50

2.7K 103 50
                                    

RPOV

Ilang linggo na rin simula ng may magpadala ng kung ano-anong larawan na nasundan pa ng iba't-ibang banta kaya todo ingat na ang ginagawa namin ni Glaiza.

"Glaiza,wag na kaya tayong magpunta sa party ?" Nag-aalalang sabi ko dahil iba yung kutob ko ngayon. " sasabihin ko na lang kay Bianca na hindi tayo makakarating."

Lumapit saakin si Glaiza pagkatapos ay masuyong hinaplos yung pisngi ko bago gawaran ng mumunting halik.

"Ito na yung huling beses na hihingi ako ng tawad sayo,aayusin ko lahat ng ginawa kong gulo simula ng magkakilala tayo." Malambing na sambit nya pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit." At hindi pwedeng hindi tayo pupunta dahil special day nila Bianca yun. Sige ka,baka magtampo yun sayo."

"Oo na.." Alanganing sagot ko. "i love you baby.."

"I love you too." Nakangiti nyang sagot. " Lets go ?" Agad akong tumango. Inalalayan nya akong makasakay ng kotse pagkatapos ay dumiretso na kami sa bahay ni Bianca kung saan gaganapin ang anniversary party nila ni Kylie.

Sa labas pa lang ay sinalubong na kami ng isa sa mga kaibigan ni Kylie. Kundi ako nagkakamali ay si Jasmine ito,Kaibigan ni Kylie sa Bataan. Halatang lasing na ito dahil gegewang gewang na.

"Uyy Rhi..Hehe nandito ka din pala." Tumatawang bati nito sabay tingin kay Glaiza. " Pinalit mo kay Kylie ?"

"Lasing ka na." Sagot ko bago hinawakan sa kamay si Glaiza ." Pasok na kami sa loob,sumunod ka na lang.

Pagpasok sa loob ay hindi ko mahagilap si Bianca,Siguro ay may ginagawa na naman silang milagro.
Nakita ko rin si Gabbi na ngayon ay palapit na sa kinaroroonan namin at parang ahas na lumingkis kay Glaiza.

"C'mon Glai.." Magiliw na aya nito kay Glaiza,aawatin ko sana kaya lang bigla naman akong kinausap ni Kelly,ang timing lang. Tsk ! At himala ! nandito sya ngayon.

"Rhian,can we talk ?" Paglingon ko kay Glaiza ay wala na sa tabi ko. Nice ! bwiset na gabbi talaga yun. Muli akong tumingin kay Kelly,Magulo ang buhok nya at hulas na ang make-up. Nakipag away ba sya ?
Tumango na lang ako. " Its been a long time.." Simula nya ng makarating kami sa may poolside.

" What is it Kelly ?" Tanong ko sa kanya dahil sa totoo lang gusto ko ng hanapin si Glaiza,baka mamaya kung san san na dinala ni Gabbi yun.

"Walang pagkakataon para makahingi ako ng tawad kay Kylie.." Sambit nya kaya parang naguluhan ako. Bakit sya hihingi ng tawad kay Kylie ? " But please,tell to Bianca how much i love her.."Nag-umpisa na syang umiyak.

"Teka,Naguguluhan ako..Paanong ?"

" Nagkaroon kami ng affair ni Bianca.." Humihikbing sambit nya. " I love her to the point na gusto ko na syang ipagdamot sa totoong nagmamay-ari sa kanya..Nag-uusap kami kanina at nakita kami ni Kylie.." So that's explain everything. Kung bakit naghiwalay dati sila Bianca at Kylie at kung bakit ganito ngayon ang itsura ni Kelly.

Magsasalita na sana ako ng makarinig kami ng putok ng baril. Naalarma ako at ang una kong naisip ay si Glaiza.
Patakbo kaming bumalik ni Kelly sa loob,at halos manlambot ako ng makita kong duguan ang damit ni Glaiza at nakaluhod sya habang nakatalikod sa akin.

" Glaiza !!!" Tili ko. Halos liparin ko na ang kinaroroonan nya. " No ! Glaiza !!!" Bakas sa mukha nya ang paghahabol ng hininga.

" Jason ! why did you do that !? wala sa usapan natin na babarilin mo si Glaiza !" Sigaw ni Gabbi kaya napalingon ako,Nakita ko si Jason na may hawak na baril at nakatutok kay Glaiza habang inaawat naman sya ni Solenn.

