5 O'Clock Love Story: Part 2

470 20 13
                                    

MULA sa mga oras na yun hanggang sa paghiga ko sa kama upang matulog, siya lang ang laman ng isip ko. Di ako makatulog. Kapag pipikit ako, mukha niya ang nakikita ko, kapag didilat naman, the same parin. Bakit ba? Di ko rin maexplain nadarama ko, matutuwa ba ako, kikiligin o kaya'y madidisappoint? Wala talagang ibang pumapasok sa ulo ko kundi siya at siya lang. Di ko malimutan yung paghawak ko ng kamay niya, pagngiti niya sa akin at marami pang iba. Lumipas ang mga oras at 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.

.

.

.

.

.

.

Uyy! 7 na pala! Thank you Lord at walang pasok. Tumayo na

ako mula sa pagkakahiga. Nanalamin at nag-ayos ng kaunti.

Habang sinusuklay ko ang buhok ko, bigla kong naalala ang nangyari kahapon kaya napahinto ako saglit. Pero nakaya ko parin alisin sa isip ko ang bagay na yun. Dahan- dahan ko ng binuksan ang pintuan palabas ng kuwarto ng biglang...

"Happy Birthday!!!!", sigaw ni nanay at tatay habang may hawak na cake.

Gulat na gulat ako kaya 'di ako nakagalaw.

"Hoy!, anak!.. Kumibo ka nga! Haha!", sabi ni nanay habang tumatawa.

"ah, eh, thank you po!! Thank you!!", nilapitan ko silang dalawa at niyakap ng mahigpit.

"Akala ko nakalimutan niyo po, kahit ako nga po 'yung may birthday, muntik ko nga pong makalimutan eh.. Kayo po tala--ga.", naiiyak na ako ng kaunti.

"birthday mo?, makakalimutan? Sus!", sabi ni tatay.

"Kanina pa nga kami nakaantay eh na gumalaw yang doorknob ng pinto mo no. Ang aga-aga na, 'di ka pa gumigising..", sabi naman ni nanay.

"Haha..sige na po...kainin napo natin 'yang cake n'yo..mukhang masarap po ha?", sabi ko.

"O sige..ah, 'di lang cake yung inihanda naming ng tatay mo no?, nagluto rin kami ng spaghetti tapos, fruit salad at 'yung paborito kong leche plan..."

"charr..kayo po talaga..haha", sabi ko.

"Oh, bago tayo kumain, may itinabi akong pagkain para sa kapitbahay natin dyan sa harap, ihatid mo muna sa kanila", si nanay.

"Ah, eh.."

"Anong ah, ehh? Suklian naman natin ang pagiging mapagbigay nila sa atin no? Oh, sige na..kunin mo na dun sa kusina sa mesa.."

"No need napo sigurong mag share pa tayo no? Sure naman po akong palaging puno ref nila eh..."

"Hindi naman kailangang mag magbigay kung walang-wala ang pagbibigyan diba? Higit sa lahat, niluto namin ang mga yun anak with our whole hearts ng tatay mo so, special parin yun"

"Okay ma..."

Pumunta ako sa kusina at kinuha ang tray ng spaghetti at fruit salad tapos ay lumabas na sa bahay.

Paglabas ko sa gate.. napako ako sa aking kinakatayuan habang nakatingin sa bahay na pupuntahan ko...

"ooo..ano ba'to..."..nagsisimula na naman akong manginig at kabahan..

Kaya huminga ako ng napakalalim at tumawid na sa daan..

Pinindot ko na yung doorbell nila tapos para sure, sumigaw na rin ako..

"Tao po!, tao po! Tao po ako!..", biro ko hanggang bumukas yung gate nila..

Lumaki na naman ang aking mga mata ng makita ko ulit siya.. Halatang bagong gising din dahil sa ayos ng buhok niya kaya napangiti ako..

The 5 O'Clock Love Story (Short Love Story)✔Where stories live. Discover now