Chapter 25

254K 4.2K 85
                                    

Kinabukasan...

“Sandali.” humawak ako sa braso ni Ken at pinagmasdan muna ang bahay nina Dave. It's been months since the last time I saw this house. Walang pagbabago ang itsura, the same old house pa rin. “Marami raw bang tao sa loob?”

Ngayong araw na agad na 'to dadalhin si Dave sa kanilang bahay para sa libing. 'Di pa ako handa sa oras na 'to. Dati, pupunta ako sa bahay nila to see him and had some fun or cuddle with him but now, it changed.

'Di ko akalain na pupunta ako rito para sa kanyang libing na.

“Hindi ko alam. Bakit?”

“Wala lang.”

Hindi ako comfortable bigla sa maraming tao. Lalo pa't naibalita kahapon sa T.V ang aksidenteng nangyari. Nando'n ako't walang ibang ginawa kung 'di ang umiyak. I just pity for myself and for Callum. Speaking of...

Napatingin ako sa basket na dala ni Ken, mga paboritong prutas 'yon ni Callum. Nakibalita ako kagabi pag gising ko kayna Tita and they said that Callum was not in the mood to eat his food kaya naisip ko na pag sa prutas, makakain siya kahit papa'no.

Nag-doorbell na siya, hinihintay na may magbukas ng gate para sa amin.

“Ma'am Ali...” bati sa'kin ni Welma pagbukas niya ng gate. Siya ang katulong na madalas kong makausap dati no'ng kami pa ni Dave. “Sir.. pasok po kayo.” sumulyap siya kay Ken at nilakihan ang bukas ng gate.

”Nasa'n sina Tita? Si Callum?”

“Si Ma'am Mirasol po ay nasa sala kasama ang kamag-anak. Si Callum po ay nasa kwarto niya, nagkukulong po ro'n at wala na ang sigla.” gumuhit sa mukha ni Welma ang pag-aalala para kay Callum. “Dati, ang sigla-sigla niya, matakaw kumain at madaldal. Ngayon po eh nag-iba na siya.”

“Hayaan na muna natin siguro ang bata.”

Sa kanilang lahat, ang pinakanasaktan sa nangyari ay si Callum. Kahit sabihin na hindi niya kasalanan, pinipilit niyang 'di 'yon paniwalaan.

Dumiretso kami papasok sa bahay nina Dave. When Tita Mirasol saw us, she greeted and give us a hug. Namamaga ang mga mata nito at halatang 'di nakatulog nang maayos.

Ang kamag-anak na nandito ay binati rin kami at masasabi kong ang ilan sa kanila ay alam kung sino ako sa buhay ni Dave.

“Parating na raw po ba ang katawan ni Dave?” I asked, still worried to this family.

“Yes. Hali kayo, maupo kayo.” may dalawa pang sofa ang bakante at do'n kami naupo. “Anong gusto niyo? Coffee? Juice? Water?” sunod-sunod na pagtatanong ni Tita pero umiling kami ni Ken.

“Wala po.” bahagya akong ngumiti. “Gusto ko lang pong puntahan si Callum.”

“He's in his room, Ali. Wala sa mood ang anak kong 'yon at 'di na alam ang gagawin. Kagabi, dito siya sa sofa natulog. Nakatambay kasi kami rito. Nakatulog nga siya pero saglitan lang dahil binangungot. He screamed on the top of his lungs and called his brother's name. Ginising namin siya at 'di na nakatulog pa kasama namin.”

Matatagalan pa bago ma-recover ang batang 'yon sa pagkawala ng kanyang Kuya.

“Nagdala kami ngayon ng prutas para sa kanya. Sana magustuhan niya.”

“Sana nga.” tipid na ngumiti si Tita sa akin.

“Wala pa rito si Mendoza, Ma'am Mirasol?” Ken asked. Naalala ko bigla ang fiance ni Dave na si Doktora Mendoza.

Bukod pala sa pamilya ni Dave, may naiwan pa siyang isang tao na akala ko'y makakasama na niya sa pagtanda.

Umiling si Tita, “Wala pa siya pero alam na niya ang nangyari. Baka mamaya ay nandito na rin 'yon.”

Pregnant by my BossWhere stories live. Discover now