SC: Reminisce

Começar do início
                                    

Naalala ko kasi yung nakita ko sa Underworld ihh!!!

"Anyways." nagpatuloy ako. Nainis ko ata si Andrei. "Nandoon ang naka chopchop na katawan ni Cronus.."

"The rebel deities are planning something. May ideya ka ba oracle?" tinaasan niya ako ng kilay.

Siningkit ko ang mga aking mga mata at tumango. "Kinidnap nila si Cronus... dinala sa Underworld... ibig sabihin niyan bubuhayin nila ulit ang titan. At pag tuluyan na nga siyang nagising, he will side with the rebels..."

"P-pero si Gaia..." nanginginig niyang sambit.

Tumango ako. "Mmm. Dalawang titans ang makakalaban nila."

•••

Napabuntong-hininga ako. Mag-isa na naman ako dito sa labas ng munting kubo. Gabi na dito sa Elysium pero sa mortal realms, palaging hapon.

Muli akong pumikit at napangiti sa nga demigods na kakarating lang sa Olympus Academy.

Hindi sila maalis sa utak ko. Feeling ko nga sila yung priority ko eh.

"You flew the whole trip. You must be tired. You can take a rest, Ria." lumapit ang anak ni Athena na nagngangalang Kara kay Ria at binigyan siya ng pat on the back.

Nakasettle na yung refugees. Buti nalang at nandun si Cesia, ang anak ni Aphrodite para tulungan sila.

Naririnig ko ang sinasabi niya katulad nalang ng 'okay na po ba kayo diyan?', 'may kumot po dito oh..', 'papunta na po yung pagkain..'

Interesado ako sa kanya. Hindi ko pa nakikita ang pinagdadaanan niya. Wala rin akong nakikitang future niya.

Parang may... sariling barrier ang katawan niya. Hindi tumatalab ang pagiging oracle ko sa kanya.

Dumako ang mga mata ko sa lalaking minamasdan ang bawat galaw ni Cesia.

Nakita ko na ang pinagdaanan ng anak ni Zeus.. sa kanya nga ako napaiyak ng todo eh.

Pero... WALA TALAGA AKONG NAKIKITANG VISIONS SA MAAARING MANGYARI SA KANILANG DALAWA.

Something's preventing me from looking at their future. Hays ewan.

Eto namang anak ni Apollo na si Seht. Di ko nakikita ang past niya.

Akala ko talaga makikita ko lahat kasi oracle ako.. huhuhu.

Alam ko ang posibleng mangyayari with the rest so... gumagawa rin ako ng paraan para makatulong sa heroes ko.

Like nung kinuha ni Medea ang Alphas at Gamma... nagpadala ako ng isang cute na butterfly.

Alam ko na rin ang susunod kong gawin para matulungan sila.

Malapit na ang tinutukoy ko... ang itinakdang panahon. Kakailanganin nila ako. Alam ko yun.

At malapit na...

"Why aren't you asleep?"

"WAAAHHH-ARAY!" natumba ako sa inuupuan ko.

Tinulungan ako ng lalaki na makatayo.

Sinamaan ko siya ng tingin saka pinagpag ang damit ko.

"Pwede ba? Huwag ka ngang manggulat! Hmp!" inis kong sigaw sa kanya.

Hindi niya ata ako nagets dahil bigla nalang niya akong niyakap.

"T-teka nga.." pilit akong kumawala mula sa kanya pero ayaw niya paring bumitaw.

Alpha OmegaOnde histórias criam vida. Descubra agora