𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑁𝑖𝑛𝑒

9.8K 342 3
                                    

Habang nag aayos ako ng damit. Hindi ko maiwasang maiyak...siguro nga nalilito lang ako. Hindi niya talaga ko gusto dahil ginagawa niya lang 'yon para sa kapatid niya.

"Tapos ka na?" Silip niya sa kwarto kaya nag punas agad ako ng luha. Tumalikod ako sakanya at marahan lang na tumango. Lumapit naman siya sakin habang tinatanong kung 'yun na ba lahat ng gamit ko, tumango lang ako.

"Tara na?" Hawak niya sa kamay ko kaya nag kagat labi na lang ako para mapigilan yung pag iyak. Tinignan ko siya sa mga mata niya, parang wala lang sakanya yung mga sinabi ko. Maaliwalas yung mukha niya habang nakangiti ngayon sakin.

"Bakit ba umiiyak ka?" Yuko niya pa habang pinag papantay yung mga mukha namin. Pinunasan niya yung luha ko at muling ngumiti. Parang ayoko nang bumalik si Migs, mas gusto ko si Josh sa tabi ko.

"Para hindi kana umiyak. Isipin mo nalang na hindi mo ko nakilala.*paghinto niya habang umaatras at umaayos ng tayo* Si Migs lang 'to." Pag mamayabang niya pa kunyari.

Napayuko na ako sa pinapakita niya ngayon sakin. "Pano ko 'yon gagawin kung si Josh na talaga ang gusto ko...." Talikod ko pa sakanya pero hinatak niya lang ako at biglang hinalikan. Ang lakas ng tibok nito. Bakit niya 'to ginagawa sakin? Nahihirapan na ko tapos lalo niya pa kong pinahihirapan.

"Bakit mo 'yon ginawa?" Pag atras ko sakanya habang di makapaniwala. Pumapatak na naman tuloy yung luha ko habang nakatitig sakanya. Nag buntong hininga naman siya at biglang nag seryoso. Nag pamewang pa siya bago humarap ulit sakin.

"Gustong gusto talaga kita dati pa..." Mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko. Para siyang sumigaw sa puso ko at napatigil naman 'to.

"Bilang si Josh?" Bulong ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Oo...bilang si Josh..." Pikit niya pa habang dahan dahang dumidilat. "Alam mong mali 'to diba? Mahal ka ng kapatid ko." Biglang bawi niya kaya napatulala din ako.

Nanahimik kaming dalawa at nag pakiramdaman. Pero gustong gusto ko si Josh...

"Sasabihin ko kay Migs." Lakas loob kong pag basag ng katahimikan sa pagitan namin.

"Ano sasabihin mo? Na 'Hey Migs, break na tayo kasi nag kaaminan na kami ni Josh.' ganun ba?" Sarcastic niyang balik sakin kaya napakunot ako ng nuo.

MIGS POV

Anong nangyayari? "Hinalikan niya ba yung girlfriend ko?" Di makapaniwalang bulong ko habang napapaatras. Gugulatin ko sana si Josh pero mas nagulat ako sa nangyari.

Nung sinabi kong mag panggap siya bilang ako. Ibig sabihin non pinag kakatiwalaan ko siya. Pero bakit niya 'to ginawa sakin? Girlfriend stealer...

"Migs? Nandito ka na." Parang gulat niya pang salubong sakin nang abutan niya ko sa bahay.

"Parang hindi ka masaya?" Inis kong tayo. Napatingin naman ako kila Mama kaya mas minabuti ko ng tumigil.

"Migs pwede bang mag usap tayo saglit?" Pangunguna niya pa. Bakit? Ang tapang naman ng hiya niya kung aamin na siya agad sakin.

"Yan nga din ang gusto ko." Pokerface kong sabi sakanya habang padabog na lumalabas ng bahay.

JOSH POV

"Mag kaaway ba kayo?" Nag aalalang tanong ni Mama kaya naman nag peke ako ng ngiti at umiling na lang sakanya.

Alam niya na kaya?

Sumunod lang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa playground. Nagulat ako ng bigla niya kong suntukin. Napasaldak nalang ako habang tinitignan siya.

Alam niya na nga.

"Kuya! I trust you!" Galit niyang sigaw habang dinuduro pa ko.

"Migs...let me explain." Pag tayo ko pero sinuntok niya lang ulit ako.

"Hindi mo kailangan mag explain! Babawiin ko na si Rachel..." Sigaw niya na nag papikit sakin sa kunsumi. Oo, tama siya. Inagaw ko sa kapatid ko yung babaeng mahal niya at napakawalang kwenta kong kapatid. Pero mahal ko si Rachel at mahal niya ko.

"Pinag katiwala ko siya sayo." Nang gagalaiti niya paring sabi sa harapan ko.

"Sige, lalayuan ko si Rachel pero–sabihin mo muna sa harapan ko ngayon...na kaya mo siyang tanggapin kahit mahirap lang siya."

"Kuya...sinisiraan mo ba siya sakin? Ganyan ka na ba ngayon?"

"Kita mo? Hindi mo siya gusto. Pero ako tanggap ko kung ano siya..." Matapang kong pag tayo ulit sa harapan niya. Nakipag titigan lang siya sakin habang nakakuyom parin ang mga kamao.

Alam kong di na ko nag iisip sa mga oras na 'to. Ni hindi ko na nga rin nararamdaman yung sakit ng mga suntok niya sakin. Napahawak nalang ako sa labi ko at may dugo...pero gusto ko pa ding ipag laban si Rachel.

"Ganyan ka na ba kadeterminadong maagaw siya sakin?" Pang huhusga niya pero "Yun ang totoo. Kahit anong sabihin o isipin mo sakin." Pag mamatapang ko.

"Alam mo bang napakasama mong kapatid? Sarili mong kapatid ginaganito mo."

"Kung ganyan na din ang tingin mo sakin. Gusto kong malaman mo na nag sisi din ako. Kasi ilang beses na kong tumatanggi sayo dati pero pinilit mo pa din akong mag panggap! Kasalanan ko ba kung magustuhan ko siya?! Tao din ako Migs! Lalaki din ako!" Tuloy tuloy kong sigaw pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Umiling siya habang nilalampasan ako.

Nakakainis!

MIGS POV

Tumatak sa isip ko lahat ng sinabi niya pero hindi niya parin maaalis yung panloloko niyang ginawa.

"Bakit mo hinahanap dito si Rachel? Diba ikaw nga nag palipat sakanya sa bahay mo?" Mataray na sagot sakin nung isa niyang kadorm mate kaya napataas ako ng kilay.

"Kailan pa?"

"Heller? Dati pa!" Sagot niya habang tumatalikod na. "Ang pogi nga may sinto sinto naman yata." Dagdag niya pang bulong.

Napatalikod nalang ako habang nakatulala. Matagal na silang nag sasama? Nang di ko manlang nalalaman?

Napapangiti nalang ako habang iniisip yung maling desisyong ginawa ko. Dali dali akong pumunta sa condo niya at napaawang nalang ng labi nang bumungad sakin si Rachel. Nakapambahay siya ng damit at nakangiti pang sumasalubong sakin.

"Josh? Bakit ganyan ka makatingin? May problema ba?" Tanong niya. Josh? Alam niya na talagang hindi ako ang kasama niya. Nakakatawa. Pumayag siyang tumira kasama si Josh habang ako–walang kaalam alam. Ibang klase silang dalawa...

"Wala namiss lang kita." Pag papanggap ko habang yumayakap. Yumakap din siya at halatang halatang gusto niya yung kapatid ko.

"Migs..." Rinig kong tawag sakin ni Kuya kaya napatigil ako. Umalis agad ng pag kakayakap sakin si Rachel at parang nalilito saming dalawa.

RACHEL POV

Ngayon lang ako niyakap nang mahigpit ni Josh. Nag aalala na talaga ko sakanya.

"Migs..." Migs? Nagulat ako ng marinig ko si Josh. Si Josh? Napaalis agad ako ng pag kakayakap sakanya at napatingin sa nag salita.

"Migs?" Gulat kong titig sa nag salita. Lumapit naman sakin si Josh na nasa tabi ko kaya hinawakan ko agad nang mahigpit yung kamay niya.

"Ako si Josh." Pakilala niya kaya napatingin pa ulit ako sa nasa tabi ko at bumalik ulit ng tingin sakanya. Parang sasabog na yung utak ko sa sobrang mag kamukha sila.

"Migs? Ano ba yang sinasabi mo?" Sabi nung isa sa tabi ko.

Sino ba sakanila si Migs? At sino naman si Josh?

Natataranta na ko at nakukunsumi habang nakatingin sakanila. Bakit kasi parehas silang naka trutle neck?! Malamig ba?!

My Brother's GirlfriendWhere stories live. Discover now