"Shhh... just stay still." bulong niya sa'kin.

Hinayaan ko nalang siya. Nakakapagod naman kasing manlaban. Ang liit ko naman kasing babae.

Mayamaya, binitawan na niya ako kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. Phew.

"Kung makahug parang close tayo ah. Kaano-ano ba kita?" siningkitan ko siya ng mata.

Ewan pero pakiramdam ko nalungkot siya sa sinabi ko kaya agad kong binawi ito.
"A-ahh.. gutom ka ba? Lika nga!" hinila ko siya.

"Vegetarians ang mga tao dito pero... hmm.. may niluto akong... fried chicken? Wag mong sabihin ah! Secret lang natin to! Hihi." nginitian ko siya.

Tumabi ako sa kanya at sabay kaming kumain.

Hindi niya alam pero sinusuri ko ang buong pagkatao niya.

Agad kong nalaman na anak siya ni Hades. Nakita ko rin ang mga kakayahan o abilities niya... pero wala akong nakukuhang visions about sa past niya.

Feeling ko talaga may mali sa'kin.

Pagkatapos kumain, niligpit ko ang mga pinggan. Sinabihan ko siyang umupo muna para matignan ko ang mga sugat niya.

Napalunok ako nang hubarin niya ang t-shirt niya.

Umiling-iling ako.

Bad Oracle!

Tinignan kong nawala na yung mga sugat. Walang iniwan na marka maliban nalang sa isang straight line sa likod niya.

"A scar I got from an arrow several months ago. I was protecting someone." pagbibigay-alam niya.

Tumango ako.

Supposed to be patay na siya dahil napakalalim ng sugat na'to. Walang nakakasurvive kung ganito kalalim ang naabot ng dulo ng palaso. If I know, tumagos rin ito sa puso niya.

Grabe naman pala pinagdaanan ng lalaking 'to.

Umupo ako sa tabi niya. "Paano ka nakapunta dito?"

Pamilyar ang mukha niya... Nakasalubong ko na ba siya dati?

"I am looking for someone." maikli niyang sagot.

"Hulaan ko. Galing ka sa mortal realms tas bumaba ka sa Underworld. Binigyan ka ni Hades ng free pass kaya pumunta ka dito?" nakataas ang isang kilay ko.

"I may have met rebel creatures in the Underworld on my way here... but yes."

Hmm... kaya pala natagpuan namin siyang naliligo sa sarili niyang dugo.

"Pangalan mo?" tanong ko.

Sabi nga nila, stranger danger.

"I'm Cal."

Ngayong alam ko na ang pangalan niya. Ibig sabihin.. di na siya stranger!

At walang danger!

But wait.

Napaisip ako. "Cal..." inulit ko ang pangalan niya. I swear narinig ko na yan dati!

Aaahhhh! Saan ba... saan ko ba narinig yan.

Nagkibit-balikat nalang ako. "Ah... ako nga pala yung oracle dito!" nginitian ko siya. "Nice to meet you Cal!"

May naalala ako. "Sino nga ulit yung hinahanap mo?"

Nagbuntong-hininga siya at tinitigan lamang ako.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now