Chapter 16

292K 5.3K 132
                                    

“Happy family...” I murmured underneath my breathe.

Napatingin ako sa pancake na sa harap ko't napakagat ng ibabang labi. Posible ba talaga 'yon mangyari sa'ming dalawa?

Sa edad ko na thirty ay nangarap ako sadya na magkaroon ng pamilya pero ang lalaking kasama ko sa'king pangarap noon ay walang iba kung 'di si Dave. And now, Ken came to the picture. Nawala na nang parang bula ang pangarap kong 'yon kasama si Dave. I started imagine na si Ken nga ang makakasama ko sa buhay, ngayon pa lang eh kinikilig na ako.

Landi much, Ali.

“Ayaw mo ba?” pagtatanong niya sa malumanay na boses, tila narinig ang aking binulong. “Ayaw mo ba nang naisip ko?”

“May sinabi ba ako?” I non-chalantly asked.

“Wala.”

“Yon pala, eh.”sabay kain ko muli ng pancake at ngumuya ng nakangiti. Nang malunok 'yon ay nagsalita muli ako, “I like your idea, Ken. Don't worry.”

Nakita ko ang pagpula ng tainga nito kaya agad ko siyang inasar.

“Namumula ang tainga! Kinikilig ka, ano?”

“Oo.” mabilis niyang sabi. “Bakit masama ba ang kiligin? Kayo lang bang mga babae ang dapat kiligin?”

“Hindi naman.” sabay ngisi ko sa kanya habang nagrerebelde na sa pagtibok ang aking puso. “Nakakatuwa lang, marunong ka pa lang kiligin.”

“Oo naman.” his eyes looked at me intensely, “Pero 'di ako kinikilig sa iba. Sa'yo lang.” and he suddenly wink at me. “Sa'yo lang, love.”

Namula agad ako na siyang dahilan para ngumisi siya. Gantihan ba 'to? Sa kanya tainga lang ang namumula habang sa'kin ay buong mukha. Unfair!

Mabilis kong inubos ang aking pagkain habang pulang-pula ang mukha. Si Ken ay ngisi lang nang ngisi. Hindi na natuloy ang kanyang ginagawang pagkain, he's enjoying this!

---

2:00 p.m

“Maligo ka na.” anito bigla.

Napatigil ako sa pag-scroll sa Instagram at napasimangot. “Anong oras na, oh.” dagdag pa niya.

Nakaupo siya sa carpet habang nakaharap sa laptop niya. Nanonood siya ng isang movie ro'n na hindi ko bet kaya 'di ako nakinood.

“Alas-dos.” bored kong wika habang nagpatuloy muli sa'king ginagawa kanina. “Maaga pa, eh. Mamaya na ako maligo.”

“Matagal kang mag-ayos, woman. Maligo ka na.” seryoso niyang wika kaya napatigil na ako ng tuluyan sa'king ginagawa.

Kung kailan nag-eenjoy na ako mag-Instagram ay do'n naman niya ako pinapaligo.

Wala akong choice ngayon kung 'di sundin siya. Dahil alas dos pa lang, babagalan ko ang aking pagligo. Alas kwatro pa naman kasi ang misa at may simbahan na malapit dyan sa condominium na ito kaya do'n na lang kami magsisimba.

Ineenjoy ko ngayon ang pagligo when I heard a knock on the door, pinatay ko ang shower at sumigaw. “Bakit!?”

“Are you done?!” he shouted back.

“Hindi pa!”

“It's already 3:00 p.m, woman! Ang bagal mong maligo!”

Napakunot-noo ako sa sinabi niya sabay kuha sa tuwalya. “Alas tres na!?” hindi makapaniwala kong wika. Ba't ang bilis ng oras? “Maniwala sa'yo!”

Biglang bumukas ang pinto kaya napasigaw ako, dali-dali kong binalot sa'king katawan ang towel.

“Ba't mo binuksan ang pinto!? 'Di pa ako tapos!”

Pregnant by my BossDär berättelser lever. Upptäck nu