dry ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako at hinigpitan pa ang hawak sa akin. Hinayaan ko na lang din siya. Kahit paano ay kumalma ang nararamdaman kong kaba.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa Tagaytay. At dahil naka-GPS kami ay hindi na kami nahirapang hanapin ang bahay. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan na lalong mas nagpalakas ng tibok ng puso ko. Bumaba kami sa isang lumang bahay na may kabayo na nakatali malapit sa gate.

Hindi ako sigurado kung ito nga iyon ngunit ito lang ang lumang bahay na kinakitaan namin na may kabayo. May liwanag sa loob ng bahay pero galing ito sa kandila. Maraming kandila. Lalo tuloy akong kinilabutan sa nakita ko.

Hinawakan ni Dry ang kamay ko at maingat kaming pumasok sa bahay.

Pagbukas ng pinto ay nakita agad namin si Ian na nakatali sa gitna at napalilibutan ng mga kandila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatakbo ako palapit sa kanya na labis niyang ikinagulat.

Maingat akong humakbang upang di maitumba ang isa sa mga iyon. Tinanggal ko ang panyo sa bibig niya.

"Sa likod mo!" sigaw niya kaya napatingin naman ako sa kinatatayuan ni Dry. Nakita ko na lang na nakahandusay na si Dry sa sahig at may tama sa bandang balikat.

"Dry!"

Itinutok agad ni Monique ang baril sa may mukha ni Dry habang nakangiti. Kinabig ni Dry ang paa ni Monique gamit ang paa niya kaya natumba din ito. Agad namang hinawakan ni Dry ang kamay ni Monique at hinampas ito sa sahig para mabitawan ang baril.

Ibinaling ko kay Ian ang atensyon ko at mabilis na tinanggal ang tali sa mga kamay niya na nasa likuran niya habang sinusulyapan ko sina Dry at Monique. Hindi ko agad matanggal ang tali dahil nahahati ang atensyon ko at natataranta ako.

Nakuha ni Dry ang baril at mabilis na itinutok din ito kay Monique kasabay nang pagtatanggal ko ng tali sa kamay ni Ian.

"Salamat," mahinang sabi nito sa akin.

"Jess, let's go!" sabi ni Dry habang nakatitig kay Monique.

Dahan-dahan itong umupo. Kinabig niya at sinipa ang bawat kandilang nasa sahig. Unti-unting kumalat ang apoy sa buong bahay.

"Ayaw niyo kaming iwan ni Jess? Then, let's all go to hell!" pagkasabi niya noon ay nagpakawala siya ng isang mapanindig balahibong halakhak ngunit mababakas ko pa rin sa tawa niyang may lungkot siyang dinadaing.

Lumapit ako sa kanya. "Jess!" sigaw pareho ni Dry at Ian na balak akong pigilan sa gagawin ko pero hindi ko sila pinansin. Sa halip ay lalo pa akong lumapit kay Monique at sinampal ito nang malakas.

Natumba ito pero naituon niya ang mga kamay niya sa sahig. Bumakat din ang kamay ko sa maputi niyang pisngi.

"Tama na, Monique. We don't deserve to die like this," tumingin siya sa akin na hawak ang kaliwa niyang pisngi. Umupo ako sa may harapan niya at tinititgan siya sa mga mata. "You deserve a second chance, Monique. So, stop this. Please?"

"Why are you doing this for them? Why not for me?!" mahinahong sabi nito pero kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"I am doing this for you, Monique! Kailangan mong magpakatino. Kailangan mong mabuhay para makita kung gaano kaganda ang mundo. Ang mga nangyari sa iyo noon, sa parents mo, they're all part of your nightmares. Monique, you need to move on. And I am trying to help you. Please Monique, let's get out of here."

Walang emosyon ang mukha niya pero ilang saglit lang ay tumango siya at yumuko. Napabuntong-hininga ako at saka niyakap siya.

"That's it, Monique," bulong ko sa kanya.

Niyakap niya rin ako. "I don't trust anyone, Jess. But I want to die like this... with you," pagkasabi niya noon ay mabilis akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. Lumundag siya sa akin na hawak ang kutsilyo at pilit na ibinabaon malapit sa dibdib ko.

Napansin kong itinutok ni Dry ang baril kay Monique.

"No, Dry!" sigaw ko habang hirap na hirap na pinipigilan ang kamay ni Monique.

Nagpapalit-palit ang tingin ni Dry sa akin at kay Monique, hanggang sa nakarinig ako ng isang putok. Natumba siya sa tabi ko at tuluyang nawalan ng malay, pero nanatiling bukas ang mga mata nito.

Napatingin ako sa paligid. May mga nakaunipormeng lalaki ang nasa may pinto na may hawak ng baril habang ang iba naman ay sinusubukang patayin ang apoy sa paligid.

"Jess, can you hear me?" narinig kong tanong ni Dry. Tumango lang ako bilang tugon at inalalayan nila ako pareho ni Ian para tumayo.

Tumama sa mga mata ko ang ilaw na nanggaling sa sasakyan ng pulis. May mga bumbero at ambulansya sa paligid. Itinuro sa amin ng isang nurse kung saan ang sasakyan nila at doon kami isinakay papunta sa ospital.

Napatingin ako sa may bintana at tumitig sa bahay ni Monique habang umaandar paalis ang ambulansyang sinasakyan namin. Bigla kong naalala ang mga inosenteng ngiti ni Monique noon.

She just wanted to be my friend. She just wanted me to trust her like I did with Lira and Madison. Nagawa niya ang lahat ng iyon dahil gusto niyang makalimutan ang mga nangyari sa kanya noon, pero sa isang mali at makasalanang paraan.

Bago pa tuluyang pumikit ang mga mata ko ay pakiramdam ko'y may taong hindi kalayuan sa bahay na iyon ang nakatitig sa amin.


+ N E X T +

Who's Next?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon