TEN

87 2 0
                                    

<10>

<Samantha's POV>

Napatigil ako sa aking paglalakad nasa harap na ako ng aming gate, kanina niya pa ba ako pinagmamasdan? Ano siya stalker? Hindi na ako lumingon at agad na pumasok sa saka sinira ito agad-agad. Ayaw ko siyang makita, hindi pa ako handa.

"oh anak? Para kang nakakita ng multo okay ka lang ba?" tanong ni mama, nilapag ko ang mga pinabili niya saka uminom ng tubig.

"hehe okay lang ma. Malamig kasi sa labas tsaka umaambon. hehe, punta muna ako sa kwarto ma gagawa lang ng projects." Tumango naman si mama kaya pumanik na ako sa aking kwarto. Naupo ako sa aking window bunk saka pinagmasdan ang ulan sa aking bintana.

"ano bang nakain niya at nasa harap siya ng bahay namin? Adik ba siya?" I kept thinking why did he do that to me? Bakit hindi niya ako hinarap agad, tapos ngayon kung maka-asta naman siya ay parang ako pa ang walang karapatang magalit.

I'll get my revenge on you, maghintay ka lang Dylan, ako ang magpapabagsak sayo.

Tulala padin ako, hindi ko alam kung bakit sa loob-looban ko ay gusto ko padin siya makita, I want to hear him out pero this time mas gusto kong sundin ang utak ko kesa sa puso ko.

<Dylan's POV>

Ilang araw na din akong tumatambay sa may harap ng bahay nila Samantha Blue tuwing gabi, gusto ko siyang makita, sobrang gusto ko siyang makita, I know kung alin ang window ng room niya, I can see her shadow mula sa paboritong spot niya, iyong window bunk.

Ngayon andito nanaman ako kahit na medyo lumalakas na ang ulan, sinundan ko siya nang magpunta siya ng tindahan, ang ganda niya parin, hindi parin siya nagbabago suot niya parin ang paboritong jacket niya na may hearts na color white tuwing lalabas siya ng bahay nila.

"Psst." Sinubukan ko siyang tawagin kaso di siya lumingon kaya nilabas ko ang cellphone ko at tinext siya.Nakita kong napahinto siya sa paglalakad, lalapitan ko na sana siya kaso pumasok siya agad ng bahay nila.

Bakit Samantha Blue? Ganoon niya na ba ako kaayaw makita? Ganoon ba kasakit ang nagawa ko sakanya? Di ko naman sinasadya iyon kasi napilitan lang ako dahil kay Lolo, he wanted to train me para maging tagapag maan niya, he set me up dahil kung hindi ko raw yun gagawin ilalayo niya sakin ang kapatid ko, ang tanging pamilyang natitira sakin.

Alas otso kong napasyahang umuwi na at baka hinahanap na ako ng kapatid ko. Pagkarating ko ng bahay agad akong sinalubong ni Nina saka binigyan ako ng bear hug.

"kuyaaa! Akala ko na-abduct ka na ng aliens! Dali kakain na daw tayo!" hinila niya ako papuntang dinning room kung saan nakaready na ang pagkain namin at nag-aantay na rin si Lolo.

"where have you been?"

"uhmm...sa tabi tabi lang po. Kain na tayo." Umupo na ako habang nararamdaman kong nakatitig sakin ang lolo ko.

"I hope you're not with that Samantha girl again. Di siya nararapat sayo." Nawalan ako ng ganang kumain, I wiped my lips saka tumayo na. I don't want to argue with Lolo right now, lalo na't nasa harap namin si Nina.

"kuya san ka pupunta? Di ka pa tapos kumain eh" she pouted, hinawakan lang ni lolo ang kanyang kamay saka sinabing mag patuloy sa pag-kain, I walked over to her and kissed her forehead.

"gagawa lang ako ng projects ko baby. Busog naman si kuya eh."

Pagpasok ko ng kwarto agad akong nahiga sa kama at kinuha ang cellphone ko saka tinext si Blue, I remembered wala pala siyang dalang paying kanina kahit kalian talaga ay pasaway siya.

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon