Chapter 23

259K 4.7K 196
                                    

Nagising akong may ngiti ng nakapaskil sa aking mukha. Nag-enjoy nga ako ng sobra kagabi pero hindi huminto ang oras gaya ng gusto ko. Tumingin ako sa aking gilid at walang Ken akong nakita. Bumangon ako habang nakakunot ang noo, may nakita akong papel sa table na nasa gilid ko't dinampot iyon.

A short letter for me.

Good morning, love. Sorry kung 'di na kita ginising pa, masarap kasi ang tulog mo, tulo pa nga laway mo. Kidding. I cooked you breakfast already. H'wag magpakapagod at stay in my unit, okay? I'll be home at seven o'clock in the evening. I love you.

I smiled after reading the letter, panira lang 'yong sinulat niya na tulo pa laway ko kahit 'di naman!

Nilapag ko muli 'yon sa table at dumiretso sa kusina. Nakaayos na sa mesa ang kakainin ko. I looked at the wall clock, it's nine o'clock in the morning, ibig sabihin, kanina pang seven thirty o'clock nang umaga pumunta si Ken sa kanyang kumpanya.

Mga bandang alas gis na ng gabi kami nakauwing dalawa. Ang bilis nga lumipas ng oras, ayaw ko pa sanang umuwi kagabi pero kailangan.

Nagtimpla muna akong gatas at naupo na sa upuan, mag-isa akong kumakain ngayon. I suddenly miss the presence of Ken, nasanay kasi akong may kasabay kumain. Dalawang hotdog and ⅓ of rice lang ang nailagay ko sa aking pinggan at 'yon ang naubos. Hinugasan ko muna ang plato bago magtungong banyo, to do my morning routine.

So, what's next?

I roamed my eyes in his unit. Malinis ang sahig at maayos ang ibang gamit, so, anong gagawin ko ngayong umaga rito? Napabuga ako ng hangin at napagdesisyunan nang lumabas muna ng unit niya.

Sorry pero gusto kong lumabas.

I locked the door of Ken's unit, tanging pitaka at cellphone lamang ang dala ko. I want a little pace near at this condominium so I went outside, malakas na hangin ang sumalubong sa'kin paglabas ko ng condominium.

I smiled and welcomed the sun's heat, it touched my skin and I felt a little warmth in it.

Nagsimula na akong maglakad-lakad habang nagmumuni. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko'y may nakita akong pamilyar na bata na nakaupo sa may gilid ng kalsada.

“Callum..”

Nilingon ako ng bata at nang makita niya ako ay mabilis 'tong lumapit sa akin.

He smiled, his bright eyes flickered in happiness. “Ate Ali!”

Callum Marasigan is an eight years old boy at bunsong kapatid ni Dave, hawig na hawig ng kanyang Kuya ang bata kaya parang si Dave na rin ang kaharap ko ngayon.

Anong ginagawa ng kapatid ni Dave rito?

“Ah, anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?” delikado para sa kanya ang mag-isa sa labas kahit maaga pa.

“Tumambay po muna ako. Si Kuya po dapat ang kasama ko ngayon kaso ayaw ko po sa kanya muna kaya tinakasan ko na lang po siya sa condo niya.”

I raised my one eyebrow. Condo? Naalala ko bigla 'yong pagkikita namin ni Dave dati sa B1. Sa condominium din na 'yon nakatira ang lalaki? It makes sense to me now pero ang tanong pa, bakit nag-condo na siya?

“Ikaw na bata ka talaga.” sa dami kong tanong sa isip, 'yon na lang muna ang naisabi ko sa kanya.

Tinawanan niya ang sinabi ko at pagkuwan ay nasa tiyan ko na nakatingin. “Ang laki na ng tiyan mo, Ate Ali. Ano po 'yan? May bola ka sa loob ng tiyan?” inosenteng pagtatanong niya kaya ako naman ang napatawa.

“It's my baby...” nakangiti kong wika sabay haplos sa aking tiyan.

“Baby?”

“Yup.”

Pregnant by my Bossحيث تعيش القصص. اكتشف الآن