Chapter 17: Manifestation

Começar do início
                                    

"Inisip mo ba gawin yon sa kanila?" tanong ni Adolf. "Hindi po, pero kasi natatakot ako kaya sabi ko sa mind ko sana dead na sila" bulong ng bata. "Shhhh normal yan, when we get really scared we really think that way" sabi ni Ivan.

"The lesson here is first you really have to train to control your powers. Look what happened. Then the next lesson is be careful when you use your powers because witches like them will come after you" dagdag ng nilalang kaya tinungo ng bata ulo niya.

"Hindi ko na gagamitin powers ko sa labas" bulong ni Miggy. "Good boy, now go to sleep muna" bulong ng nilalang at nakatulog agad yung bata. "Hindi ko gusto yung ginawa mo pero may mabuti naman na kinalabasan" sabi ni Adolf.

"Isipin mo nalang pano kung sa siyudad siya nagmanifest? Ilang tao ang madadamay? Dito lahat ng mga nandito masasama" sabi ni Ivan. "Nung panahon ko hindi naman ganito. Bakit nadadamay ang mga bata. Ilang bata ang mga nakalibing dito?" sabi ni Adolf.

"Hindi ko din maintindihan, lahat gusto lumakas ng lumakas. Wala naman ako pakialam noon kasi hindi ako malaya. Ngayon malaya tayo" sabi ni Ivan. "Malaya?" tanong ni Adolf. "Oo, kung gusto ko umalis e pwede ka umalis" sagot ni Ivan. "Pero amo mo ko si Miggy" sagot ng matanda. "Totoo pero kung nais mo umalis tiyak ko papayagan ka ng bata" sagot ni Ivan.

"Ganon lang?" tanong ng matanda. "Mabait yang bata, alam ko itong ginawa ko ay mali kaya lang kailangan na mangyari ito. Kailangan magmanifest na siya at kailangan din niya matauhan" sabi ni Ivan.

Bumalik sila sa loob ng lungga, "Tignan mo lahat sila nabalian ng leeg tapos nagkasaksak sa puso" sabi ni Adolf. "Saksak sa puso?" tanong ni Ivan. "Oo sobrang liit ng butas, pero tignan mo maigi. Maliit na saksak direkta sa puso. Malaking ugat lahat ng tinamaan" sabi ni Adolf.

"Then they all died instantly" sabi ni Ivan. "Yung pagkabali ng leeg nila sapat na dapat kaya lang parang sigurista kaya may saksak pa sa puso. Alam ko hindi magagawa ng isipan ni Miggy yan. He is too young" sabi ni Adolf.

"Mula nung una ko siyang nakilala alam ko may mali na sa batang yan. Naramdaman ko yung dati kong amo sa loob niya" sabi ni Ivan. "Anong sinasabi mo?" tanong ni Adolf. "Hindi ko din maintindihan pero bago ako nahuli at nakulong naramdaman ko amo ko may binabalak"

"May inaaral siya at dahil doon tumapang siya at akala niya hindi na siya mapapatay ng sino man. Siguro eto na yon, siguro tagumpay siya" sabi ni Ivan. "Ang ibig mo sabihin yung amo mo noon nasan loob ni Miggy?" tanong ni Adolf.

"Hindi ko sigurado, nararamdaman ko lang siya. Ayaw ko gumaya si Miggy sa landas ng dati kong amo kaya ginawa ko ito. Now teaching him will be easier" sabi ni Ivan. "Pero aaminin ko sa iyo, my memories are coming back" sabi ni Adolf.

"Isa pa yan, nung nakulong ako ng matagal wala ako sa tamang pag iisip. Wala ako mga memorya. Ang nais ko lang makalaya. Pero nung nakilala ko tong bata basta nalang bumabalik mga memorya ko. Siguro dahil sa pagtrato niya ng maayos sa akin. Nahihila niya ako pabalik" sabi ni Ivan.

Nung nakabalik na sila sa bahay nina Miggy, hiniga ni Ivan ang bata sa kama niya saka kinumutan. "Ngayon nagmanifest na kapangyarihan niya masasanay na buong katawan niya sa kapangyarihan niya"

"The only thing we have to teach him now is control" sabi ni Ivan. "Ang problema natin yung memorya niya, sigurado ako hindi niya makakalimutan yung mga napatay niya" sabi ni Adolf. "Oo hindi niya makakalimutan yon pero magiging gabay niya yon"

"Mananatili sa isipan niya na maaring mangyari yon sa lahat ng makakasalamuhan niya. That will be his guide so that he does not become my former boss" sabi ni Ivan. "Gaano ka kasama yung dati mong amo?" tanong ni Adolf kaya inuga ni Ivan ulo niya.

"Mula nung bumalik mga memorya ko kung sino talaga ako lalo ako nasusuka at nagagalit sa pinag gagawa ko bilang alipin ng amo ko" bulong ni Ivan. "Para sa akin tanggap ko na kaya lang gusto ko malaman kailan ako nagbago? Ikaw alam mo ba kailan ka nagbago? Kailan ka naging ganito? Ano ba maitatawag talaga sa mga katulad natin?" tanong ni Adolf.

MASKARAOnde as histórias ganham vida. Descobre agora