"Wala nga,pero gusto kong gawin." Hibang na sagot nito pagkatapos ay nagpaputok pa ng isang beses. Mabuti na lamang at natabig iyon ni Gabbi kaya sa sahig iyon tumama. " Hindi ko pa rin matanggap na pinagpalit ako ni Rhian sa isang babae !f*ck !"

" Hayop ka Jason !! Mga hayop kayo !!" Galit na sigaw ko. Akmang tatayo ako para alalayan si Glaiza dahil kanina pa sya naghahabol ng hininga ng may isang pang Nagpaputok. My jaw dropped ng makita kong may hawak na baril si Kylie at nakatutok kay Kelly. Automatic na napatingin ako kay Kelly na ngayon ay parang kandilang unti unti ng nauupos habang nakahawak sa dibdib nya.

" Oh my God ! Kelly !" Tili ko. Sh*t ano ba tong nangyayari !?

"Tumawag kayo ng ambulansya !!" Tili ni Solenn .

Aaminin kong takot ako sa dugo at halos panawan na ako ng ulirat dahil sa dami ng dugong umaagos mula sa katawan ni Glaiza.
Maya maya ay narinig na namin ang busina ng Ambulansya kasama ang ilang mobile ng Pulis. Agad dinampot ang kasangkot sa gulo pagkatapos ay isinakay naman sa ambulansya sila Glaiza at Kelly.
Sasakay na sana ako sa kotse para sumunod sa Hospital ng makarinig ako ng isa pang putok,pero this time wala na akong ibang taong makita kundi si Gabbi na parang baliw na nakangisi sakin. Ramdam ko ang pag bulwak ng dugo sa leeg ko bago ako tuluyang mawalan ng Malay.

-------*
20 YEARS LATER

ALTHEA's POV

"ang mga nasasakdal na si Gabbi Garcia at Jason Choachuy ay napatunayang nagkasala sa pagpatay kay Mrs. Rhian De Castro-Ramos at Mrs. Glaiza De Castro- Ramos,ay hinahatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo."

Napangiti ako sa naging desisyon ng korte.
20 years ago ay walang habas na binaril ang mga magulang ko. Wala akong magawa dahil limang taon pa lamang ako noon,Malakas ang kapit nila sa batas.
Kaya pinagsikapan kong makatapos ng kursong abogasya at muli kong pinabuksan ang Kaso nila para mabigyan ng hustisya ang mga magulang ko.

" Althea ! You made it !!!" Masayang sambit ni Tita Solenn. Sya ang kumupkop sa akin at hindi nagsawang patakbuhin ang negosyo ng Mama Glaiza ko,Maging si Tita Bianca ay naging ina rin sakin. " Im so Proud of you !"

" Thanks tita." Nakangiting sagot ko sabay sulyap kay Sally. " Ano Sally ? Believe ka na ba ?"

" Tsk ! Believe na sana ako kung hindi lang kita nakitang pasulyap sulyap sa abogado ng Kalaban mo." Natatawang sagot nito. " Pero congrats baby Girl,sa wakas..Matatahimik ka na--este sila tita Glaiza at Tita Rhian."

" Congrats Atty. Ramos." Napalingon ako. "Good job."

" Thank you atty. Howell." Nakangiting sagot ko pagkatapos ay nakipagshake hands ako kay Jade. I admire her dahil sa pagiging Professional nya." Gusto mo bang sumama samin ?"

" Oh no,thank you. Kakausapin ko pa yung client ko dahil siguradong aapela pa yun." Nakangiting sagot nito.

" Jade.." Pigil ko sa kanya ng paalis na sya. " I love you." She smiled at me.

" Im taken Atty. Ramos." Sagot nya bago nakakalokong tumingin sakin at umalis.

"Sabihin mo kahit taken na sya.." Bulong ni Sally.

Natawa ako.
NO LABEL RELATIONSHIP ?
No way !

The End.

A/N: Maraming Salamat sa lahat ng sumubaybay sa kwentong ito.
Pag-iisipan ko yung Book 2😂😂 Joke !

New Year na mamaya.
Magmoveon na kayo sa Rastro.Haha !
Subaybayan nyo rin sana yung susunod na gagawin ko,which is entitled as "YAK! WE'RE MARRIED !"

Happy New Year !😉🎆🎇🎉

No Label RelationshipWhere stories live. Discover now