SIX

102 2 2
                                    

<6>

The next day

" goodmorning!" iyan ang unang sigaw ko paglabas ko ng kwarto ko. Naabutan kong kumakain ng breakfast sina mama at papa pati kuya.

"good morning rin! Saya natin ha?" bati ni kuya. Nagsmile lang ako at umupo na para makakain. Sunny side up eggs, toast, fried rice at fried chicken. Yumyum!

"goodmorning rin." Bati ni mama, nilagyan niya ng rice ang plato ko.

" kain ka na." ngumiti si papa at nilagyan ng chicken wings ang aking plato.

"wala kayong work ngayon?" I stared eating, bihira lang na sabay kaming magbreakfast kasi usually mas maaga silang umaalis.

" actually mamayang 9 pa ang pasok ko, magpapalate ako since puro meetings lang naman ang meron kami sa office." Sagot ni mama, nasa music industry ang mama ko isa siyang producer ng mga kanta.

"meron anak, kelangan ko pa kasing ayusin yung orders para sa Dubai."-si papa naman nasa car selling business at food business. Yup,masasabi mo ngang mayaman kami pero we are contented in living middle class.

"oh, okay." nagpatuloy lang kaming kumain at nag kwentuhan.

" mauna na ako ma,ate, Prince ikaw na bahala sa kapatid mo."-paalam ni papa. Ang pangalan pala ni kuya ay si Prince Red Villareal di ko alam bakit ganun ang pangalan niya pero astig diba?

"I still have 2 hours free time!" sabi ni mama sakin.

"gala tayo? Hahaha! Wait ma, maliligo muna ako!" agad akong tumakbo sa aking cr sa kwarto at naligo.Simple lang naman ako manamit yung tipong t-shirt, pants at flat shoes, okay na! Hindi rin ako nagtatali ng buhok pag nasa public places, usually sa bahay lang ako nagtatali eh. After kong makabihis ay lumabas na ako ng kwarto.

"ano ba yang suot mo anak! Para ka namang tambay sa kanto! Itong napapala mo kakasama sa kuya mo at sa barkada niya eh!" saway sakin ni mama, I just laughed at her.

"Anong problema sa suot ko? Tsaka tara na ma! Tumatakbo ang oras!"

" Red? Wala ka bang pasok?" pinuntahan namin si kuya sa kwarto niya at as usual naglalaro naman ng Online Game.

"mamaya pa naman ma. Dito na muna ako, 1 pa ang klase ko eh. Ingat kayo."

"okay."

Nang makarating kami ng mall ay agad akong hinila ni mama sa mga boutique at pinagbibili ng mga damit.

"anak! Ito oh! Bagay to sayo!" marami rami na kaming nabili ni mama though karamihan ng nabili naman ay para saknya kasi puro ayaw ko naman ang sinusuggest niya.

"yuck mama! Ayaw ko ng pink noh! Kadiri! Tsaka look! Above the knee yang dress na yan! Ang flirty tingnan!" nasa isang boutique kami na puro pink ang pabili. My gosh! Ayoko na rito!

" hay naku! Sige na! bilhin na natin to! Please? Or itong white na lang na may blue flowers?" nakita ko na yung pink pero pagkarinig ko ng blue agad naagaw ang attensyon ko.

"yung blue na lang ma." fine I admit, I also like cute stuffs pag color blue siya or any color basta hindi masyadong flashy and girly. Pero I never wear them I just keep them parang display.

"sabi na nga ba, blue lang habol mo! Hahaha sige na magbabayad muna ako." Naglibot libot ako sa shop at yung ibang mga babae dun napapatingin sakin. Ano bang problema nila?

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon