Chapter 9: Last Flicker of Hope

78.8K 858 54
                                    


Ngumiti si Lyra kay Richard. Niyaya niya itong umupo muna sa dating puwesto nila. Tumingin tingin si Lyra sa paligid ng likod ng building na iyon. Napangiti siya, sa ikli ng panahon na namalagi siya sa unibersidad na iyon ay tila iyon lamang ang lugar na maituturing niya na sa kanya.

"Ang lugar na ito, hindi siya ang pinakamagandang lugar sa campus na ito pero ito ang pinakagusto ko. Noong dumating ako dito, walang lugar para sa akin. Lahat na lamang ng puntahan ko may nagmamay-ari na. Pakiramdam ko noon wala akong lugar sa campus na ito. Hindi ko alam kung anong nangyari at nadala ako ng mga paa ko dito. Tapos nakilala kita. Ang laki ng dala mong pagbabago sa buhay ko. 'Yung problema namin sa pera, natutustusan na ng kinikita ko sa pag-tutor." Pagkatapos noon ay tumingin si Lyra kay Richard na nakatingin din sa kanya. Nginitian niya ang binata at nagpatuloy siya sa kanyang gustong sabihin.

"Alam mo bang masaya ako na nakilala kita? Palagi kong sinasabi na sana may maliit na tsansa na baka mahalin mo rin ako. Tapos sinabi mo mahal mo ako, hindi ko alam kung biro lang iyon o totoo pero masaya ako. Kaya lang hindi pala ito tulad ng nababasa ko noon sa mga fairytale. May mga bagay pala na mahirap ipilit." Nanginginig ang boses ni Lyra habang nagsasalita. Hindi niya maiwasan ang hindi magdamdam sa mga nangyayari sa kanya. "Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi mo alam kung gaano ako nasasabik na pumunta dito sa likod ng building na ito para lang makita ka. Kaya lang parang ito na yung huling beses na makakapunta ako dito." Naiyak na si Lyra nang tuluyan. Mahal na mahal niya talaga ang binata, pero nagdesisyon na siyang pakawalan ito.

"Lyra, No." Niyakap ni Richard si Lyra. Ayaw niya itong pakawalan. Hindi niya alam kung makakaya pa ba niya na mawalan muli ng mahal sa buhay. Mahigpit na mahigpit ang pagyakap niya kay Lyra.

Ngunit tinanggal ni Lyra ang kanyang mga bisig. Hindi dahil sa ayaw niya, sa totoo lang gustong-gusto niyang maramdaman ang mainit na yakap ng binata, pero hindi sa panahong 'yon. "Richard, let me finish." Pakiusap niya sa binata. "Wala sa iyo ang problema, sa totoo lang napaka-perfect mo para sa akin. Mahal kita, pero mas mahal ko ang sarili ko. Sa ngayon hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin yung paliit na paliit na tingin ko sa sarili ko pero pinipilit ko namang tanggalin. 'Yun nga lang hanga't kinakain pa rin ako ng insecurities ko, hindi tayo pwede." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Medyo hirap na rin siya sa pagsasalita sa sama ng loob na nadarama.

"Then, let's fix it together. I'll help you. Stay with me, please." Bumagsak na ang luha ni Richard. Alam niyang papalayo na sa kanya ang babaing mahal niya at wala siyang magawa.

"No, kailangan kong patunayan sa sarili ko na kaya ko. " wika ni Lyra.

"Ano bang kailangan kong gawin, para patunayan na special ka at hindi mo kailangang ma-insecure? Hindi ka ba naniniwala sa akin na mahal kita? Tanong ni Richard sa kanya. Pero hindi sumagot si Lyra sa tanong na iyon. Ayaw na niyang magtagal pa doon at baka mas mahirapan siya pakawalan ang binata.

"Richard, Bye bye na muna." Sabay umiyak silang dalawa. Hinawakan siya ni Richard sa kamay at hinalikan ito. Walang ma-isukling sagot si Richard sa sinabi ng dalaga. Napakabigat sa loob ng mga salitang binibitawan ng dalaga. "Dapat yata, humanap ka na muna ng iba mong tutor sa halip na nag-iiyakan tayo dito. Para lang tayong sira, wala naman tayong relasyon pero iyakan tayo ng iyakan." sinubukang pagaanin ni Lyra ang sitwasyon at nagbiro.

Pero hindi mawawala ang katotohanan na ito na ang mga huling sandali na makakusap niya ng ganitong katagal ang binata. Makikita niya ito sa loob ng campus, ngunit hindi na katulad ng mga nakaraang araw. Muling tinignan ni Lyra ang buong lugar, parang sinasaulo niya ang bawat sulok ng likod na building, ayaw niya itong makalimutan. Narito ang mga masasayang araw niya sa campus. Matapos ay tiningnan niya si Richard,

My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)Where stories live. Discover now