Chapter 1 Invisigirl

261K 2K 269
                                    

Unang araw ni Lyra sa kolehiyo. Mapalad siya at nabigyan siya ng scholarship mula sa isa sa pinakasikat na unibersidad, kung hindi ay mapipilitan siyang maghinto. Mahirap lamang sila at sapat lamang ang kinikita ng kanyang ina sa pagtatahi ng basahan upang tustusan ang kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan. Ang ama niya naman ay pumanaw na noong nakaraang taon dahil sa isang aksidente sa pabrika. Hangang ngayon naman ay hindi pa binibigay ng pabrika ang compensation para sa pagkamatay ng kanyang ama.

Panganay si Lyra sa dalawang supling

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Panganay si Lyra sa dalawang supling. Ang kanyang nakababatang kapatid na lalake ay nasa Elementarya pa lamang. Pinangako niya sa kanyang sarili na makapagtatapos ang kanyang nakababatang kapatid sa pag-aaral, at ito ang unang hakbang patungo sa pangarap nila. Kinakabahan na nananabik si Lyra. Excited na siyang makita ang paaralan na pinangarap lamang niya noong una. Sinuklay niya ng dahan-dahan ang kanyang buhok na kahit hindi naka Rejoice ay straight na straight at kulay itim, tipong nakapangasawa ng mayaman. Nakagawian niya nang itali iyon at iipit ng clipper para magmukhang maikli, sagabal daw kasi ang mahabang buhok.

Kinuha niya ang kanyang bag at sinilip ang bulsa nito. Laking pasalamat niya at may barya pang kasya sa kanyang pamasahe patungong unibersidad. Kung hindi ay mapipilitan na naman siyang manghingi sa kanyang ina na alam naman niyang kinakapos din. Nagpaalam na siya sa kanyang nakababatang kapatid at sa kanyang ina. Pinaalalahanan niya itong huwag masyadong magpagod at baka mahilo na naman ito. Sinabi niya rin ditong uuwi agad siya matapos ang kanyang schedule para makatulong naman sa ina.

Bago marating ang gitnang daan kung saan puwede siyang makapara ng dyip na masasakyan ay kailangan muna niyang makipagsapalaran sa isang masikip na eskinita na tila gubat sa dami ng damit na nakasampay. Kitang kita mo ang hirap sa kanilang lugar. Hindi naman sa nagiging ambisyosa siya pero gusto niya talagang mai-alis ang kanyang pamilya sa ganitong hirap ng buhay. Buti na nga lang kung ang mga sinampay lamang ang nandoon, dadaanan mo rin ang sari saring sigawan at ingay, may isang pamilya pa na pinag-aalmusal ng tungayaw ang kanilang mga anak. May mga magkapitbahay naman na ang aga-aga eh awayan ng awayan.

*Makakaalis din kami nila Inay dito* bulong ni Lyra sa sarili.

*Makakaalis din kami nila Inay dito* bulong ni Lyra sa sarili

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#

"Para na po" sabi ni Lyra, sabay kalampag sa bubong ng dyip. Kung hindi mo kasi kakalampagin ang dyip ay lalampas ito sa babaan mo at kakailanganin mo pang maglakad.

My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)Where stories live. Discover now