1

5.5K 108 5
                                    

RPOV

Naranasan nyo na ba yung klase ng pagmamahal na hindi nyo plinano?
yung uri ng pagmamahal na sobrang mali para sa iba pero wala kang magawa kundi sundin yung dikta ng puso mo ?
Yung kahit alam mong masasaktan ka, Go ka Pa rin ?
Yung kahit alam mong Dalawa kayo sa buhay nya, Wala kang pakialam.

Yes, I fall in love with a wrong person---sa taong taken na.

Kung alam ko lang na mawawala rin pala sya sakin, sana araw Araw ko na lang sinabi kung gaano ko sya kamahal.

o Sana Hindi ko hinayaan na pang NO LABEL lang ako.

Paano nga ba nag-umpisa ang lahat ?
Paano nga ba ako napasok sa sitwasyong hindi ko alam kung paano ko lalabasan ?

I am Rhian Ramos.
Certified Bi-Playgirl at madalang pa sa patak ng ulan kung magseryoso.
Im a writer anyway.
Humahawak ako ng Page at Group sa Fb para sa mga reader na walang panahon magbasa sa wattpad.
Oo kahit ganito ako, marunong akong humawak ng tao 😊.

"naks !  kita ko mga comment sa Page mo ah. Artista ka na ? " Natatawang sabi ng kaibigan ko habang may papalo palo pa sa balikat ko na anumang oras may matatanggal na 😂.

"sshhh .. wag ka nga maingay. busy ako. dun ka. "Taboy ko sa kanya dahil busy naman talaga ako.. Sa chix 😂.

"update mo daw tong isa oh.i-tag mo daw sya "Balewalang sabi nya sabay pakita sakin ng phone nya. "Zero Glaiza? "

"wala akong time. Kung gusto nyang magbasa,Maghintay sya ng update. " Sagot ko at hindi man lang pinansin yung phone nya.

"snob ka na ngayon hah.. " Biro ng kaibigan ko. "ano ba naman yung i-tag mo sya ?  mahirap ba yun? "

"Bianca, sa dami ng nagpapa-tag sakin .. imposibleng mapagbigyan ko sila lahat tsaka hindi ko naman kilala yan. " Nakairap na sagot ko.

"ganon ?  kapag chix kilala mo, tapos kapag hindi .. hindi mo na kilala ?  ang sama mo bestie. " Natatawang sagot ni Bianca bago bawiin yung phone nya. "Maganda naman sya, kaya lang di ko makita lahat ng picture nya. Nakaprivate yata yung acc. "

Hindi ako umimik at piniling wag na lang pansinin yung mga sinasabi nya dahil abala ako sa pagsagot at pag-eedit sa mga confessions sa Fb Page ko.
Nakakatuwang isipin na naaappreciate nila yung mga gawa ko, di katulad nung ex kong maganda nga, wala naman alam sa mga ginagawa ko. 😒

1 message request

Napataas ang kilay ko.
Zero Glaiza?

"Sino na nga yung nagpapa-tag ? " Tanong ko kay Bianca na ngayon ay abala sa pag-i-stalk sa kung sino man.

"Sino ?  alin ba dito ? ang dami nito eh. " Sagot nya sabay tingin sakin.

"yung huli mong sinabi. "

"ahh si Zero Glaiza? wag mo na pansinin, wala ka naman time di ba ? " Nakairap na sagot nya sabay kuha ng chips na kinakain ko.

"Nag message sya. "Walang emosyong sagot ko kaya napatingin sya sakin. "And she's asking kung kailan ako mag-a-update. haha" patuloy ko habang nagttype ng isasagot ko.

Siguro bukas or mamaya . 😊

Ang landi ko sh*t !
Kailan pa ako natutong sumagot sa mga chat ng taong di ko naman kilala ?
Di ko sya ma-stalk. kainis !
Pero ang cute ng smile nya 😁.

