TWO

31 1 0
                                    


Itinuon ko ang aking pansin sa pulis na lumapit sa akin.

"Maaari ba kitang matanong ng ilang katanungan tungkol sa biktima? May nakapagsabi sa akin na ikaw raw ang huling nakausap ng biktima at ikaw ang huling humawak sa bangkay niya," panimula nito.

Marahan akong tumango at nagsalita.

"Hindi naman gaanong matagal ang pag-uusap namin dahil binigyan lang nila kami ng flyer ng mga kasama ko," sagot ko naman habang sumisipat-sipat sa may likuran ng pulis dahil sa lalaking nakita ko kanina.

Tumango-tango siya habang nagsasalita ako. Matapos nang halos ilang minutong pagpapalitan ng tanong at sagot, ay nagpasalamat na lang ang pulis at bumalik sa area kung saan binawian ng buhay si Reina.

Pagdating ko sa bahay ko ay kinuha ko agad ang gamot na iniinom ko at humiga sa kama. Hindi pa rin mapalagay ang aking loob, kaya kinuha ko ang librong nasa ilalim ng study table ko nang napasama din ang isang maliit na yellow notebook at nakalagay dito ang salitang Diary.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kinuha ko iyon, kahit alam ko kung ano ang maaari kong mabasa mula roon. Binuklat ko ang mga pahina nito nang mapansin kong may mga dates na nakasulat sa pulang tinta. Ito ang mga araw na naging isa sa aking mga dahilan para tumakas ako at nagpakalayu-layo noon.


Hulyo 5

Halos maibato ko na ang phone ko sa dingding dahil bigla na lang itong namatay. Sinubukan kong buksan ito ulit ngunit hindi ito gumagana. Isinaksak ko ang charger nito pero wala pa ring nangyayari kaya naisip kong sira ang battery nito.

Kasabay nu'n dumating ang pinsan ko na tumatakbo papasok ng bahay namin at dumiretso ito sa office ni papa. Narinig ko ang mga katagang sinabi nito. Naaksidente ang lolo at lola namin na pauwi sana ng Baguio.

Nang marinig ko iyon, bigla na lang gumana ang dalawa kong phones at sunud-sunod na text ang natanggap ko galing sa mga kaibigan ko.

Inilipat ko ang pahina at nakita ko du'n na nakasulat naman sa itim na tinta ang mga nangyari sa burol ng aking lolo at lola. Parang biglang bumalik ang lahat ng halu-halong emosyon ko ng mga oras na iyon dahil hindi lang ito ang huling beses na may ganitong nangyari sa akin kapag may kamag-anak o malapit sa akin ang namamatay.


Halos lahat ng mga nakasulat sa pulang tinta ng ballpen, ay ang mga nangyaring hindi kapani-paniwala kasabay ng pagkamatay ng malalapit kong kamag-anak at kaibigan

Isinara ko na ang notebook na iyon. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Lira dahil nasaksihan niya ang mga signs na nangyari sa akin noon nang mamatay naman ang ama niya dahil sa heart attack.

"Hello Lira, pwede ba tayong magkita?"

"Yeah sure. Jogging tayo ha?" sabi nito sa akin at biglang binaba ang phone.

Nagbihis naman ako ng black ribbed race-back tank na style ng damit at naka-maong shorts with sneakers shoes. Lumabas na ako para pumunta sa park na lagi naming tinatakbuhan ni Lira tuwing pareho kaming stress sa mga bagay-bagay. Nakita ko siyang naroroon na at nag-uunat.

"Wow. Ang bilis mo ha," bati ko sa kanya.

"Balak ko talaga na mag-jogging. Then bigla ka tumawag so I invited you to join me," sagot nito at nagsimula nang tumakbo nang hindi gaanong mabilis. Sumunod ako sa kanya.

"Ano nga palang sasabihin mo?" tanong nito sa akin pero nakapako ang mata niya sa dinadaanan namin.

"Nangyayari na ulit ang signs Lira," pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay napatigil bigla si Lira at tumingin sa akin.

Who's Next?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon