48

1.3K 81 9
                                    

GPOV

"baby,what do you think ? hindi ba masyadong masagwa tong suot ko ?" Tanong ni Rhian habang paikot-ikot sa harap ng salamin. Gusto kong matawa. Paano naman naging masagwa ang V neck cap Sleeve Blue cotton wrap dress ?

" Rhian,Hindi masagwa okay ? Ang ganda mo nga eh..Teka wag na kaya tayo pumunta sa Party ? Baka magkagusto sayo yung kapitbahay natin." Naglalambing na sagot ko sabay yakap sa kanya mula sa likuran. Humarap naman sya sakin at ipinatong sa balikat ko yung dalawang kamay nya.

"Mas mukhang magugustuhan ka ng kapitbahay natin Baby.." Seductive na bulong nya. Sa ilang taon ng pagsasama namin ay hindi pa rin ako nagsasawa sa boses nya. Gustong gusto ko pa rin yung pagiging simpleng manyak nya. I was about to press my lips on her lips ng bigla nyang iharang yung daliri nya. " Mabubura ang lipstick natin."

"But baby---" Angal ko dahil gusto ko talaga syang ikiss ngayon.

"Shhh..Ang landi mo. Umayos ka nga." Saway nya sakin. Muli ko syang hinapit at walang alinlangang hinalikan,Bahala sya Basta ako gusto ko syang halikan ngayon at walang makakapigil sakin.😂 "Uhmmp.." she moaned. Napangisi ako.Aayaw ayaw pa,gusto din naman.

"Baka po nakakalimutan nyo na may bata kayong kasama dito sa bahay .." Pukaw sa amin ni Althea na ngayon ay bored na nakasandal sa pintuan ng kwarto. " Male-late na po tayo."

"aaww .. Sorry baby.." Sambit ni Rhian Habang pinupunasan yung kumalat na lipstick nya kaya ganon na din yung ginawa ko. " okay na ba yung gift mo kay Jade ?" Dugtong ni Rhian.

"Kapag po binigay ko sa kanya yung gift ko,mamamatay po ako." Makahulugang sagot ni Althea pagkatapos ay iniwan na kami ni Rhian. Nagkatinginan tuloy kami.

"Yang anak natin,manang mana sa pagiging makata mo. Masyadong malalim." Sabi ko kay Rhian kaya inirapan nya ako.

Sabay Sabay kaming lumabas ng bahay.
Syempre hindi na kami sasakay ng kotse dahil kapitbahay lang naman namin yung pupuntahan namin.
Sa Labas pa lang ay matatanaw mo na yung karangyaan ng bahay. Mataas ang gate na kulay ginto at may security guard pa sa labas.

Agad naman kaming pinapasok nito ng iabot namin yung invitation card.
Pagpasok namin sa loob ay halos mapanganga ako. Kung gaano kagarbo ang labas,triple ang garbo nito sa loob.
Marami ng tao sa loob na pawang may sinabi sa buhay base na rin sa mga suot.

"Althea !" Tawag ng isang bata. Marahil ay isa sa mga kaklase ni Althea. " You came ! Akala ko hindi ka pupunta,kanina pa ako naoop sa loob eh." Masiglang sabi nito kaya napakamot sa noo Yung anak namin. "hi po." Bati nito sa amin kaya nagsmile kami ni Rhian.

"Batch,nakita mo ba si Jade ?" Tanong ni Althea. Inakbayan naman sya nung tinawag nyang Batch pagkatapos ay may ibinulong kay althea." What !? No way !" Iritang sabi ni Althea. "c'mon !!" Sambit ulit ni Althea bago nagmamadaling nagpaalam at tumakbo palayo.

"Baby ! mag iingat kayo !" Habol na bilin ko sabay tingin kay Rhian. " Baby,ayoko syang maging kagaya natin..ayoko syang husgahan ng ibang tao."

Rhian held my hand and gently squeezed it.

"Kahit maging ano pa sya,Dapat natin syang tanggapin dahil anak natin sya." Nakangiti nyang sagot. " Wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao dahil mas importante ang nararamdaman ng anak natin."

"yeah right..im sorry." Alanganin akong ngumiti bago sya alalayan papunta sa parents nung bday celebrant.

"you came ! thank you so much Mrs.& Mrs. Ramos." Magiliw na bati sa amin ni Mrs. Howell . " By the way,Im Angel Locsin..and this gorgeous beside me is my wife..Anne Howell." Nakangiti nyang pakilala. Nagsmile naman sa amin yung babaeng katabi nya pagkatapos ay bumeso.

"You mean...

"yes,we're Lesbians." Putol ni Anne sabay tawa ng mahina. "Jade,come here !" Tawag nito sa batang nakatayo sa di kalayuan habang may kinakausap na isa pang bata.

"why mom?" Tanong nito ng makalapit.

"Say hi to them. This is Tita Rhian and Tita Glaiza." Pakilala sa amin ni Anne.

"hi." Tipid na bati nito bago muling tumakbo papunta sa kausap nya.

"I think,nakita na naman nya yung crush nya na may kasamang iba kaya sya nagkakaganyan." Natatawang sabat ni Angel. " Ibang iba ang mga kabataan ngayon."

" sinabi mo pa.Yung anak nga namin ang lalim magsalita." Natatawang gatong ni Rhian.

"Miss Garcia ! Its nice to see you again." Nakangiting bati ni Anne sa kung sino. Sabay kaming napalingon ni Rhian sa binati ni Mrs.Howell,and my jaw dropped ng makita ko si Gabbi. She was wearing a black V-neck  sleeveless dress. "Nakipagbeso sya kay Angel at Anne habang hindi inaalis ang tingin sakin.

"Yeah,its nice to be here." Nakangiting sagot ni Gabbi. " hi Rhian." Bati nya sa asawa ko bago tumingin sakin. " Hi Glaiza,its been a long time."

"I--ahm..uh" Nauutal na sagot ko. "yeah..its been a long time." Sabay hawak ko sa kamay ni Rhian,Dahilan para makita ang suot naming wedding ring.Napatingin naman doon si Gabbi.

"So How are you Glaiza ?" Mapait na tanong nya. " Kamusta kayo ?"

"we're good,not until you came." Sabat ni Rhian. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.

"hey guys,maiwan muna namin kayo." Paalam ni Angel sabay hapit sa asawa nya. " Enjoy 😊 " Dugtong ni Anne.

"Rhian..." Saway ko sa asawa ko dahil alam kong anytime soon ay sasabog sya.

"Di ka pa rin ba nakakamoveon sa nangyari ?" Natatawang tanong ni Gabbi.

"Gabbi !" Mariing saway ko. Tama bang ungkatin yun ?

"Move On ? di ba dapat tinatanong mo yan sa sarili mo ?" Ganting sagot ni Rhian. "Magmove On kana sa asawa ko. I told you 5 years ago..Layuan mo ang asawa ko !"

"Hey.. Chill,masyado kang mainit." Hands up na sagot ni Gabbi. " Glaiza,can we talk ? I miss you so much.." What the hell ? Balak ba talaga nyang asarin si Rhian ? Bahala sya kapag sinapak na naman sya nyan.😒

" Let's talk here..Sa harap ng asawa ko." Seryosong sagot ko. " Ano ba pag-uusapan natin ?"

"about---

"Mommy !!!" Tawag ni Althea kaya naputol yung sasabihin ni Gabbi. " Kanina ko pa kayo hinahanap ni mama.." Agad ko naman syang kinarga at hinalikan.

" Sorry baby,Kinausap lang namin yung mommy ni Jade." Sagot naman ni Rhian kaya namilog yung mga mata ng anak namin.

"Really !?" Excited na tanong nito.

"yes baby,tanggap ka na nila bilang Daughter in law." Natatawang bulong ko sabay halik sa pisngi nya. "we'll go ahead,Have a nice day. " Paalam ko kay Gabbi bago hapitin palapit sakin si Rhian at gawaran ng halik sa labi na hindi nakaligtas sa mga mata ni Gabbi. "i love you so much baby,Ikaw lang."

She smiled and nod.

"i love you too.." Masuyong sagot nya.

TO BE CONTINUED..

No Label RelationshipWhere stories live. Discover now