35

1.3K 70 1
                                    

RPOV

To: Baby❤
-baby,uwi ka na.

To: Baby❤
-baby i miss you..

To: Baby❤
-uyy ? replyan mo naman ako !

To: Baby❤
-Sorry na .. Bati na tayo please ?

To: Baby❤
-luh ! kusang namatay yung ilaw.may mumu yata dito. Baby ! umuwi ka na please..😭😭

To: Baby❤
-magluluto ako ng adobo .😋😋😋

Nice ! Ayaw nya talaga akong replyan.
Bwiset kasing Bianca yun😡.
Di man lang ako na-inform na Business Partner na pala namin ngayon si Kylie.Tsk !

From:Baby❤
-siguraduhin mo lang talagang may adobo kang iluluto pag uwi ko dyan.

Automatic na nagform yung ngiti sa labi ko. Sa wakas ! nagreply din ! haha !
Mabilis akong tumayo at nagpunta sa kusina para magluto ng favorite nyang adobo.😁

"ito'y damdaming nadama at di ko pinilit..🎶🎶🎶" Pakanta-kantang sabi ko habang nagdidikdik ng bawang. "Sa katunayan nga maging sa panaginip,laging naroon ka at di maalis..🎶🎶"

Habang nagluluto ako ng adobo ay nagsalang na rin ako sa sinaing sa rice cooker para pagdating ni Glaiza ay kakain na lang.
Namiss ko rin yung loko na yun,Dalawang araw ba naman akong hindi pinansin.😒
____________...

GPOV

From: Baby❤
-baby,uwi ka na.

From: Baby❤
-baby i miss you..

From: Baby❤
-uyy ? replyan mo naman ako !

From: Baby❤
-Sorry na .. Bati na tayo please ?

From: Baby❤
-luh ! kusang namatay yung ilaw.may mumu yata dito. Baby ! umuwi ka na please..😭😭

Nakasimangot akong nakatingin sa cellphone habang binabasa yung mga text ni Rhian pagkatapos ay padabog kong inilapag kaya napalingon sakin si Solenn.

"Oh ? Sawa ka na phone mo ? akin na lang." Natatawang biro nya kaya inirapan ko sya. "arte mo. Dati binibilhan mo pa ako ng phone.."

"Dati yun,baliw pa ko nun." Sagot ko.

Lumapit sya sakin.

"Okay,ano na namang problema nyo ni Rhian ?" Seryosong tanong nya. "Ano na naman ang ginawa mo ?"

"what ? bakit ako ? sya tong may kasalanan sakin." Iritang sagot ko. "Di man lang nya sinabi na business partner pala nya yung ex nyang mukhang dragon,Akala mo kagandahan wala namang binatbat."

"Haha😂 Di rin ako nainform na ganyan ka pa lang magselos." Tumatawang biro nya. "Di naman pala kagandahan pero bakit mo pinagseselosan ?"

"Dahil nakakainis yung pagmumukha nya ! Kahit gaano pa kapangit yung ex ni rhian na yun nagseselos pa rin ako." sigaw ko. I paused a moment.

"why?"

"Dahil unang naging sa kanya si Rhian..Una syang minahal ni Rhian..Una syang---

"Pero nasayo na si rhian. Ikaw ang pakakasalan nya.Di ba nga dapat magpasalamat ka sa ex ni Rhian ? Kung hindi sila naghiwalay,sa tingin mo magiging kayo ni Rhian ? Una ka din naman naging akin di ba ? nagreklamo ba si Rhian ? She loves you Glai..Love is beyond trust..Magtiwala ka sa kanya." Paliwanag ni Solenn kaya napabuntong hininga ako.

From: Baby❤
-magluluto ako ng adobo .😋😋😋

Adobo😍😍😍
Napahawak ako sa sikmura ko.
6:29 pm na at nagugutom na rin ako.
Okay,para sa adobo makikipagbati na ako.😀

No Label RelationshipWhere stories live. Discover now