𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑣𝑒𝑛

10K 349 5
                                    

"Grabe! Nakakatuwa diba?" Masayang masayang lapit samin ni Layla habang bitter sakanya ang lahat. Syempre pwera lang ako, wala akong pakialam sa mga lalaki dito.

"Teka lang Sis! Baka naaapakan ko na yung buhok mo!" Plastic na pag kakasabi ni Willy kaya natawa kaming lahat.

"Ang ganda ko diba?!" Malandi niya pang sigaw kaya napailing na lang ako.

"Bakla! Ang gwapo nung tinapatan ng spot light!" Sigaw ni Nathalie habang nakaturo sa itaas. Napatingin din ako dahil sa lakas nang hiyawan nilang lahat. Kala mo naman sila nakakita ng artista....si JOSH 'yon ah!

Bwisit na spot light yan parang gustong mabasag ah. Tinignan ko yung tao sa likod ng spot light at tinignan siya ng masama. Bumalik naman ulit ako ng tingin kay Josh at umiiling lang siya habang pinipilit ng iba pa niyang kabarkada.

Inabot sakanya ang isang basong vodka at kapirasong lemon. Napakalakas ng hiyawan nilang lahat napakasakit sa tenga. Subukan mong humalik ng babae dito...uunahan talaga kitang umuwi mamaya at sa labas ka matutulog.

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang tinititigan lang siyang seryosong nag lalakad mula sa itaas. Sinundan ko siya ng tingin at para bang unti unting nawala yung ingay ng paligid. Napatingin ako sa lahat, nag hihiyawan padin sila pero hindi ko sila marinig. Nakakadalawang bote pa lang naman ako?

Bumalik ako ng tingin kay Josh at papalapit siya sa pwesto namin. Parang nag slow motion na naman yung paligid habang napapatingin ako kay Layla na todo din ang kilig. Bumalik ako ng tingin kay Josh at napatayo nang lampasan niya na naman si Layla habang humihinto sa harapan ko.

"Bakit siya?" Rinig ko pang bulungan nila. Pero nakatitig lang ako sa seryoso niyang mata. Hindi ako makahinga sa nangyayari. Totoo ba 'to? Ako yung nilapitan niya...

Inabot niya sakin yung vodka kaya nagulat ako. Minostrahan niya kong inumin 'yon kaya napatingin ako sakanya. "Hindi ako umiinom ng vodka." Bulong ko pa pero hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sakin ng nakakalusaw kaya naman ininom ko nalang 'yon agad at napatigil ang mundo ko nang halikan niya ko habang hinihigop yung vodka sa bibig ko. Umalis siya ng pag kakahalik at marahan pang ngumisi bago ko talikuran.

Hindi ako nakagalaw. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko parang sasabog na.

"AAHHH!! Nakakaloka ka!" Sigaw nila Nathalie sakin habang niyuyugyog pa ko sa sobrang kilig.

"Namumula ka beshy!" Palo pa ni Willy pero sinundan ko lang siya ng tingin habang papaakyat na ulit. Ni hindi niya manlang kinain yung lemon na bitbit niya. Ang gwapo niya habang nag lalakad palayo.

Buong gabi hanggang mag madaling araw, nakatulala lang ako. Playback nang playback sa utak ko yung nangyari.

"Hi?" Lapit sakin ng isang lalaki, napabalik tuloy ako sa ulirat at tinignan siya. Ang gwapo niya sa suot niyang black jacket at pantalon. Para siyang action star. Natawa tuloy ako.

"Ricky." Lahad niya ng kamay sakin pero bago ko pa 'yon mahawakan may humawak ng ibang kamay. "Josh." Pag papakilala niya pa kaya napatulala na naman ako.

"Boyfriend mo?" Turo niya pa kaya napatingin ulit ako kay Josh na nakatingin ng masama. Marahan akong tumango na lang dahil sa kinikilos niya.

"Sorry, kala ko single siya." Ngiti lang ni Ricky at umalis na. Umupo naman si Josh sa tabi ko na lalong nag pabilis ng tibok ng puso ko. Pinag titinginan kami nila Willy at lalo pa nila kong niloko nang ilagay ni Josh sakin yung jacket na suot niya.

"Wala ka pa bang balak umuwi?" Taas kilay niyang tanong kaya nag paalam na ko sakanila. Inalalayan niya ko palabas at pinag buksan ng pinto. Seryoso padin yung mukha niya at hindi na naman namamansin.

"Josh? Bakit ba parang galit na galit ka sakin?" Pag tigil ko sa likuran ng pintuan habang pinag mamasdan siyang papasok na ng sala.

"Hindi ako galit." Mahinang sagot niya at nag lakad na din papuntang kwarto niya. Nakakainis siya. Hindi daw galit pero hindi naman namamansin.

Gagawa talaga ko ng paraan para bumalik kami sa dati. Humanda ka Josh! Ngayon palang mag sisimula ang totoong laban. Ibabalik kita sa dati~~

Kinabukasan, actually hindi na ko natulog. Nilagyan ko na ng lock yung pintuan at tinago yung susi sakin. "Hindi na siya ngayon makakalabas ng hindi tinitikman yung luto ko." Nangingiti kong bulong habang nakatitig sa lock.

Bumalik ako sa kusina at nag hain nang nag hain. Maya maya pa lumabas na din siya at bakit ganun? Hindi naman siya nakagayak ngayon?

"Good morning! Kain na!" Todo kong ngiti sakanya pero napawi din 'yon nang ngumiti siya sakin.

"Good morning..." Patong niya pa ng kamay niya sa ulo ko at ginulo yung buhok ko.

"Wow! Mukhang masarap yung luto mo ah." Tuwang tuwa niya pang sabi habang kumukuha na ng pagkain, kaya napatulala na lang ako habang umuupo na din.

"Hindi ka na ba galit?" Taka ko pang tanong. Nakangiti pa din siya at nilagyan pa ko ng ulam sa plato ko. Ang weird niya.

"Sinabi ko naman sayo, hindi ako galit." Sagot niya.

"Sayang, nilagyan ko pa naman ng lock yung pinto." Nanghihinayang kong bulong.

"Ano kamo?" Pag seseryoso niya naman habang tinitignan ako. Nag peace sign lang ako sakanya habang pinapakita yung susi.

"Anong ginawa mo?" Gulat niyang tanong at tumingin sa pintuan.

"Kasi naman lagi kang alis nang alis." Sagot ko. Nag pamewang naman siya at para kong batang pinapagalitan.

"Sorry na nga."

"Tanggalin mo 'to." Pag mamasungit niya na naman kaya napapout ako at mabilis na tumakbo para kunin yung martilyo.

"Ang sungit! Eto na..."

JOSH POV

"Alam mo kapag hindi mo nagawan ng paraan yung pintuan ko. Yari ka talaga sakin." Pananakot ko sakanya habang kumakain kami sa labas.

"Bumili na nga ako ng pintura ah! Kita mo!" Sigaw niya na parang siya pa ngayon ang galit.

"Kasi naman sinusungitan mo ko tapos biglang ang bait bait mo na naman..." Bulong niya pa habang umiirap. Napangiti nalang tuloy ulit ako sakanya habang naiiling.

"Sir eto na po." Lapag nung waiter sa lamesa namin kaya natigilan na siya.

"Alam mo Josh? Hindi kita maintindihan kung bakit pabago bago ka ng mood." Salita niya na naman habang sumusubo ng fries.

"Pinatira mo ko sa bahay mo pero hindi mo ko papansinin."

"Josh! Buti nag kita din tayo!" Lapit ni Carl kaya napatingin ako at halos masamid nang makita ko si Charity.

"Sino naman siya?" Baling niya pa kay Rachel.

"Girlfriend ni Migs." Pakilala ko at nakipag kamay pa siya kila Carl.

"Ang galing talaga pipili ng kapatid mo noh." 

My Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon