𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑆𝑖𝑥

10.3K 354 4
                                    

Ilang araw na kong hindi mapakali. Hindi naman siya yung boyfriend ko pero nag aalala kong may magustuhan siyang iba.

"Mali 'tong nararamdaman ko. Dapat umiwas na lang ako sakanya." Naiinis kong bulong habang nag tatakip ng unan.

"Rachel? Movie marathon tayo?" Katok niya naman sa pintuan ng kwarto ko kaya napatayo agad ako. "Sige!" Sigaw ko pa kaya napaface palm ako pag kayari non.

Sinabi ko nang lalayo ako eh. Ano ba 'tong ginagawa mo?

"Ano bang panunuorin natin?" Ilang kong ngiti sakanya habang papalabas ng kwarto.

"Ikaw, kahit ano lang. Bumili din ako ng pop corn at drinks." Nakangiti niyang pag papakita. Kinakabahan na talaga ko sa kinikilos at nararamdaman ko pag dating sakanya.

"Oh. Ikaw ang mamili, kahit ano lang sakin." Ngiti niya na naman habang inaabot sa kamay ko yung remote. May pagitan sa inuupuan naming dalawa kaya nakakahinga pa ko nang maluwag.

Pinilit ko na lang na wag siyang tignan kahit ilang minuto. Tinuon ko yung attensiyon ko sa TV pero ang hirap! Yung tipong pag tumawa siya sa pinapanuod, napapatingin ako. Ang gwapo niyang tumawa.

"Josh? Pwedeng mag tanong?" Pabulong kong tanong habang lumalapit ng kaunti sakanya.

"Ano 'yon?" Sagot niya lang habang nakatingin parin sa TV.

"May nagugustuhan ka na ba?" Nahihiya kong tanong. Umalis siya ng tingin sa TV at dahan dahang tumingin sakin kaya napatigil din ako. Nag kunot nuo pa siya habang naniningkit ang mata sakin.

"Haha! Natanong ko lang naman!" Bawi ko sa sinabi ko at bumaling na ng tingin sa TV.

"Gusto ko sa babae yung maiksi ang buhok, maputi, at maayos manamit." Bigla niyang sagot na ikinapout ko. Kabaliktaran ko lahat ng sinabi niya.

"Ah...tumitingin ka pala sa pang labas." Bulong ko nalang habang tumitingin sakanya. Nakatitig lang din siya sakin ngayon at nakangiti. "Bakit ganyan yung mukha mo?" Tanong niya pa kaya pinalo ko siya ng malakas sa braso.

"Niloloko mo ba ko?!" Sigaw ko at bigla naman siyang tumawa.

"Ano bang niloloko?" Angal niya lang habang tuwang tuwa pa.

"Kabaliktaran ko lahat ng sinabi mo. Tss..." Inis kong saldak na lang din sa kabilang dulo ng sofa at inirapan siya.

"Ano ba gusto mong sagot ko?" Pag seseryoso niya.

"Hindi ko naman pwedeng sabihing type kita." Dagdag niya pa kaya napawi yung pag mumuryot ko at tinignan din siya ng diretsiyo.

"Kita mo yung reaction mo! Bakit? Type mo ba ko?" Biro niya pa sakin kaya napabusangot ako habang tumatango lang sakanya.

"Type mo ko?" Ulit niya pa.

"Syempre kamukha mo yung boyfriend ko eh." Bawi ko nalang sakanya at nanuod na. Hanggang matapos yung palabas tahimik kaming pareho. Dapat hindi nalang ako nag tanong.

"Umiinom ka ng beer?" Gulat kong linga sakanya. Seryoso lang yung mukha niya at hindi manlang sumagot.

"Pahingi ako." Lahad ko pero kinuha niya lang yung remote at pinatay na yung TV. Tumayo na din siya at parang hindi ako narinig. Pinag masdan ko lang siyang pumapasok na ng kabilang kwarto at seryoso lang ang mukha. May nasabi ba kong mali kanina?

Ilang araw pa ang lumipas pero ang cold niya sakin. Hindi niya na ko hinahatid at sinusundo sa office. Hindi narin siya kumakain kasabay ko at kung umuwi siya ng bahay halos mag mamadaling araw na.

"Good morning! Nag luto ako, tara?" Pilit kong aya sakanya pero tulad ng dati. Hindi niya parin ako pinansin at nag patuloy lang sa pag labas ng pinto.

"Ano kayang problema?" Nag aalala ko nang bulong habang sumasaldak sa sahig. Kailan ba kasi uuwi si Migs? Gusto ko na siyang makausap at makita. Gusto kong linawin kung ano ba talaga yung totoong nararamdaman ko.

"Buti naman nakasama ka samin ngayon." Siko sakin ni Nathalie habang sumasayaw sayaw pa. Tuwang tuwa silang lahat habang papaupo palang kami.

"Alam mo bang free drinks tonight? Buti na lang at sumama ka kasi mag lalasing tayo!" Hiyaw ni Willy na sinabayan din ng lahat.

Nandito kami ngayon sa bar at nabobored ako. Sumama lang naman talaga ko dito kasi wala din akong kasama sa condo. Madaling araw na naman uuwi si Josh.

"Oh? Teka lang babalik din ako." Malakas kong sabi sakanila dahil sa sounds. Lumabas ako agad at sinagot si Migs.

"Napatawag ka?" Kinakabahan kong tanong. Hindi niya pwedeng malaman na nasa bar ako kundi yari talaga ko sakanya.

"Video call tayo." Patay.

"Video call? Asan ka na ba? Bumili ka lang naman ah. Tara na kanina pa ko sa sasakyan oh." Pag arte ko para patayin niya na yung tawag.

"Ha? Di ba pwedeng namiss lang kita?" Parang gulat niya pang tanong kaya nakisama na lang ako.

"Kung namimiss mo ko. Dalian mong bumili at bumalik ka na dito." Sagot ko pa pero pinatay niya na yung tawag. Napa "Yes!" nalang ako dahil di niya ko nabuking.

"Sino yung kausap mo?" Rinig kong boses ni Josh kaya napaharapa agad ako.

"B-bakit ka nandito??" Gulat na gulat kong tanong habang nakaturo sakanya.

"Pinag tataksilan mo ba yung kapatid ko?" Pag mamasungit niya na naman kaya napababa na ko ng kamay. "Bakit ba ganyan kang mag tanong? Para namang may ginawa akong masama." Naiinis kong sabi sa harapan niya at hindi parin makapaniwala sa itsura niya ngayon. Para niya kong pinag iisipan ng masama.

"Saka si Migs yung kausap ko! Nag sinungaling lang ako kasi magagalit siya sakin pag nalaman niyang nasa bar ako." Tuloy tuloy kong paliwanag sakanya. Inirapan niya lang ako at tumalikod na.

"Teka! Josh!" Sigaw ko pa at tumigil naman siya.

"Galit ka ba sakin? Nag babago ka na." Pilit kong tanong sakanya habang nakayukom ang palad ko. Akala ko haharap siya sakin at mag papaliwanag pero nag patuloy lang siya sa pag lakad pabalik sa loob.

Sinundan ko siya at pinanuod mula sa malayo. Seryoso lang din siya sa harap ng barkada niya. Hindi ko na siya maintindihan nitong nakakaraan. Ayoko ng pinapakita at pinaparamdam niya sakin kasi nasasaktan ako. Gusto kong bumalik yung dating kami.

"San ka ba nag punta?! Tara dito dali!" Excited na hila sakin ni Nathalie at halos madapa pa ko sa pag hila niya. Bumalik kami sa pwesto at nanuod sa mga nag lalaro. Kung sino man yung tapatan ng spot light...tatayo sila at hahanap ng makakapareho.

"Ano ba yan?! Lahat naman halos ng lalaki si Layla ang pinipili. Nakakalima na yan." Inis na bulong ni Willy kaya natawa ko.

"Hindi ka naman nila pipiliin. Pwera na lang kung alam nilang bakla ka." Tawa ni Nathalie sakanya. Napatingin naman kaming tatlo kay Jessie na ngayon ay may lumapit na lalaki. Pinahawak nito sakanya yung kapirasong lemon at natawa kami sa reaction niya kasi sa leeg siya nito hinalikan. Napalaki pa yung mata niya at yung lalaki naman parang tuwang tuwa habang iniinom na yung vodka.

"Bakit pinag tatawanan niyo ko?!" Angal niya pa samin habang lumalapit.

"Bakit? Buti nga sayo may interesado. Kita mo samin wala pang lumalapit oh." Mataray pang irap sakanya ni Willy. Napailing na lang ako habang umuupo na at nag bubukas ng beer.

"Kung alam ko lang na may ganyang pakulo ngayong gabi, nag ayos talaga ko." Naiinis na bulong ni Nathalie sakin habang tumitingin sa camera ng cellphone niya.

"Di ba may boyfriend ka na?" Tingin ko pa sakanya.

"Wala na, kaya nga sumama ko dito para makahanap ng bago." Balik niya lang sakin at nag mamadali pang tumayo ulit habang nag hihiyawan ang lahat.

My Brother's GirlfriendWhere stories live. Discover now