Chapter 15: Ang Kuya

Start from the beginning
                                    

"She was really aiming for him to manifest then Miggy got angry...tignan mo yung mga mata nung bata. Nakita mo yon? He just clenched his fist tapos nayupi na yung sasakyan" sabi ng matandang lalake.

"Someone is forcing him to manifest, parang pinipilit talaga" sabi ng babae. "Sana naalala mo yung video na ito, pero ayos lang mukhang hindi pa naman nagtangka itong bruha na ito. Ang masama nito someone knows about Miggy" sabi ng matandang lalake.

"Ang pinakamasamang paraan para pilitin manifestation niya ay kung..." sabi nung babae. "Kung makakaranas ng matinding kalungkutan at galit yung bata....whoever that witch is might try again...she might take the life of a loved one...yung bagong silang na kapatid ni Miggy" sabi ng matandang lalake.

Ilang araw lumipas sa loob ng kwarto kamot ulo si Miggy habang si Althea tawa ng tawa. "Leanna naman e, naka ilang dede ka na. Last na to o" reklamo ni Miggy. Bungisngis yung baby kaya hinaplos haplos ni Althea pisngi nito.

"Akin na yung mga bote" sabi ni Anabelle. "Ang takaw takaw niya" reklamo ni Miggy. "Ay naku mabuti yan para healthy" sabi ni Anabelle saka lumabas. Sa salas abala si Vivian sa mga bisita niya pero napalingon siya at tinignan si Anabelle.

"Naubos agad?" tanong ni Vivian. "Meron pa isa madam" sagot ng kasambahay. "Grabe ka Vi, you look blooming at wala ka stress sa mukha" sabi ng isang babae. "I am so lucky talaga, panganay ko at bunso ko hindi iyakin. Tapos yung panganay ko very responsible at his young age"

"Alam niyo ba marunong siya magpalit ng diaper? He knows, tapos siya din nagpapakain. Nakakatulog kami ni Lawrence ng maayos kasi si Miggy siya yung nagbabantay" sabi ni Vivian. "Really? Baka naman puyat si Miggy lagi" sabi nung isa.

"Hindi nga e, Leanna sleeps well. I am so thankful talaga. Miggy tells her to sleep, wag daw magigising sa gitna ng gabi" sabi ni Vivian kaya nagtawanan sila. "She does sleep, the first night home Lawrence stayed up with Miggy pero Leanna slept the whole night. Sa umaga nalang siya nagising"

"The good thing is parang nakikinig siya sa kuya niya. Kaya lagi kasama ni Miggy, kinakausap niya lagi tapos tinuturuan na agad ng colors at kung ano ano" sabi ni Vivian. "Your son is very bright, I am sure pag ganyan ginagawa niya your daughter will be bright like him" sabi ng isang kaibigan.

Sa loob ng kwarto naupo si Miggy at Althea, "Busog kaya natulog na" sabi ng batang babae. "Ang takaw takaw niya" sabi ni Miggy. "Dapat gawa tayo ng spell" sabi ni Althea. "Spell?" tanong ng batang lalake.

"Oo parang sa movies, diba nilalagyan ng spell para protection" sabi ni Althea. "Mga witch? Gagawa ng spell?" tanong ni Miggy. "Oo diba pinanood natin yung cartoons yung mga witch nagbigay ng spell para protection" sabi ni Althea. "Oo nga, pero pano ba yon?" tanong ng batang lalake. "Hindi ko alam, siguro sasabihin lang natin" sabi ni Althea.

"What are you two up to?" tanong ni Ivan na sumulpot. "Ivan" bigkas ni Miggy saka tumayo at basta nalang binuhat kapatid niya. "Uy Miggy" sabi ni Althea. "Ivan o buhatin mo sister ko" sabi ni Miggy. "Ah..wag na" sagot ni Ivan.

"Sige na Ivan, sige na. Sige na carry mo siya" pilit ng bata kaya naupo si Ivan saka napilitan kargahin si Leanna. Titig si Ivan sa maamong itsura ng tulog na sanggol habang si Miggy naupo sa tabi niya. "Wag ka masyado magalaw baka magising" bulong ng bata.

"Okay" bulong ni Ivan saka napangiti. "Ivan marunong ka ng spell, parang protection para kay Leanna?" tanong ni Althea. "Dapat hindi siya maumpog, hindi siya dapat madapa din" sabi ni Miggy.

"Alam mo Miggy, she has to live normally. Normal lang ang nauumpog, normal lang ang nadadapa. She has to experience those" sabi ni Ivan. "Why?" tanong ng batang lalake. "Para matuto, ikaw nung naumpog ka naalala mo ba? Nung nadapa ka ano ginawa mo sa susunod na pagkakataon? Diba nag ingat ka?" sabi ng nilalang.

MASKARAWhere stories live. Discover now