TWO

169 4 0
                                    

"grabi ka ah! Parang walang bukas kung makahatak! Hahaha." Natawa ako hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko dito sa kumag na Lance na to, kahit na feeling close siya. Pumunta kami sa benches na occupied ng barkada, tey fist bump Lance and thanked him.

" hehehe. Peace! Kasi ikaw eh ang arte arte mo. May pa tampo tampo ka pa. ano bang nangyari?" he replied.

"Feeling close ka ha! Manahimik ka nga! Basta asar ako, that's all you can know!" marami nang tao sa gym at tapos na yung introduction kaya naman we settled down and sat on our seats. We sat at the back para mas kitang kita namin ang stage, nasa unahan naman sina Phil at ang babaeng nililigawan niya. Sht, mas gusto ko na lang matulog.

"Sam! Wag ka nang magtampo, mahal ka naman naming eh. Wag ka ulit mawawala ng biglaan ha? Namimiss kita." sabi ni Jane saka ako niyakap ng sobrang higpit.

" OA mo! Oo na, masyado kang madrama eh, para namang di tayo nagkita kanina!" mataray ko na sabi nung bumitaw na siya.

"oo nga nagkita tayo kaso iniwan mo naman kami! Gaga ka ha! Sa susunod magtxt ka man lang! tara na at baka masapak ka ni Eliz!" nagpout lang ako at sumunod habang natatawa naman si Lance sa likod ko.

" shut up. Wag mo sasabihin kung san mo ako nakita ha? Or else! Ipatutumba kita!" he smiled at nauna nang maglakad.

Ano ngayon? Andyan sina Phil at yung girl...act normal Sam act normal... kaya mo yan!

"yow! Mga papi! Haha. Namiss niyo ako?" bati ko sa kanila kaso lahat sila tiningnan lang ako, yeah including the two lovebirds. There was no reaction, nakatitig lang sila sakin.

" oh? Ano nanaman? Sige alis na lang ako ulit. Bye bye." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad nang bigla akong hinigit pabalik ni Eliz.

" hoy babae! Alam mo bang pinag-alala mo kami! Kung saan saan ka namin hinanap?! Nagpapage pa nga kami! Asan ka ba nagsusuot ha?" I just smiled at her at inakbayan siya.

" oo nga. Nakakapagod kayang maglibot ng campus. Di ka man lang nagtxt maski sa isa samin!" sabat naman ni Jason ang kanang kamay daw ni James.

" oo nga pre! Alam mo namang iba ang tropa pag kulang ang isa! Oo nga pala kausapin mo si James problemado eh" sabi ni Renz saka ngumuso sa lugar ni James na nakatalikod samin at nakaharap sa may field. Mabuti na lang at magulo sa gym kung hindi malaman mapapagalitan kami dahil nakatayo kami ditto at hindi nanonood.

" hahaha sige. Oi! Eliz! Sorry na ha? Libre na lang kita mamaya." Tumango lang si Eliz at pumunta na ako kay James.

" hoy! Drama drama nanaman! Ano meron?!" hinampas ko ang balikat niya at napatingin siya sakin.

"wag ka ngang ngumiti kung plastic lang rin baka matapon ko sa basurahan eh." Seryosong sagot niya, nagtatampo din tong isang ito eh. Sabagay bakit hindi? I acted out kanina. I stared at my feet and took a deep breathe.

"Suplado ka ah! Haha, edi wag ngumiti!" pero di ko napigilan napangiti parin ako saknya. We're always like this kapag galit ang isa sa amin nag papatawa iyong isa. But our fights never last long, nagbabati din kami agad.

" ewan ko sayo! Di ko naman talaga alam na ganun ang mangyayari eh. Sorry kung nasaktan ka man." Umupo ako sa tabi niya saka nagbugtong hininga, until know he still knows me best.

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon