NINE

17 0 0
                                    

Pagpasok ko pa lang ng prisinto ay nakita ko na si Troy na nakaupo malapit sa Police Head table. Malamlam ang mga mata nito at nanginginig ang mga kamay niya.

Katapat naman nito si Alvin at tila nagpapaliwanag.

"Alvin. Troy." mahina kong sabi ngunit nilingon pa rin nila ang direksyon ko. "Anong nangyari?" tanong ko dito sabay hawak sa kamay niya upang pakalmahin ito.

"Pinagbibintangan nila ako na pumatay kay Madison. God knows na wala akong kinalaman sa krimeng iyon," sabi pa niya na halos mapapaiyak na.

"Nagpunta ako sa may locker room ng pool area para magpalit dahil nandun ang gamit ko. Pero pagbalik ko, basang-basa na ang costume na ginamit ko kaya minabuti kong pumunta sa pool at nakita ko du'n si Madison na walang malay. Believe me, Jess. Natakot ako. Nataranta ako nang makita ko kayong palapit na. Hindi ko alam ang gagawin kaya tumakbo na lang ako," dagdag pa ni Troy na hawak na ngayon ang isa ko pang kamay.

"I know, Troy." tiningnan ko ang pulis at muling ibinalik ang tingin ko kay Troy.

Awang-awa ako sa itsura niya na halos namumula na sa sobrang kakaiyak at ganoon din ang mga galos nito sa katawan, lalo na sa mukha na sanhi marahil ng pagkataranta nito nang mapagbintangang suspect sa pagpatay kay Madison.

"Ma'am, nais lang namin masagot niya ang mga katanungan namin. He's still under observation pero hindi po namin siya maaaring hayaang umalis hangga't hindi pa tapos ang imbestigasyon," paliwanag nito sa akin.

"But it doesn't mean na ikukulong niyo siya dito."

"She's right." sagot naman ng boses lalaki sa likod namin. Napalingon ako pati ang mga nasa loob ay ganoon din.

"Sino ka?" tanong ng pinaka-head sa police station na iyon.

"I'm Detective Dry from Asutralia," paglalahad nito ng kamay sa head. Nakipagkamay naman ito.

"I'm here to give you this," sabay lapag nito ng brown envelop sa table.

"Ano ito?" tanong ng police head.

"A letter from the main police office saying that this case, including the previous cases of murder, will be transferred under my supervision.

Siya na ba? Siya na ba ang sinasabi ni papa na magaling na detective na kinuha niya?

"You cannot imprison him," pinakawalan na nila si Troy. "But you cannot leave the country unless you are cleared," at in-emphasize pa nito ang word na clear sa mukha ni Troy.

Tumango naman si Troy at lumapit sa direksyon namin ni Alvin.

"Don't worry magiging okay din ang lahat," nasabi na lang ni Alvin sa kaibigan.

Hindi ko maiwasan ang mga tingin ng detective na ito. Familiar ang mukha niya sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Ngumiti ito nang nakakaloko sa akin na para bang may ipinahihiwatig siya.

Inihatid ko na lang si Troy sa bahay nila at doon ay sinalubong siya ng ina niyang nag-aalala. Minabuti namin na umalis na lang upang makapag-usap sila nang masinsinan.

Nasa daan na kami pauwi naman sa bahay namin. Halos same village lang ang tinitirhan namin nina Alvin at Madison kaya lagi talaga kaming magkakasamang tatlo. Malapit na kami sa bahay nila nang magsalita si Alvin.

"Pwede ba tayong pumunta sa park?" sabi nito.

Hindi na ako sumagot at saka nilampasan ang bahay nila papunta sa park kung saan madalas naming tambayang tatlo.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami doon. Walang nagsasalita sa amin, hanggang sa napaiyak na si Alvin. Pinipigil niya ang labis na paghikbi dahil alam kong nahihiya pa rin siya pero siguro nga ay hindi niya kaya ang sakit na dulot ng pagkawala ni Madison.

Napaiyak na rin ako. Naalala ko ang huling oras na pag-uusap namin ni Madison sa may pool. Hindi ko akalaing iyon na ang huling oras na makakasama ko siya.

Hindi ko man lang nasabi sa kanya nang araw na 'yon na mahal ko rin siya. Mahal din kita, Madison...

Niyakap ko si Alvin upang pagaanin ang loob naming pareho. Yumakap din siya habang sabay kaming umiiyak sa pagkawala ng taong mahalaga sa amin.

Unti-unting tumigil si Alvin at iniangat ang ulo nito sa mukha ko. Nagkatitigan kami. Halos magkadikit na ang mga ilong naming at gayundin ang aming mga labi.

Dalawang araw na ang lumipas. Inasikaso lang ng pamilya ni Madison ang mga kailangan para sa imbestigasyon bago siya pina-crimate.

Hindi na siya binurol nang matagal dahil hindi nila kayang nakikita ang anak nilang nakahiga at walang awang sinakal ng koronang alambre sa leeg.

Naglalakad kami ngayon papunta sa tabing-dagat. Sumakay ang parents ni Madison sa bangka, pati na rin si Alvin para dalhin ang mga abo ni Madison sa gitna ng dagat.

Naiwan ang ilang nakiramay sa may pampang habang kami naman ay papunta sa gitna ng dagat.

Mrs. Montero filled her hands with Madison's ashes bago ito sinaboy sa dagat at sumabay sa direksyon ng hangin. Ginawa niya ito nang dalawang beses. Pagkatapos ay ipinasa naman niya iyon kay Mr. Montero at ginaya nito ang ginawa ng asawa. Ipinasa ito kay Alvin, at katulad nila ay ganoon din ang ginawa niya. At huli ay sa akin.


+ N E X T +

Who's Next?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon