Chapter 8: Tiffany's Resolve

81.3K 821 42
                                    


"Itabi niyo ang mga kamay niyong 'yan. Oras ng klase ngayon at nandito ako sa school na ito para mag-aral at hindi atupagin ang walang kwentang lovelife na yan. Tatapusin ko ang klase ko ngayon at mamaya ay mag-uusap tayo." galit na sambit ni Lyra.

Parang napahiya silang dalawa sa sinabing iyon ni Lyra. Tama naman siya sa mga sinabi niya. Nang ang dalawang binata na lamang ang magkasama, umupo sila at nagsimulang mag-usap.

"Hindi naman magkakagulo rito kung inaalagaan mo siya ng maayos. Kung paiiyakin mo lang siya, layuan mo na lang siya. Akin na lang siya." Wika ni Luke.

"We are not fighting over a toy, this is Lyra. I love her bud. I love her so much. I don't know kung bakit siya naiilang sa akin. Ang manhid niya lang. I don't know how much will it take just to prove na mahal ko siya." Sagot ni Richard sa kanya.

"Mahal? For goodness sake, hindi mo pa nga naayos ang sarili mo. As long as may mga bagay kang pinagdadaanan , hindi mo mamahalin si Lyra." Wika ni Luke.

"You don't get it, do you? Lyra is giving me strength to deal with the loss of my parents. She's filling up that void that my parents left when they passed away."paliwanag ni Richard, hindi niya rin alam kung bakit siya nagpapaliwanag sa lalaking ito. Siguro ay naghahanap lang siya ng mahihingahan ng sama ng loob.

"Ano 'to? Ginagamit mo lang si Lyra para makalimot diyan sa problema mo?"tanong ni Luke na parang nag-aakusa sa kausap.

"No. Hindi ginagamit. Never kong nakalimutan ang pagkamatay ng parents ko. Pero si Lyra, pinaunawa niya sa akin na kailangang ituloy ang buhay, na your honoring their memories by going on with your life. Mahal ko siya ng higit pa doon." Muling paliwanag ni Richard. Determinado siya ipaliwanag kay Luke ang lahat.

"So why do you keep on hurting her?" muling tanong ni Luke sa binatang kaharap. Nararamdaman niya ang bawat salita nito, naiintindihan niya rin ito dahil parehas lamang sila ng minamahal.

Mayamaya pa ay biglang dumating si Tiffany. Nabalitaan niya ang pakikiag-away ni Richard at dali-daling pumunta roon.

"What happened here?" tanong ni Tiffany sa dalawa.

"We had a short boxing match." Sabay tawa ni Richard matapos noon ay muli siyang sumeryoso. "Ang hirap bud. Ang hirap na palagi niyang akong tinutulak palayo." Kinuyos ni Richard ang palad niya na parang nanggigigil sa sarili.

"Alam niyo kasing dalawa, may sakit si Lyra na hindi magagamot ng pagpapacharming niyo." Sambit ni Tiffany.

"Alam ko naman na medyo mababa ang self esteem ni Lyra. Napapansin ko 'yon tuwing kasama niya ako. Kulang na lang sipain niya ako palayo sa kanya." Sagot ni Richard.

"And you didn't do something about it?" tanong ni Tiffany sa kaniya.

"What am I supposed to do? Sinabi ko na sa kanya na I will protect her so she doesn't need to feel small." Gulong-gulo ang isipan ni Richard ng mga oras na iyon.

"Hay! Clearly wala kang alam sa aming mga babae. This looks like a job for Tiffany"sabay talikod ni Tiffany at iniwan silang dalawa.

"Sino siya?" tanong ni Luke kay Richard.

"Oh! Nakalimutan kitang ipakilala, how rude of me." Sagot ni Richard sa kanya.

#

Dumiretso si Tiffany sa COSE building dahil hindi niya alam ang eksaktong lokasyon ng room ni Lyra. Pumunta siya sa Faculty room at doon nagtanong. Naabutan niya ang ilang professor na nandoon pa at tila walang klase ng mga ganoong oras. Lumapit siya sa pinakamalapit na prof at nagtanong .

My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt