Inis kong binigay kay Ken ang kanyang cellphone. “Ilayo mo agad 'yan sa akin dahil sisirain ko 'yan.”

Nakakawalan ng gana! Kailan kaya mawawala ang mga babaeng 'yon sa landas namin? Nakakainis!

'Di niya rin ba alam ang girl code? Babae siya, kapwa ko babae! Dapat sa mga babae, nagtutulungan hindi 'yong manlalandi ng iba!

Hindi umimik si Ken at nilapag lamang ang cellphone sa glass table.

After a minutes of silence, he spoke. “Love...”

“What?” salubong ang dalawang kilay na nanonood ako ng movie sa T.V. Hindi siya umimik kaya tinignan ko siya. “Del Valle, bakit?”

“You're furious, I'm scared.” umarko pataas ang gilid ng kanyang labi habang nakaharap siya sa'kin. “You amazed me too.”

“Eh, nakakainis!”

“Naramdaman mo rin ang naramdaman ko noon, ano? Now, we're quits again.”

Nagawa pa niyang tumawa habang wala akong sa mood ngayon, mas lumapit siya sa akin at bigla akong niyapos.

“I did not know that you can be so furious like that, love. Sobrang hot mo kapag nagagalit ka at nagseselos.” lumayo siya ng onti at pinisil ang aking ilong. “You're really my mate, you know. We turned into a monster when we're drunk in jealousy.”

“Di naman kasi ako papayag na landiin ka at makuha. At ikaw, h'wag kang magpalandi. I hate a cheater.” mahina kong sabi pero alam kong rinig niya 'yon, sa lapit ba naman sa akin.

“Okay, we're same. I don't share what's mine.” he caressed my hair. Napatingin ako sa kanyang mga mata at ngumiti, nawala na ang pagkabadtrip ko.

“Kapag may lumandi sa'yo, sabihin mo lang sa akin.”

“Aawayin mo?”

“Oo naman!” tumaas ang isang kilay ko. “Anong gusto mo, kaibiganin ko pa?”

“Ah, hindi naman.”

“Akala ko, eh.”

“Takot ko na lang sa'yo.” he grinned. Kusa kong sinandal ang aking ulo sa kanyang balikat at yumapos din, ang mga mata'y nasa T.V muli.

“Ang bilis lumipas ng buwan. Mamaya, 'di natin namalayan... manganganak ka na pala.”

“Kaya nga.”

“'Yong plano mo na nasabi mo sa akin noon, talagang uuwi ka ng La Union kasama ako?”

“Yup.” may sumilay na pilyang ngiti sa aking mukha. “Natatakot kang harapin ang mga magulang ko't mga kapatid?”

“Hindi,” sinulyapan niya ako. “may kapatid ka pala?”

Hindi ko pa ba 'yon nabanggit sa kanya? Oh, well.

“Yup! Dalawang barako.” sabay ngisi.

Ngumisi rin siya. “Madali ko lang sila maging close panigurado.”

“Hoy, Del Valle, iba mga Kuya ko. 'Di sila basta-basta nakikipagclose sa kung kanino-nino lang.”

“'Di naman ako kung sino lang, I'm a Del Valle.” proud niyang wika. “Makita mo, pag nandoon na tayo. Magiging close ko agad sila.”

“Well then... let's see.” and I smirked.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa matapos ang pinapanood naming movie.

I yawned. “Tutulog muna ako.” lumayo na ako sa kanya at tumayo. “Ikaw?”

“Tatabihan ka.”

Tumayo na siya at pinatay ang T.V. Sabay namin tinungo ang kwarto, dahan-dahan akong sumampa sa kama habang siya ay umikot pa para makasampa rin.

Pregnant by my BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt