If that is a frame up, eh, 'di okay 'yon sa akin. But still, it hurts like hell. Kailangan ko munang mag-isip ng matino. 'Di ko pala kayang makipag-usap sa kanya ng walang nararamdaman na sakit at magpaka-okay.

Ang hirap pala nang ganito.

Gusto kong malinawan pero nilukob na ako ng galit. Kahit 'di ko dapat pangunahan ang nararamdaman ko ngayon, napapangunahan ko na.

Sabi ko kanina, ipapalinaw ko sa kanya ang lahat ng ito pero mahirap pala. Kailangan ko muna sigurong magpalamig ng ulo bago kami mag-usap dahil ngayong kaharap ko na siya, 'di pumapasok nang maayos ang kanyang mga sinasabi sa tainga ko.

Nabibingi ako sa paliwanag niya.

“Don't.” niyakap niya ako sa baywang at binaon ang ulo sa'king leeg. “H'wag kang lumayo sa akin. Pag-usapan natin ito nang maayos.”

“Mag-ayos ka muna ng sarili mo. Kailangan ko munang lumayo, sa ngayon lang naman. I need to think properly and clear my mind before talking to you again.”

“No, hindi ako papayag na lumayo ka sa akin kahit sabihin mo na ngayon ka lang lalayo.”

“Nahihirapan ako...”

“Sabihin nating nasaktan nga kita pero they framed up me, love. 'Di ko 'yon magagawa sa'yo. Nang malaman ko na nag-send sila ng pics and videos sa'yo, dali-dali ko na silang iniwan do'n. I even gave them a words they deserved before I go. Please, love. Don't go...”

“I still hate you...”

“Hate me, go on. Walang problema 'yon sa akin pero 'di ako papayag na umalis ka. Kahit maging malamig ka sa akin ngayon ay okay lang. Basta kakausapin mo pa rin ako, basta nandito ka lang sa unit ko at basta kasama lang kita rito.”

Hindi ako umimik, nanatili lamang akong nakatayo at hinayaan siyang nakayakap sa aking baywang.

Nagugulo pa rin ang aking utak ngayon. May side sa akin na gustong maniwala sa kanya at may side na ayoko. Naglalaban ang utak at puso ko kaya gulong-gulo ako ngayon.

“Ang bata, love. Baka mapa'no na ngayon.”

Lumayo na ako sa kanya at hinayaan naman niya ako.

“You want to sleep again? Pwede nating pag-usapan 'to mamaya kung magulo pa ang utak mo.”

“I'm trying...” napalabi ako. “to focus on you but I actually can't. It hurts, you know.”

“I know. 'Di kita pipilitin na intindihin ako, Ali. Magpalamig ka muna ng ulo mo. Pwede tayong mag-usap mamaya.”

“Lumayo ka muna ng kaunti sa akin.”

“Love...”

“Lumayo ka muna ng kaunti.” lumayo nga siya ng kaunti kahit ayaw niya. “Hindi ako aalis na.” dagdag ko pa. “Pero 'di ibig sabihin ay kakausapin pa kita gaya ng dati. Hintayin mong lumamig ang ulo ko sa'yo bago kita kausapin ulit ng gano'n.”

Tumango siya, “Okay lang 'yon sa akin, naiintindihan ko.”

Nagtungo na ako sa kama. “Do'n ka sa sofa matulog. Ayaw kitang katabi.”

“Si—Sige.”

Humiga na ako at pumikit, sumasakit ang ulo sa nangyayari ngayon. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kanina pero tama na muna sa pagiging marupok.

---

Nagising akong nauuhaw kaya bumangon ako't pumunta sa kusina, dahan-dahan lamang akong naglakad papunta ro'n. Wala sa sofa si Ken kaya sumilip muna ako sa kusina, nando'n nga siya.

Nagluluto siya ro'n at halatang bagong ligo. Nagdadalawang-isip muna ako kung papasok ako sa loob ng kusina o hindi pero sa huli ay pumasok pa rin ako. Kumuha ako ng babasagin na pitsel at nagsalin ng tubig sa babasaging baso. Naramdaman kong nakatingin siya sa'kin pero 'di ko siya tinatapunan ng tingin.

“Ah, I cooked our breakfast.”

“So?”

“Let's... eat.”

“Kumain kang mag-isa mo. Mamaya na ako.” matamlay kong wika sa kanya bago umalis sa kusina.

Nagtungo muli ako sa kwarto at nahiga. Kailangan kong matulog ngayon para makaiwas sa kanya, bumabalik pa sa isipan ko ang nangyari kagabi kaya wala pa akong sa mood na kausapin pa siya.

Pumikit muli ako pero 'di na ako dinadapuan pa ng antok. May naramdaman akong tumabi sa'kin ngunit 'di ko minulat ang aking mga mata.

“Ali...” naramdaman kong may humalik sa aking noo. “I know I hurt you but let me remind you again that I'm not the one who texted you last night. I was really framed up by those women, love. If only I could explain my side to you earlier... If only I could ease your pain... If only I could change the events... hindi na sana nangyari pa 'yon. Gago sadya ako dahil sumama pa ako sa kanila. Tanga pa ako dahil nagpaniwala ako sa kanila, na for business ang pag-uusapan naming tatlo. I'm sorry, love. But believe me... matino ako. 'Di ko magagawa sa iyo ang bagay na 'yon. Spending my time with you is the one I want not spending my time with them. I do really love you and believe me, I'm not lying.”

Naramdaman kong may luha na pumatak sa aking pisngi. Nanuyo ang aking lalamunan at tila 'di makahinga nang maayos. Naramdaman ko pa ang pag-alis niya sa tabi ko at ang paghakbang niya palayo pero 'di ko minulat ang aking mga mata, narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ng kwarto at do'n ko lang binuksan ang mga mata ko.

Napaluha muli ako at napaupo sa kama.

Tahimik lamang akong umiyak habang ginugusto ng puso ko ang maniwala sa kanya.

Kapag naniwala ba ako sa kanya, sasaya ba ulit ako? Kapag kinausap ko siyang muli gaya ng dati, sasaya ba ako? Kapag pinakinggan ko nang maayos ang paliwanag niya, sasaya na ba ako?

Kainis!

There's always a battle between my mind and heart. There's now a chaos between them. I want to use my mind because I'm afraid that he's lying but my heart kept telling me that I love him and I need to believe him.

Ang hirap. Sa gan'tong sitwasyon, anong uunahin ko? Puso o isip?

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon