𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝐹𝑜𝑢𝑟

12.2K 376 4
                                    

"Rachel! Rachel! Nandiyan yung boyfie mong gwapo!" Kinikilig na sabi nung isa kong kasama kaya napabalikwas ako. Kakatawag lang ni Migs, bakit si Josh naman ngayon?

"Nandon siya sa sala." Nguso pa sakin ni Wendy kaya mabilis akong tumayo at nag ayos ng buhok. Teka?! Wala pa kong bra. Pasok ulit...hay! Bakit ba ko natataranta?!

"Dalian mo, ang tagal niya ng nag hihintay sa sala." Salubong pa sakin ni Lily kaya nakunsumi kong lalo. "Bakit niyo kasi siya pinapasok?!" Kunsumi kong sigaw.

"At bakit naman bawal akong pumasok? Galit ka ba sakin?" Tanong niya mula sa malayo kaya napakagat labi na lang ako. Si Lily naman todo ngiti pa at galingan ko daw.

"Josh? Bakit nandito ka? Gabi na ah." Ilang kong lapit sakanya.

"Josh? Di ba Migs yung boyfie mo? Ikaw girl ah! Nadudulas ka pa!" Sabat nila sakin habang naka silip silang lima sa isang gilid. Kaya naman tinignan ko sila at pinilit na paalisin.

"Okay galingan mo jan!" Sigaw ni Lily na lalo kong kinahiya. Hindi ko tuloy matignan si Josh.

"Boylet, ikaw na bahala sakanya ha? Wag kayong gaanong umungol jan ah hahaha!" Dagdag pa nila habang nag tatawanan.

"Bakit ganun mag sasalita yung mga kasama mo dito? Ang aarte..." Mahinang sabi niya pero seryoso.

"Ha? Pag pasensyahan mo na. Sa bar kasi sila nag wowork kaya ganun mag salita."

"Sa bar?!"

"Oo, pero ayos yang mga yan. Nag dadala sila dito minsan ng mga lalaki pero hind—" "Kala ko ba bawal yung lalaki dito sa loob?" Parang inis niyang bulong kaya napatigil ako.

"Hoy ikaw!" Sigaw niya na kaya sinaway ko siya agad. "Wag kang sumigaw."

"San dito yung kwarto mo?" Seryoso niyang tanong kaya napatingin ako sakanya na may pag tataka. Bakit niya hinahanap yung kwarto ko? Nanlaki yung mata ko sa naisip ko kaya napayakap agad ako sa sarili ko.

"Bakit nakaganyan ka?" Taka niyang tanong kaya tinignan ko siya ng masama.

"Hoy! Ikaw ah!" Turo ko sakanya habang umaatras pa. Tumawa naman siya at "Parang sira..." bulong niya pa.

"Kung ano man yung iniisip mo! Hindi ako ganun sa kanila!" Defensive kong sigaw habang napapatingin sakanya.

"Teka? Iniisip mo bang? Huh?! Hoy! Wala akong plano sayo!" Balik niya sakin.

"Eh bakit hinahanap mo yung kwarto ko?!" Sigaw ko ulit pero bumalik lang siya sa pag seseryoso. "Umalis ka na dito." Mahina niyang sabi.

"Ha?" Paulit ko pa sakanya.

"Kunin mo na lahat ng gamit mo. Dun ka nalang tumira muna sa condo." Seryoso niyang sabi habang tumitingin tingin pa sa paligid.

"Bakit naman? Parang mas malala pa yang iniisip mo." Ilang ko ding bulong habang di din makatingin sakanya ng diretsiyo.

"Kesa naman dito!" Sigaw niya ulit kaya mabilis kong tinakpan yung bibig niya.

"Aaaiisst! Ang ingay mo...baka mamaya marinig ka nila. Nakakahiya."

"Kung ayaw mong sumigaw ulit ako. Kunin mo na lahat ng gamit mo at sasama ka na sakin." Madiin niyang bulong nang tanggalin niya yung kamay ko. Nag katitigan kaming dalawa at nakakatakot yung tingin niya sakin ngayon.

Mas malala pa siya kesa kay Migs. Teka?! Bakit ba ganyan siyang mag salita? Hindi ko naman siya boyfriend.

"Hoy teka lang! Ano naman kung sila kasama ko? Ano naman kung dito ko nakatira? Di naman kita boyfriend pano nalang iisipin ni Migs." Nabigla kong salita at halatang nagulat din siya. Tumango tango lang siya habang umaatras at hindi ko mabasa yung expression ng mukha niya. Nag walk out siya at hindi na ulit nag salita.

My Brother's GirlfriendWhere stories live. Discover now