𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝐸𝑖𝑔ℎ𝑡

10.2K 338 9
                                    

RACHEL POV

"Dito nalang kami uupo? Ayos lang ba?" Paalam ni Carl kaya tumango na lang ako. Pero hindi parin maalis yung tingin ko kay Josh. Kanina pa siya parang balisa at tingin ng tingin kay Charity.

Tumayo pa siya ngayon at pinaupo si Charity sa tabi niya. Anong nangyayari? Type niya ba 'yon?! Hindi 'to pwede.

"Balita ko five years na daw kayo ni Migs. Grabe parang kasalanan na ah." Biro pa sakin ni Carl habang nauupo. Ngumiti lang ako habang umuusog din ng upo. Katapat ko ngayon si Charity at nakakainsecure. Maiksi ang buhok niya, maputi at maayos manamit. Nasakanya na lahat ng katangian na gusto ni Josh sa isang babae.

Nag bibidahan lang sila habang ako nakikinig lang. Nag iinit yung ulo ko kapag marahan niyang pinapalo si Josh sa balikat. Tapos minsan nag aapir pa silang dalawa.

"Alam mo bang sinet ko sila ng blind date?" Bulong ni Carl sakin habang binibiro pa si Josh at Charity. "Blind date?" Halos iwan ako ng kaluluwa ko nang marinig 'yon. Tumingin agad ako kay Josh pero umiwas lang siya ng tingin sakin.

"Oo! Diba bagay sila?" Turo pa sakanila ni Carl. Napahigop na lang ako ng shake sa tabi ko at di na nakapag salita. Nakakainis parang kinikilig pa si Charity. Edi kayo na! May Migs naman ako. Leche...

Pag kayari naming kumain nag aya pa silang lumabas. Ayoko na talaga kasi hindi na ko natutuwa sa nakikita ko. Dala dala niya yung bag nung Charity na 'yon habang nakakapit pa siya sa braso ni Josh. Nakakainis diba? Samantalang mas mabigat nga yung bag ko kasi may pintura sa loob.

"Buti hindi mo napag papalit si Josh saka Migs? Kasi ako dati nalito ko sakanila. Alam mo bang nunal lang ang pinag kaiba nila?" Kwento pa sakin ni Carl kaya medyo naging interesado ko.

"Panong nunal?" Maagap kong tanong habang humaharap pa sakanya.

"Kita mo si Josh? Tignan mo yung leeg niya. May nunal siya dito..." Mostra niya pa kaya napatingin ako kay Josh. Ang landi ah! Pero may nunal nga siya sa leeg.

"Si Migs walang nunal. Yun lang ang pala tandaan ko sakanila eh." Dagdag niya pa kaya napatango tango na lang ako.

Pag katapos niya 'yon ikwento. Hindi ko pinansin si Josh ng buong araw. Mag isa kong nag pintura at pag lumalapit siya, lumalayo agad ako. Kasi naman napag kalandi niya kanina.

Pero kahit pa ganon, di ako mapakali din at binuklat ko lahat ng picture naming dalawa ni Migs nung mga nakaraang taon. Gusto kong makita kung kailan ko nakasama si Josh at kung kailan si Migs. Pinag hiwahiwalay ko pa yung mga picture ni Josh at Migs para hindi ako malito pero napatigil din ako agad.

Hindi ko alam kung disappointed ba ko o natural lang na ganito yung mga reaction ko. Sa limang taon namin ni Migs, iilan lang yung litrato naming mag kasama. Kinuskos ko pa nga ng darili ko yung ibang picture baka dumi lang yung nasa leeg diba? Pero hindi. Mas madami kaming picture ni Josh na mag kasama. Apat na birthday ko, tatlong anniversary namin at madaming pictures ng pag labas namin. Si Josh ang lagi kong kasama...

"Nag luto ako. Kung ano man yung minumuryot mo. Wag mong idamay yung pag kain ah." Aya niya sakin sa labas ng pintuan kaya mabilis kong tinago yung photo albums ko.

Lumabas ako kahit ang bigat bigat ng dibdib ko. Ngayon ko lang naramdaman na sobra nila kong niloko. Nung una okay lang sakin kasi niloko ko din naman si Migs. Iniba ko yung sarili ko para magustuhan niya lang pero ngayon–parang ang bigat ng pakiramdam ko.

"Bakit ba ganyan yung itsura mo? May sinabi ba sayo kanina si Carl? Wag mong papansinin 'yon. Siraulo lang talaga 'yon." Tawa niya pa habang nag hahain sa lamesa.

Napatitig lang ako sakanya at napaisip. Ginagawa niya lang ba 'yon para sa kapatid niya?

"Kumain ka na." Ngiti niya ulit at naupo na sa tapat ko. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako sa isasagot niya.

Hindi ko na yata kaya 'to. Tumayo na lang ako at tumalikod sakanya pero bigla niyang hinala yung isang braso ko na ikinahinto ko. Lumingon ako sakanya at seryoso na din siya.

"Bakit ba? May problema ka ba?" Pag lapit niya pa sakin habang nakatitig.

"Nag selos ka ba kay Charity?" Biro niya pero naiinis ako. Parang gusto nang sumabog nitong nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw sa harap niya at matapang na itanong kung ano ba yung nararamdaman niya.

"So nag selos ka nga?" Usisa niya pa lalo sa mukha ko. Hinawakan niya ko sa baba kaya hinawi ko agad yung kamay niya. "Napapano ka ba?"

"Bakit ako mag seselos? Hindi naman kita boyfriend. Si Migs ang boyfriend ko at wala siya dito." Inis kong irap sakanya habang tinatanggal yung kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Rachel? Ano bang nangyayari sayo? Kanina okay naman tayo." Habol niya pa kaya hinarap ko siya. "Oo kanina okay tayo. Parang dati lang diba?? Okay tayo tapos bigla mo nalang akong hindi pinansin."

"Galit ka."

"Halata ba?" Talikod ko na sa kanya pero hinila niya ulit ako.

"Sige, tutal naman makulit ka." Pag hinahon ko. Humarap ako ng diretsiyo sakanya at muling nakipag titigan.

"Ano ba 'yon?" Malumanay niya naman tanong kaya nag kalakas ako ng loob.

"Gusto mo ba ko?" Seryoso kong tanong na nag pahinto sakanya. Binitawan niya yung braso ko habang nakatitig lang sakin.

"Bakit ganyan yung tanong mo? Pano naman kitang magugustuhan? Girlfriend ka ng kapatid ko." Tawa niya pa na halata namang peke.

"Josh, mas madalas kitang kasama kesa kay Migs. Ibig sabihin lahat ng 'yon pag papanggap lang? Walang halong emosyon? Kahit konti lang?"

"Rachel alam mo..." "Wala o meron lang ang gusto kong marinig." Pag mamadiin kong pag papahinto sakanya.

"Kahit konti lang." Pag ulit ko pa na parang nag mamakaawa yung tono ko.

"Bakit? Gusto mo ba ko?" "OO!" Mabilis kong sigaw sakanya kaya napatigil kaming pareho. Umalis siya ng tingin sakin at hindi na nag salita.

"Alam kong mali 'tong nararamdaman ko. Pero habang tumatagal hindi ko na kayang pigilan..." "Rachel please wag kang mag padalos dalos. Nasasabi mo lang yan kasi mag kamukha kami."

"Oo pero alam ko na ang lahat. Ikaw ang mas gusto ko!" Pag pupumilit ko pa pero tinalikuran niya lang ako. "Uuwi na si Migs. Kaya itago mo na lang yan."

"Uuwi na siya?" Natigilan kong tanong. Sinulyapan niya lang ako at tumango.

"So makikita ko na pala yung boyfriend ko?" Mapait kong tawa habang tumatalikod din sakanya. "Kung ganun. Babalik na ko sa dorm...ayokong iba ang isipin niya." Lakas loob kong bulong.

My Brother's GirlfriendWhere stories live. Discover now