"laki ng ngiti mo ah ? " Sita ni Bianca sa pananahimik ko. Ang epal nya. 😒

Di ako umimik at patuloy lang ako sa pakikipagpalitan ng msg. kay Glaiza.
Oo kilala ko na sya, Glaiza yung nakalagay sa username nya eh😁.

Pwede makuha # mo ?

Ang kapal ko di ba ?
bakit ba ?  haha !
Naaattract ako sa smile nya eh.
And luckily binigay naman nya 😊.

Di ko alam kung bakit napapasunod mo ako sa gusto mo. -reply nya.

may girlfriend ka ?

Sana naman wala.
may kakaiba akong nararamdaman eh.
Parang love at first chat. 😂
Basta, may something sa kanya na gusto ko o gusto kong mapasakin.
But to my dismay, she's taken kaya parang nawalan ako ng gana. 😒

"anyare ? basted ka ? " Pang aasar ni Bianca kaya napasimangot ako. "hala !  basted ka nga ?  first time yun ah. haha! hanap ka na lang ng iba, di naman yata maganda yan. "

"sipain kaya kita ? di ko naman sya nililigawan ah. like duh, kakakilala ko lang sa kanya. at wala akong pakialam kung hindi sya maganda.. " Nakasimangot na sagot ko.

Muli kong hinarap yung phone ko.
Parang magnet naman tong babaeng to 😒.
Ah basta !  Gusto ko sya !

"nga pala, nagkakausap pa ba kayo ni kendall ? " Tanong ng magaling kong kaibigan out of nowhere 😒.

"hindi, tsaka taken na yun. Wag ng guluhin, nananahimik na yung tao eh. " Sagot ko.

"parang yang tinitignan mo, taken na yan kaya wag mo ng gulihin.. nananahimik na eh. " Natatawang sabi nya kaya pinanlakihan ko sya ng mata. Pasaway 😬. "Punta tayong plaza, may palabas yata. "

"ayoko, ikaw na lang. Magsusulat ako dahil naghihintay to ng update. " tukoy ko kay Glaiza na hanggang ngayon ay ka-chat ko pa😁.

"try mong kainin yung makahiya. " mataray na sabi ni Bianca kaya napatingin ako sa kanya.

"what do you mean ? "

"para magkaroon ka ng hiya. Taken na yan hoy, wag mo ng landiin. "

"di ko sya nilalandi, seryoso ako. i want her. " Seryosong sagot ko.

"wanting her is different from loving her. Gusto mo kasi nachachallenge ka.. syempre first time mong makaencounter ng taong aamin na taken na sila at hindi nagpapadala sa mga flowery words mo like ibibigay ko sayo ang mundo.. ang corny mo dun bestie 😂😂"

"baliw !  kanino ko sinabi yun ?  haha! i want her .. baka sa paglipas ng araw .. mahal ko na to. She's different, alam mo bang sya lang ang naglakas loob na i-pm ako at tanungin ako about sa mga sinusulat ko. " Nakangiting sabi ko habang nagttype. "big points sakin yun. "

"susss !  baka naman sa umpisa lang . tsaka sino naman maglalakas loob na ichat ka eh ang sungit sungit mo !  kulang na lang magbuga ka ng apoy lalo na pag kinukulit ka, tsaka wag ka ngang mag invest ng oras dyan. "

Sige pero massage mo muna ako 😉. -reply ko kay Glaiza dahil gusto nya na mag update na ako. haha

Haha sige, paano ba ?-lalo akong napangiti sa sagot nga at kulang na lang ay mapunit na yung bibig ko.

"nababaliw ka na. walang poreber hoy ! " Asar na sabi ni Bianca dahil di ko sya pinapansin.

I easily got attracted pero hindi ako ganon kabilis mahulog sa isang tao. aabutin ng maraming bwan bago ako mahulog.. pero kay Glaiza ?
Hindi ko alam pero the time na nagreply ako, feeling ko matagal na akong nahulog eh. May kakaiba sa kanya na humihila sa akin para lalo syang hangarin.

We'll meet soon Zero Glaiza.

TO BE CONTINUED..

No Label RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon