Confession 22: Puzzlement

Start from the beginning
                                    

In stars, I am the coldest. Tyra’s smile is like a yellow sun, so bloom. And I wonder how red her blood could be. –BSW

Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig dahil sa nabasa ko. Ramdam ko ang mabilis na panlalamig ng mga kamay ko at pawis sa noo kahit na hindi naman talaga mainit. This can’t f*cking be! Hawak ko ang maliit na piraso ng papel at hindi ko maiwasang manginig sa kaba. T*ngna! Hindi baleng ako na lang… wag lang si Tyra.

Mabilis kong tinakbo ang mga pwestong pinuntahan niya kanina. I almost lost my heart ng hindi ko siya mahanap sa dagat ng tao. Ramdam ko ang panginginig ng laman at kabog ng dibdib ko habang pilit hinahanap ang kapatid ko sa loob ng magulong bar na ito. Palinga-linga ako sa paligid na hindi pinapansin ang mga nababangga. Huminto ako malapit sa dance floor at pinagmasdan ang mga naglalakad na waiter at waitress, nagbabakasakaling isa doon ang kapatid ko.

“Tyra!” I start shouting out of frustration. Napahilamos ako ng kanang kamay sa mukha at marahas na idinaan ang mga daliri ko sa buhok.

“Tyra Huang!!” ulit ko na di hamak na mas malakas kaysa kanina. Napakuyom na lang ako ng kamao sa inis.

Paano kung…

“K-Kuya?”

Mabilis akong napalingon sa likuran ko ng marinig ang boses niya. Bakas ang pagtataka sa mukha nito habang yakap-yakap sa dibdib niya ang dalang tray. Mabilis koi tong hinatak para sa isang yakap na ikinagulat nito. Napapikit na lang ako kasabay ng pagbuga ko ng hangin. Pakiramdam ko ay hindi ako huminga ng ilang sandali dahil sa mga nangyari. Sobra akong nag-alala. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may gumalaw sakanya.

I hugged her tighter. “Let’s go home, Tyra,” I said in a tone of pleading.

“P-Pero kuya, may shift pa ako-”

 

“Hayaan mo na ‘yan. Kakausapin ko ang manager mo,” pagpuputol ko sa pagtutol niya.

Kumalas ito sa yakap at tumingala sakin. “You’re weird,” natatawang saad nito. Ngumiti na lang ako at ginulo ang buhok niya na agad na ikinanguso niya. “Aish! Not my hair kuya.” She pouted na salubong pa ang kilay pero tinawanan ko lang siya. “Wait here. Magpapalit lang ako ng damit,”

 

Agad naman akong umiling sakanya. “Samahan na kita. Doon lang ako sa labas ng locker room niyo.”

 

Tumango lang naman siya. Mahirap na. Baka biglang gumalaw ang BSW na ‘yon habang wala ako.

Who the hell is BSW anyway? Kailangan ko sigurong kausapin ang Temple Island tungkol dito.

Alice’s POV

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now